CHAPTER 18

5.3K 223 24
                                    

Last day na ng practice namin for the performance na magaganap sa intrams, nandito ako ngayon papunta sa cafeteria dahil hindi pa ako nakaka kain.

Wala rin kasi kaming classes na papasukan ngayon dahil may meeting ang mga professors, kaya hinatak nila ako para sa practice dahil vacant time naman. May dalawang plates pa akong kailangan gawin wala pa ako maayos na tulog dahil ginawa ko ang iba kagabi.

Mabigat ang katawan kong tinungo ang cafeteria.

"Hi Selene." malanding bungad sa'kin ni Sheila, hindi pinapansin ni Anthea kaya ako naman ginugulo niya.

Tirador ng mag kakaibigan tangina.

"Not now Sheila, I'm not feeling well at baka masakal kita." pagtataboy ko sakaniya.

"Come on, don't be so hard to get like Anthea." ewan ko ba at bakit ganito nalang siya ka desperada manglandi.

"Mag bar tayo this weekend, your friends can come naman para marami tayo." pangungulit pa rin niya at lumingkis sa braso ko.

"May lahi ka bang sawa at grabi ka maka palupot sa'kin?" naiiritang sabi ko sakaniya.

Si Daphne at Phoebe nasa library gumagawa ng mga plates dahil tambak na rin sila, habang ang kambal may practice ipinatawag ng cheerleading captain nila kaya wala mag liligtas sa'kin dito.

"Selene, you're here pala." Sambit ng isang familiar na boses, it's Ma'am Dion.

"Hi po Ma'am Dion!" hinarap ko siya at tinignan na para bang nanghihingi ng tulong.

"Hi po Ma'am, una na po kami ni Baby Selene nagugutom na raw po siya." sabi ni Sheila.

Si Ma'am Diom naman ay tinignan lang kami with 'Oh' expression.

Hinila na niya ako palayo kay Ma'am Dion na ngayon ay tinatawanan nalang ako, wala akong nagawa kung hindi ang umupo sa tabi niya dahil wala na akong lakas para umangal.

"Baby, say ahhh." sabi ni Sheila na pilit akong sinusubuan.

"Kaya ko kumain mag isa—"

"Velasquez." malamig na tonong sabi ng nasa likod ko.

Umiikli buhay ko dahil sa haliparot na 'to eh, help.

"Hi po Ma'am Romualdes! Kailangan niyo po si Selene? Pinapakain ko lang po sandali si Baby hindi pa raw po kumakain." nakanguso pa talagang sabi niya, potangina mamamatay tayong pareho.

"Gusto mo ba pareho tayong mamatay?" bulong ko sakanya at pinang lakihan siya ng mata.

"Come to my office Miss Velasquez."   

Mag sasalita pa sana ako nang mag salita siyang muli.

"Now." mariing sabi niya, patay.

Nanlulumo naman akong naka sunod sa likuran niya, habang ang sikmura ko nag wawala na sa gutom.

Pagkapasok sa office niya ay hindi na niya ako inimik kaya naisip ko na rito nalang gawin ang mga natitira ko pa na plates.

"M-Ma'am Romualdes, kuhanin ko lang po sandali 'yung gamit ko sa locker para magawa ko po mga plates ko."

"No need, i have supplies here just get what you need." sabi niya at itinuro ang drawer.

Nag simula akong gawin ang plates ko habang siya ay seryosong nag titipa sa laptop niya, Sikmura ko hindi talaga nananahimik dahil gutom na gutom na ako. Nag kakainan na ata mga intestine ko sa sobrang gutom.

"Kumain ka muna para matahimik na sikmura mo." malamig pa rin na tonong sabi niya.

Inilapag niya sa center table ang pagkain na inorder niya na pala kanina, at dahil gutom na gutom na ako ay nag simula na akong kumain.

"So, did you enjoy flirting with that girl?" mabubulunan pa talaga ako sakaniya.

"Ma'am, I'm not flirting with her." pag kikibit balikat ko.

"Siya lang naman ang ayaw akong lubayan. " pag depensa ko sa sarili.

