Chapter 2

2 2 0
                                    


     “PA! Bakit nga ulit tayo nasa initan? At bakit hindi tayo nagdala ng payong?" tanong ko kay papa.

Maaga akong ginising ni papa, sa hindi malaman dahilan sabi nya ay may pupuntahan daw kami, kung saan, ito ay hindi ko alam.

"Wag ka nang magreklamo r'yan. Bilisan mo na lang maglakad, at ayusin mo ang tayo mo baka matapon ang mgpinturara na nasa bag mo."  sagot nya sabay bilis ng lakad.

"Arghh! Ano pa po ang silbi ng sasakyan natin kung maglalakad lang tayo? at wag nyo pong bilisan hindi dahil sundalo kayo ay kaylangan na natin magmadali." aking tinakbo ang lumalaking pagitan ng aking ama na syang tumawa sa akin sinabi. "Ang bigat bigat kaya ng bag ko, hindi naman ako sundalo." pabulong kong sabi nang makarating ako sa tabi nya. Kinuha nya ang bag na aking dala at s'ya na ang nagbitbit nito.

"Ayan, hawak ko na ang bag mo pwede na ba natin bilisan?"

"Arghhhh!"

Nakarating kami sa isang malawak at tahimik na garden, hindi ko alam kung paano ito nalaman ni papa at sa tuwing tinuturuan nya akong magpinta ay palagi na lamang niya ako dinadala sa mga lugar sobrang nakakamangha ang ganda.

Maraming puno sa paligid, at sa di kalayuan sa may gitna ng hardin ay may ginibang brikong pader na may gumagapang na halaman na natitira pa nitong nakatayong pader.

"Maganda ba?" Tanong ng aking ama na syang nakatingin sa akin habang nakangiti. "Itong lugar na ito ay isa dating flower shop, nang mamatay ang may ari ay walang may gustong mag mana ng lugar dahil masyadong malayo at tago, naging kuta ito ng mga sundalo noon kaya may giba-gibang briko, malapit din ito sa gubat kaya hindi nakakapagtakang nabuhay pa ang mga iilang halaman dito."

"Ang ganda po dito papa! Sana sinabi nyo na ganito po kaganda ang pupuntahan natin edi sana hindi ako nagreklamo kanina habang papunta tayo." Nilibot ko ang aking tingin at tila sobrang natural ng mga bagay dito. Hindi halatang naging kuta ito ng sundalo noon dahil ni hindi ito kakikitaan ng kaguluhan. Nilapitan ko ang aking papa upang yakapin at binaon ko ang akin ulo sa kanyang tiyan. "Salamat po at dinala n'yo ‘ko dito"  sabi ko, na kanya naman na tinawanan at hinimas ang akin buhok.

"Hindi kusang mapipinta ang mga larawan kung walang hahawak ng brush." Wika niya agad akong kumalas sa kanya at kinuha ang nalimutan nang dalang bag at inilabas ang pintura habang inaayos naman ni papa ang dala-dala n’yang canvas.

Kinuwento ko kay mama ang mga ginawa namin ni papa sa garden na pinagdalhan n'ya sa akin, "Sobrang ganda po talaga doon mama! Mas masaya po sana kung kasama namin kayo."

"Alam mong may trabaho si mama mo anak" sabat ni papa na nasa tapat ko sa hapag kainan.

"Alam ko po ‘yon pa, pero kayo na lang po ang palagi kong kasama nagsasawa na po ako sa inyo at isa pa palagi n’yo po akong pinagllakad nang malayo." biro kong sabi sa aking ama na s’ya naman na kanyang ikinatawa. Walang imik na tuloy lamang sa pagkain si mama at kami naman ay tuloy pa rin sa pag-uusap ni papa.

"Kailangan ko ba talagang pumasok sa school?" Tanong ko sa aking ama habang nakaupo ako sa backseat nang aming sasakyan na minamaneho ng aking ama.
"Pwede naman sa bahay na lang ako mag-aral, tutal naman tinuturuan n’yo ako." Nakabusangot kong sabi sabay salampak sa aking inuupuan.

"Betty, itigil mo ‘yang pagsimangot mo, at umayos ka ng upo. Papasok ka sa school ngayon.”

"Hayss" angal ko sabay buntong hinga.

"Betty, kung papasok ka ngayon mamayang hapon ay isasama kita na manghuli ng isda sa Lakes." ani ng aking papa na nagmamaneho.

"Sige na nga, basta pa sabi mo ah isasama mo akong mangisda" sagot ko sabay tingin sa rearview mirror ng sasakyan.

"Palagi naman kita sinasama diba?" wika ni papa ng may mayabang na ngiti  sabay harap kay mama na s'yang nakikinig lamang na aming usapan.

Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon