Author's POv
"Ang init!" reklamo ng nakababata kong kapatid habang pinapaypayan ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay.
Lumapit si Kuya Bid sa kanya at kunwaring may inaamoy tapos biglang pumangit ang kanyang ekspresyon. Inipit niya ang kanyang ilong. "Maligo ka kasi. Ang baho baho mo."
Sumimangot si Jit dito at biglang tumakbo sa itaas. Pagkatapos ng isang minuto, bumalik siyang basang-basa pa ang buhok.
"Mas uminit naman." reklamo niya ulit at nahiga sa tabi ko.
"Sinong may gusto ng halo-halo?" sigaw ni Ate Yen habang pababa ng hagdan. Itanaas namin yung aming mga kamay. Nakalapit na si Ate Yen sa amin at biglang tumalon sa kama kung saan kami'y nakahiga.
Sumiksik siya sa pagitan namin ni Jit habang tumatawa. "Eh, di bumili kayo."
"Asan ang pambayad?" tanong ko habang inaayos ang aking pagkakahiga. Lumingon si Ate Yen sa akin at ngumisi. "Si Father o di-kaya'y si Mother."
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kwarto ng aming mga magulang. Nadatnan kong nagbabasa si Mommy ng isang libro habang himbing na himbing naman si Daddy sa pagtulog.
Lumapit ako kay Mommy at inilahad ang aking kamay. Tumingin siya sa akin, nagtatanong ang kanyang mukha. "Panghalo-halo daw, Mommy?" mabilis kong hingi.
Ipinakuha niya yung kanyang pitaka at kumuha ng dalawang daang piso. "Ibalik mo yung sobra." madiin niyang sabi at bumalik sa pagbabasa.
"Jit, samahan mo si Na'." utos ni Kuya Bid kay Jit. Padabog na lumakad palabas ng bahay si Jit at nauna na ang binatilyong bata sa lakuhan ng halo-halo.
Sinundan ko siya pero nung malapit na ako sa Store ni Aling Sat, nakita ko si Jit na pumasok sa bahay ng Lolo namin. Ngumiti na lang ako ng palihim. Makikinuod na naman yun.
Dumiretso na lang akong mag-isa sa sari-sari store at nag-order ng anim na serving ng halo-halo. Pinanood ko si Aling Sat habang hinahanda niya yung halo-halo at napadpad sa ibang mundo ang aking pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Halo-halo (Summer Edition)
Short StoryAng init ng panahon ngayon, want some halo-halo, pampalamig ng feeling or some halo-halo story with some cool stuffs, cool guys and cool hobbies? Kung gusto mo ng makakain na halo-halo simple lang ang dapat mong gawin, eh di bumili ka. Pero kung hal...