"Oh really ha? You don't know how much I wanted to kill her right away nang makita ko ang picture na sinend ni Dion sa'kin."

Kaya pala tinatawanan nalang ako ni Ma'am Dion dahil nag sumbong na pala siya.

"Kaya pala agad ay nandoon kana sa cafeteria kanina." sabi ko naman habang kumakain.

Pag katapos ko kumain ay humihikab hikab kong itinuloy ang pag gawa ng plates, hindi ako pwede mag palamon sa antok dahil kailangan wala ako iniintindi during intrams, ang hirap kaya mag habol.

"You should take a nap, Missy. You can continue those plates later." seryosong sabi niya habang naka upo sa swivel chair.

"Pero Ma'am—"

"No excuses, Miss Velasquez. You look so pale you need some sleep."

"Ok po Mommy." parang bata na sabi ko sakaniya.

Hindi na ako umangal at humilata na sa sofa na nasa office ni Ma'am Romualdes, agad naman na akong nilamon ng antok na kanina ko pa nilalabanan.

_

"Selene." tawag ni Ma'am Romualdes na nasa tabi ko habang tinatapik ang pisngi ko.

Five minutes pa please antok pa ako mammehhh.

"Selene Vienn, wake up. you have a fever. " nag aalalang pag gising niya sa'kin.

Iminulat ko naman ang mga mata ko, ang magandang mukha ni Ma'am Romualdes agad ang bumungad sa'kin.

"Ma'am, alam mo ba na pwede kita kasuhan?" sabi ko sakaniya na ikina kunot ng noo niya.

"Because, you're so pretty I'm gonna dieeee!" sabi ko at maarteng humawak pa sa dibdib ko.

"You and your cheesy lines, Velasquez. Get up na so you can drink your medicine." sabi niya at hinila ako pa upo.

Natigilan naman siya nang bigla ko siyang yakapin at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Ang sakit po ng ulo ko." parang bata na sabi ko sakaniya at ngumuso pa.

"That's why you should drink your medicine na, ok?" sabi niya at hinalikan ako sa ulo, itinuro ko naman ang lips ko.

"What?" mataray na tanong niya at pinag taasan ako ng kilay.

"Wala po sabi ko nasaan na ang gamot at iinumin ko na." sabi ko at kinuha 'yung gamot sa kamay niya at ininom.

"Ang paet potangina." nasusukang sabi ko na ikinatawa niya.

"You have training later, right? 'Wag kana mag attend dadaan tayo sa gym para makapag paalam ka. I'll talk to yoir coach." sabi niya kaya hindi na ako umangal.

_

"Ok, you can skip our training and take a rest, mag pahinga ka nang maayos para nasa kondisiyon ang katawan ko sa competition ok?" sabi ni Coach Sandi pagkatapos ko mag pa alam.

"Noted po Coach!" sabi ko at sumaludo pa talaga na ikinatawa nalang ni Coach.

"Ikaw talagang bata ka, osige na at umuwi kana para makapag pahinga ka."

"Seleneeee, ok lang?" salubong ni Grace at niyakap ako.

"Yes, I'm fine don't worry konting lagnat lang naman 'to makaka kaldag pa ako." pabirong sabi ko at nginitian siya, yung ngiti na naging ngiwi dahil nakaramdan ako ng kurot sa tagiliran.

"Ok, mag pahinga ka nang maayos ha? I'll visit you sa condo mo kapag hindi na ako busy." sabi niya at bumalik sa mga sa team mates namin.

"Really? In front of me?" mataray na baling sa'kin ni Ma'am Romualdes pagkaharap ko sakaniya.

"Masakit 'yon ha! Grabi ka maka kurot. Kaibigan ko lang naman si Grace kung maka ano ka dyan." pag mamaktol ko at nag lakad na palayo.

"Yeah right, a friend who likes you." bulong niya pero naririnig ko pa rin.

"Guni-guni mo lang 'yan! Ikaw lang naman gusto ko. Parang ewan naman' tong si Ma'am." pagsusungit ko sakaniya at tinawanan lang ako,

bipolar ampota.

Chasing Nothing [COMPLETED] Where stories live. Discover now