"C-Cielo?"
"Hmm?" He smiled more.
"Ok lang ako, na... naalala ko lang naman si Anton.. HEHE."
*PAK*
"Araaaay! Para saan 'yon?!"
Batukan ba naman ako!
"Amwala, akala ko kung ano na pino-problema mo! Grabe naman epekto ni Anton sa 'yo." Iritang sabi niya at lumabas na siya sa gate.
"Huy teka lang!" Hinabol ko siya palabas ng gate.
"Ano bang meron? Bad mood ka yata masyado." Sabi ko pa sa kaniya nang harangin ko siya at patigilin sa paglalakad.
"Umayos ka kasi! Akala ko naman kung ano nang naiisip mo. Tapos parang---"
"Pfftt. Concern na concern Hehehe" humahagikgik kong sabi.
"Malamang! Ay nako, libre mo na nga lang ako! Tara!" Namumula na siya sa inis, kaya lumakad na siya nang mabilis at inunahan ako papunta sa malapit na convenience store, para siguro makaiwas sa pang-aasar ko. Mautak.
Nakabili na kami ng snack ni Cielo. Nag-ice cream lang kami.
"Uy nga pala, sumali ako sa fencing club. Hehe." Pagsimula ko ng topic. Tambay muna kami dito.
"Oh? Bakit?" Sagot niya habang kinakain ang ice cream niya.
"Wala, parang ang astig kasi. Tsaka may alam naman ako sa arnis kaya baka same lang sila."
"Eh? Magkaiba 'yon, buang!"
"Magkaiba ba 'yon?? Eh pareho lang naman sila na gumagamit ng something para sa self defense." Pagdepensa ko.
"Eh? Nakapagregister ka na ba?" Pag-usyoso ni Cielo sa 'kin.
"Oo, kahapon lang." Kinagat ko na yung cone after magsalita, masarap pala amg ube flavor.
"Hala nako, good luck na lang." Sabi niya sabay kagat na rin sa cone.
"Bakit ba magkaiba 'yon?" Tanong ko kay Cielo.
"Ang arnis kahoy gamit panglaban, sa fencing, hindi. Tsaka iba rules doon, ano ba p're." Tinawanan niya pa ako, inirapan ko na lang siya.
"Weh sure ka iba rules?"
"Syempre! Tapos yung posture, pansin mo ba na iba yung kamay ng mga nagla-laro ng fencing sa mga nag-aarnis?"
"Ay oo nga 'no. Hala lagot akala ko same lang ang fencing at arnis!"
"Ayan, sali pa." Siya naman ang nang-aasar sa akin ngayon, tumatawa pa.
"Pwede ba mag quit agad?" Sabi ko pagkatapos maubos ang ice cream ko.
"Kung ako sa 'yo, hayaan ko na lang. Kasi kaya nga sumali doon para matuto, hindi para magdunung-dunungan." Sabi niya sa 'kin sabay ngiti.
May point. Hindi na nga siguro ako aalis, kapag hindi ko na lang kinaya.
"Oh pa'no, uuwi ka na?" Tanong niya sa 'kin, at inayos ang pagkakasintas sa sapatos niya.
"Ayoko pa umuwi, doon muna ako sa inyo, okay lang ba?" Ako lang kasi ang nasa bahay niyan, may pasok mga magulang ko eh, tapos hindi naman pala pupunta yung pinsan ko, may lakad sila ni tito.
"Pwede, pero may bayad na."
"Luh?" Nagtataka kong tanong.
"Aba, ang dalas mo na kaya sa amin! Ang gastos mo pa sa kuryente kaka-charge!" Napanguso na lang ako sa sermon niya.
"Sira, buti nga dina-dalaw pa kita eh." Sabi ko sabay irap. Wala kasi siyang kasama madalas sa bahay nila kasi may trabaho rin ang parehong magulang niya, ay meron pala, si ate Amy, iyong kasambahay nila na hindi niya gaano ka-vibes, kaya medyo lonely siya sa kanila, buti na lang may Zarine na gaya ko!
YOU ARE READING
Marvelous Mistake
RomancePhilophobia- fear of falling inlove or be in a relationship "But is there a chance to make you mine?" SLOW UPDATE