Ikalawang kabanata : Hunters
Tumutulo ang mga butil ng pawis galing sa noo ni Alex habang tumatakbo sa kalagitnaan ng gubat nais niyang bumalik sa eskwelahan nila sa lalong madaling panahon. Nag aalala siya sa mga magulang at nais niyang makahingi ng tulong agad.
Kahit na napakalayo na ng kanyang natatakbo ay tila hindi pa rin nya makita ang katapusan ng gubat na ito hindi nya makita ang kalagitnaan ng gubat kung saan naroroon ang kanyang eskwelahan. Ngunit mas lalo siyang nagtaka sapagkat hindi siya nakakaramdam ng pagkahapo o pagkapagod.
Rinig niya rin sa di kalayuan ang mga yabag na patuloy na sumusunod sa kanya tila ontong pagbagal sa kanyang pagtakbo ay maabutan na siya ng mga ito.
Sa tantsa niya ay nasa pito hanggang sa sampu ang humahabol sa kanya ngayon.
Natatanaw na niya ang pader ng eskwelahan ng biglang may tumulak sa kanya galing itaas na siya namang dahilan kung bakit sa napahiga. Agad-agad siyang tumayo at tumakbong muli ngunit ramdam niya ang hapdi sa kanyang tuhod dahil yun ang ginamit niyang pantukod.
Ramdam niya na ang lapit na ng mga humahabol sa kanya pero hindi niya nakaya pang bilisan ang takbo. Hanggang sa tuluyan ng siyang maabutan ng mga ito. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang gamitin ang kapangyarihan niya.
"Sino kayo? Anong kailangan niyo?" Matigas na tanong ni Alexandra sa mga ito.
Lahat sila ay nakasuot ng kulay abong damit at sa kanan nito ay may kung anong logo. Hindi lang yun basta logo, alam na alam ni Alex kung ano iyon. Iyon ang logo ng mga Hunters sila ang mga taong biniyayaan ng lakas tulad niya ang kanilang tungkulin ay hulihin ang mga umaabuso ng kapangyarihan na mayroon sila.
Ang huling balita niya ay hinuhunting ngayon ng mga hunters ay ang mga lumalabag sa law ng mga Dawn. Ang Dawn ay isang konseho at kada nilalang sa underworld pati narin ang tagabantay sa mortal na mundo ay may kanya-kanyang representante na kasama sa Dawn.
Pero bakit siya? Sa pagkaka-alam niya wala siyang inilalabag na batas na ipinatupad ng Dawn.
"Sumama ka na samin para hindi ka masaktan."
"Utos ito ng isa sa kasapi ng Dawn kaya kung ayaw mong masaktan pati na ang iyong pamilya sumama ka saamin."
May pumipigil sa isipan ni Alex na nagsasabing wag siyang sasama sa kanila. Hindi niya alam kung ano ito pero may kakaiba sa mga hunters na iyon at hindi siya tanga para hindi malaman iyon.
Sila ang mga klase ng hunters na mayroong iisang lider na sinusunod. Wala silang pakialam kung sino ang dapat nilang hulihin o 'di kaya'y kinakailangan patayin dahil ang kanila lamang susundin ay ang kanilang Lider o Amo.
Kaya naman pala iba ang unipormeng suot nila. Ang simpleng hunters ay kulay lupa ang suot at hindi kulay abo.
"Hindi ako sasama hanggat hindi ko nakikita ang pamilya ko." Matigas parin ang tindig ng dalaga tila kahit anong oras ay handa siya sa mangyayari.
"Wala ng tayong oras kuhanin niyo na iyan." Sabi ng isang lalaking tila pinakamataas sa grupo nila.
BINABASA MO ANG
THANA ACADEMY (School of Power)
FantasiaBuong akala ni Alexandra ay kilalang-kilala na niya ang kanyang pagkatao. Patuloy siyang naniniwala sa mga bagay na sinasabi nilang hindi totoo kagaya ng Underworld, mga Bampira, halimaw at iba pa. Dumating ang araw na napatunayan ni Alex na totoo a...