ISANG mahinang ugoy ang nakapagpagising sa aking nahihimbing na tulog, pagmulat ko ng aking mga mata nakita ko ang akin papa na nakaluhod sa tabi ng akin kama at nakabihis na tila handang-handa nang umalis.
"Betty, gising na diba sabi ko sayo pupunta tayong Lakes sa birthday mo? Pano kita madadal ng Lakes kung nahihimbing ka pa ng tulog dyan?"
wika nya nang may ngiti sa kanyang labi, na syang nakapaglagay rin ng ‘di mapadsidlang tuwa sa akin labi.
"Ngayon na po ba ‘yon papa?" tanong ko sa kanya ng may halong pagkasabik.
"Oo naman, kaya magbihis ka na!" sagot nya, sabay tayo mula sya kanyang kiniluluhuran.
Ako naman ay dali-dali nagpunta ng banyo upang maghanda na, sabi ni papa matagal na daw nyang pinaplano na dalhin ako sa Lakes kung saan sila nagkakilala nila mama. Simula noong nagretire siya sa pagsundalo ay inilaan niya ang kanyang oras sa amin ni mama. Sabi niya ay nais niya na makita akong lumalaki, at nakikitang buo ang aming pamilya at nagagawa naman niya iyon. Kahit simple ang aming pamumuhay ay hindi hinahayaan ni mama at papa na kami ay nagugutuman.
Nang matapos ako sa pag-iintindi ay bumaba na ako ng aming bahay kung saan ay bumungad sa akin ang aking ina na may malaking ngiti sa kanyang labi,
"Happy Birthday Betty!" bati sa akin ni mama habang hawak-hawak ang basket na may lamang pagkain na dadalhin namin sa Lakes.
"Thank you po mama!" niyakap ko ang aking mama na kanya naman sinuklian ng paghimas sa natutuyo ko ng buhok. "Talaga po bang hindi kayo makakasama sa amin ngayon ni papa sa Lakes?" Ini-angat ko ang aking mata papunta sa aking mama habang patuloy niya na hinihimas ang aking buhok. Napansin kong ang mga mata niya'y wala sa’kin bagkus ito ay nakatingin sa papalabas na pigura nang aking papa na nagmula sa kusina. Niyakap ko si mama nang mahigpit at nang ibinalik niya akin ang kanyang mga mata ito ay may ngiti. Si mama ay isang nurse sa malapit na hospital dito sa Serene Lane. Kahit na madalas na abala si mama sa hospital ay hindi nya kami kami pinapabaayaan ni papa. Tuwing umaga bago umalis ay paghahandaan nya kami ng almusal at aayusin ang mga bagay na kaylangan namin para sa maghapon.
"Bakit naman ako hindi sasama sa inyo, birthday mo ngayon at nararapat lamang na nasa iyo ang aming atensyon ngayong araw." wika nya habang pinipisil ang aking mga pisngi. Nagtatalon ako sa tuwa sa akin narinig sabay bitaw sa pagkakayakap sa akin ina na syang tumatawa sa aking ginagawa. Tumalikod ako at hinarap ang aking ama na nakatayo sa 'di kalayuan na siyang nakatingin na amin ni mama. Hinatak ko ang kamay ni papa at sinabi sa kanya ang dahilan ng akin kasiyahan.
"Papa! Papa! Sasama si mama satin ngayon."
“Talaga ba? Mukang magandang balita nga ‘yan." tugon nya.
"Tara na umalis na tayo nakahanda na ang kotse sa labas." wika nya at kami ay lumakad na palabas ng aming bahay.
Ang Serene Lane ay ang isa sa mga lugar na ‘di ko ipagpapalit dahil dito nagkakilala sila mama at papa, kaya dito rin sa lugar na ito nais ko bumuo ng aking magiging pamilya. Maaring masyado pa akong bata para isipin ang mga ganitong bagay. Ngunit, sa tuwing nadidinig ko ang kwento nang pagkakakilala ng aking mga magulang, kung paano ang isang sapa ay humahawak ng isang malaking kwento ng kanilang pagmamahalan. Palagi kong ipagpapasalamat sa maykapal na binigyan niya ako ng mga magulang na hindi ako pinapabayaan kahit na hindi ko madalas na nakakasama si mama ay nandyan naman si papa upang isama ako sa mga kanyang pinupuntahan. Katulad ng pagpipinta, panghuhuli ng isda, at pagtugtog ng musika. Si mama naman ang nagtuturo sa akin sa gawaing bahay, dahil sabi nya, ako ang magaalaga kay papa kapag wala s’ya, kaya sa murang edad ay tinuruan niya ako ng pagluluto at paghuhugas ng pinggan wala kaming masyadong bonding ni mama hindi katulad ng samahan namin ni papa, misan kapag day off ni mama ay madalas lang ito nagpapahinga, dahil narin siguro sa pagod sa trabaho, ni minsan ay hindi sumama si mama sa mga ginagawa namin ni papa.
Nakaupo kami sa nakalatag na sapin malapit sa may tubig ng sapa habang nakatanaw sa tahimik at payapang pag agos nito. Nakapagtataka na walang ibang taong nakadiskubre ng lugar na ito. Kung mabubuksan ang Lakes sa publiko ay tiyak na papatok ang lugar na to.
"Papa, pwede bang ating na lang ang lugar na ito?" tanong ko kay papa, sabay higa ko sa kanyang mga binti.
"Sana atin na lang ito, sa sobrang ganda ng lugar na ito ay parang gusto kong ipagdamot."
"Kung pwede lang na angkinin natin ito ay, aangkinin natin." Sabi nya habang naka tingin sa tubig ng sapa. "Pero may mga bagay anak, hindi mo kinakailangan angkinin para masabi na sayo ito." dagdag niya sabay tingin sa aking mga mata na sa kalukuyan ay nakatitig sa kanya.
Ipinaling ko ang aking tingin sa aking ina tila ba ay nakatingin sa kawalan. Hindi ko masabi ngunit tila ba ay nakatitig lamang s’ya sa kawalan na tila inaalala n’ya ang mga bagay na nangyari sa lugar na ito. Hindi ko mawari kung tuwa ba o kalungkutan ang namumutawi sa kanyang mga mata, malaman ay pagod lamang iyon sa trabaho, bakit ba naman sya malulungkot sa lugar na ito?
Ayoko matapos ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Illicit Affair
Teen Fiction"You taught me a secret language I can't speak with anyone else"