Prologue

9 2 0
                                    

James' POV

Ang makapiling ka at maisagaw sa mundo na akin ka ay ang tanging pagkakasalang aking ipinagpapasalamat.


Ang masungkit ka ng dahil sa pagkakasala ay isang bagay na hindi ko inaasahang mangyari.

Ang malaman mo ang dahilan ng ating pagtatagpo ay ang araw na hindi ko hihilingin na mangyari sapagkat ako ay sigurado na ito ang magdadala ng wakas sa bagay na hindi ko inaasahang magdadala sa akin nang saya.

Betty’s POV

     Isang katangahan ang sumugal sa isang bagay na alam mo na ang kahihinatnan. Ako ay isang tanga.

Matindi ang sikat ng araw at unti-unti nitong sinusunog ang lahat ng bagay sa aking mundo. Ang iyong pagdating ay nagbigay haligi sa aking sumusukong puso. Kung ito mang lahat ay panandalian lamang handa akong makipagsapalaran.

Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon