Chapter One

19 4 5
                                    

"Pareng Bon, tama na! Lasing ka na." Pigil sa akin ni Pareng Jedd habang inaagaw sa akin ang baso na may lamang alak.

"Pareng Jedd, hayaan mo na. Brokenhearted yung tao. Samahan na lang natin siyang uminom."Sabat ni Vince kay Jedd na halatang lasing na. Umakbay pa ito at kinuha ang baso ng alak mula sa kamay niya at ibinalik sa akin. Diretso ko namang itong nilagok at inilagay sa ibabaw ng counter. "Ano pare, gusto mo pa?" Alok sa akin ni Vince. Tumango na lang ako. Agad namang umorder si Vince ng tatlong shots para sa aming tatlo.

Yan ang gusto ko sa ugali ni Vince hindi agaw trip. Hindi katulad ni Jedd, masyadong KJ.

"Pareng Vince, okay lang naman uminom si Pareng Bon eh. Naiintindihan ko, kasi brokenhearted siya." mahinahon niyang paliwanag kay Pareng  Vince. "Ang kaso nga lang, halos limang buwan na siyang ganyan." Dagdag pa niya.

Tumabi siya sa akin at nagtanong "Hindi ka ba nagsasawa, na ganito ang buhay mo?" 

Hindi ako magsasawa hangga't hindi naaalis ang sakit na nasa puso ko. Kung pwede nga lang inumin ko na ang lahat ng alak para lang makalimutan ko si Alisa. Ginawa ko na. Pero takte, kahit anong alak ang inumin ko. Hindi ko pa rin siya makalimutan. Mahal ko pa rin si Alisa. Mahal na mahal.

"Hindi mo kasi ako maiintindihan, Pareng Jedd, wala ka pa kasing minamahal."

Sa aming tatlo, si Pareng Jedd pa lang sa amin ang hindi pa nagkaka-girlfriend. Wala pa kaming nababalitaang nililigawan nyan. Masyado malihim samin. 

"Trust me. Naiintindihan kita." Ngumiti siya, at tinapik ang balikat ko.

"O Pareng Bon, inom pa!" Sabi sakin ni Pareng Vince habang sinasalihan ang baso ko ng alak.

***

"Mr. Bonifacio Andres! Natutulog ka na naman sa klase ko!" Napalundag ako mula sa aking kinauupuan nang marinig ko ang sigaw ng Professor kong matanda.

"Ma'am naman, napasarap lang ang tulog ko kasi ang lambing ng boses mo." Palusot ko, habang ngiting ngiti sa kanya. Sana effective. Dasal ko dahil dalawang beses pa ay drop out na ako sa subject niya. Major pa naman.

Hindi yata natuwa dahil narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. Kasama na pati si Pareng Vince at Pareng Jedd. Sinamaan ko sila ng tingin.

Mga traydor! Walang pakisama.

"Mr. Bonifacio Andres! Get. Out." Sabi ng professor kong matanda na halata mong nagpipigil ng galit. Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at napakamot na lang ng ulo. Nainip yata ang Professor ko kaya nasigawan niya ulit ako. "Now!" Napatakip na lang ako ng tenga at tumakbo palabas. Napailing ako nang marinig  na tumatawa ang aking mga kaklase.

Para makalimutan ang nangyari. Pumunta na lang ako sa pinakamalapit na tambayan at umupo.

Lagi na lang. Lagi na lang ako. Lagi na lang Bonifacio, Bonifacio.

"Napalabas ka na naman?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Hindi ko naramdaman na may katabi na pala ako. "Hi! Ikaw si Kuya Bon, di ba? Ikaw yung ex-boyfriend ni.. sino ba yun? Yung maliit na maganda. Yung lagi mong hinahabol. Yung lagi mong sinusundan. Ano nga bang pangalan nun? Ano nga bang pangalan ng ex mo? Alina? Alyana? Sino ba yun?"

"Alisa. Tsk." Magbabangit na nga lang mali pa.

"Ah.. Alisa pala pangalan niya. Bakit kayo nagbreak?"

"Bakit mo tinatanong? Isa pa, bakit ang dami mong alam? Stalker ba kita?"

"Hmm.. Hindi. Gusto lang kitang tulungan."

Nagtaka ako. "Tulungan saan?"

"Tulungang makamove-on kay Alisa. Para maging masaya ka na." Sagot niya habang nakatingin rin sa'kin.

"Bakit? Dahil ba gusto mo ako? Gusto mong maging rebound ko?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Kapag ba opposite sex ang nag-alok ng tulong pagdating sa pag-ibig.. may gusto na agad? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang tulungan kasi naaawa ako sayo? Isa pa I don't want to see anyone hurting. Isa pa,  nababother kasi ako kapag nakikita kita. Parang pasan mo kasi ang mundo eh. Uy, thank you nga pala."

Muli nagtaka ako. Bigla lang kasi siya nagsasalita ng wala sa topic.

"Bakit?"

"May narealize kasi ako dahil sayo."

"Ano naman?"

"Na.. hindi lang pala kaming mga babae ang assumera. Pati lalaki rin pala.. assumero."

"Aba't—"Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo para habulin siya nang itinulak niya ako, para makaupo ulit.

"Bye Kuya Bon! Friends na tayo ha. Bye! Nga pala, totoo lahat ng sinabi ko sayo, tutulungan talaga kita. Pag-isipan mo. Bye ulit! See you when I see you!" Paalam niya habang kumakaway sa akin. Halatang natutuwa talaga siya kasi tumatalon-talon pa.

"Pambihirang babae." I muttered. Tumayo na ako.

"Pre sinong pambihira?" Tanong ni Jedd na umakbay sa akin. Break na pala. Tumayo na ko.

"Oo nga Pre, sino yun? Chicks ba?" Tanong ni Vince na sumabay sakin sa paglalakad.

"Yung babaeng kausap ko kanina." Sagot ko sa kanila habang kinukuha ko sa bag ko ang wallet ko. Gutom na ako.

"May kausap ka kanina?" Tanong ni Jedd na may halong pagtataka. Binilisan ko na ang lakad. Gutom na talaga ako.

"Oo, hindi nyo ba nakita kanina?" Sagot ko habang nasa tapat na ng counter ng cafeteria. "Isa nga pong carbonara at tubig na malamig."

"Hindi eh, ikaw Vince nakita mo ba?" Tanong ni Jedd kay Vince na nasa likod ko lang.

"Hindi rin." biglang lumaki ang kanyang mga mata. Kahit kailan OA talaga nito. "Ay tae, mga Pre baka yun yung babae na usap-usapan dito. Yung babaeng multo daw na pagala-gala." Paliwanag niya na may halong takot.

"Tss. Vince naniniwala ka dun? Ang duwag mo naman Pre. Bitaw!" Sagot naman ni Jedd habang pilit na inaalis niya ang kamay ni Vince mula sa pagkakapit sa braso nito.

"Pre samahan mo ako magcr mamaya ah." Narinig kong bulong ni Vince kay Jedd.

"Anak ng— Vicente Ruiz! Ang tanda mo na nagpapasama ka pa?" pigil na sigaw niya.

"Sige na naman pre parang hindi kababata." Pagmamakaawa niya.

Agad ko namang kinuha ang inorder ko at tumalikod na sa kanila para maghanap ng mauupuan. Mabuti na lang at may bakante pa sa bandang likod, agad naman akong naupo.

Patuloy pa rin sa bangayan ang dalawa. Hindi ko na sila pinansin nauna na akong kumain.

Tss. Imposible. Naitulak niya nga ako eh. Paano siya naging multo, ramdam ko pa nga ang kamay niya sa dibdib ko eh. Imposible..  imposible talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EstrangheraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon