Chapter 3

6 2 0
                                    

Pababa na si Betty sa kanilang sasakyan na nakaparada sa tapat ng school nang biglang bumuhos ng malakas ang ulan.

“Ano ba 'yan, umulan pa! lalo tuloy ako tinatamad pumasok." wika ni Betty na naka ambang baba ng sasakyan. Muling umayos ng upo ang bata sabay tingin sa rearview mirror ng sasakyan, tinignan niya ang ama sa salamin at nagsabing, “Wala naman na si mama sa sasakyan papa, baka naman pwedeng hindi na ko pumasok?”

Napailing-iling lamang ang ama ni Betty habang pinapakinggan ang kanyang anak. “Betty, tumigil ka na. wala man dito ang mama mo papasok ka at diba napag-usapan na natin ito?” yumuko siya at iniabot ang payong na nasa ilalim nang kinauupuan at nilingon ang kanyang anak at saka ibinigay ang payong dito.
“okay, sige na po, nagbabakasali lang naman" pabulong na tugon ni Betty na may simangot sa mukha, sabay kuha ng payong na iniabot ng kanya ama.

Nang tuluyan nang nakababa si Betty ay nagpatuloy na sa pagmamaneho ang dating sundalo sa madulas na daan.

3rd Person's POV

Inihatid ang batang lalaki papunta sa kanyang school. Habang nasa loob ng sasakyan hindi maiwasang pansinin ng bata ang malakas na pagtama ng bawat butil ng ulan sa bintana na kanyang katabi.
Ibinaba ang batang lalaki ng kayang yaya sa loob ng school kagaya nang nakasanayan at walang sabi-sabing umalis. Hinintay muna ng bata na umalis ang sasakyang naghatid sa kanya bago siya kumaripas ng takbo upang pumuslit palabas ulit ng kanyang school.

“Buti na lang at umuulan, ‘di ako mapapansin ng guard” wika ng lalaki sa kanyang isipan

Nagtampisaw ang batang lalaki habang hindi alintana ang lakas ng ulan.

“Makakapaglaro ako ngayon, walang mom, walang dad at wala rin si yaya.”

Sa kabilang banda, isang truck ng basura ang nakaparada sa pabulusok na parte ng kalye, at ang driver nito ay nasa loob natutulog at tila walang kamalay malay sa malakas na ulan

“Aha!", mabilis pa sa pag-ilaw ng bumbilya ang ideya ng pumasok sa ispin ng batang lalaki. Agad-agad nitong tinakbo ang pagitan patungo sa truck na nakaparada. Naisipan niyang pagtripan ang driver ng truck, tinanggal ng bata ang kalang sa gulong ng truck na s’yang pumipigil upang hindi ito bumulusok paibaba.

Patuloy ang pagmamaneho ng dating sundalo na s’yang nahihirapang makakita sa lakas ng ulan. Nais niya makauwi nang maaga upang makapag -handa sa pupuntahan nila ni Betty.
“Umuulan nang malakas, hindi kami pwedeng mangisda ni Betty ngayon, aalis nalang kami para magpaint"
wika niya sa kanyang sarili sabay, itinodo n'ya ang apak sa silinyador na s’yang mas lalo pang nagpabilis sa takbo nito.

Hindi namalayan ng driver ng truck na mabilis na umaandar ang truck pababa sa madulas na kalye.

Booom!

isang malakas na salpok ang narinig ng humahagalpak sa tawa na batang lalaki. Nilingon niya ang truck at nakitang ito ay sumapok sa isang sasakyan.

Hindi niya malaman kung anong gagawin kaya kumaripas ito ng takbo palayo sa pangyayari. Hingal siyang nagtago sa likod ng puno at saka umiyak.

“Anong gagawin ko! anong gagawing ko! anong gagawin ko?”

paulong n’yang sabi sa kanyang sarili sabay sandal sa  puno. Nanghihinang napaupo ang bata sa maputik na lupa. Humuhikbing niyakap niya ang kanyang mga tuhod, habang nakatingin sa kawalan.

Nagsilabasan ang mga tao sa kanilang mga bahay nang marinig nila ang malakas na salpukang nangyari. Nakitang sugatan ang driver ng truck at nag-aagaw buhay naman ang taong sakay ng nasalpukan nitong sasakyan.
Agad na tumawag ng tulong ang residente sa lugar at dinala sa hospital dalawang kabilang sa insidente. Agad na dumating ang ambulansya galing sa malapit na hospital.

BETTY'S POV

Walang ganang nakikinig ang walang kamalay malay na si Betty sa itinuturo ng kanyang teacher. Nag lalaro sa isipan ng babae ang lugar na pupuntahan nila ng kanyang ama, alam nyang hindi sila makakapamingwit ng isda kaya malamang ay pupunta sila sa isang lugar na makakapagpamangha sa kanya.Biglang kinabahan si Betty at sa di malamang dahilan ay hindi ito mapakali.

Isang katok, sa pintuan ng silid-aralan, ang nagpabigay atensyon sa klase nila Betty, binuksan ng guro ang pinta ng silid, at tumambad sa kanila ang sekretarya ng principal, Dito ba ang klase ni Betty Williams?"
Opo, ako ho,"kinakabahang sbat ni Betty sabay tayo sa kinauupuan.

Isang tawag ang nakarating sa opisina ng principal,"inilibot nita ang tingin sa loob ng silid, sumunod ka sakin"

Kinakabahang, humakbang si Betty patungo sa sekretarya ng principal.Nasa labas ng silid ang dalawa magkatapatan, ang kabadong batang Betty ay di mapakali alam nyang may roong nangyari, bagay na sasabihin ng sekretarya ng nasa harap nya. tumawag ang ospital sa school kanina."Isang di makayanang katahimikan ang nanaig sa tensyonadong paligid, patay na ang papa mo Betty"pabulong na tuwiran nito.

Halos mawala ang dugo sa buong sistema ni Betty, nanghihina siya sumandal sa pader sa labas ng silid.

“Ano?! Imposible yan! Hindi pa po patay ang papa ko!"

narantang sabi nito, nilapitan siya ng sekretarya at hinimas himas ang kanyang likod. Humagulgol ng iyak ang batang Betty.

“Hindi pa patay ang papa ko"
"Hindi pa patay si papa"
“Hindi!"

Paulit-ulit na sina-sabi ni Betty sa kanyang sarili ang nga katagang ito, habang patuloy na humahagulgol sa pag iyak.

Patay na si Papa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Illicit Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon