Move it!

5 1 0
                                    

Move it!

Narinig ko ang katok galing sa labas ng bahay. Siguro sila Mama na iyon. Hininto ko muna ang pag s-scroll sa facebook at tamad na bumangon sa higaan.

"Wait!" Sabi ko pa dahil walang tigil ito sa pagkatok ng pintuan. Tinignan ko muna ang salamin sa kuwarto at nag posing. Pak! Kabog yarn!

" Bilisan mo naman, Tam! Ang init-init na dito sa labas!"

Shuta! Akala ko sila Mama na. Si James pala. Ano kaya ang gagawin niya dito ulit?

Kailangan pa bang itanong iyan, Tam? Syempre mag e-AC, wifi, at mag chillax! Yan naman palagi ginagawa niyo pag andito siya.

Pero eto yung unang araw na pumunta siya dito na wala sila Mama at Papa. May pagka sipsip din itong kaibigan kong si James. Pag nandito si Mama, palagi itong ini-i-spoil ng pagkain kase nga daw bisita. Naglalaro din sila ni Papa ng PS4. Wala naman akong alam sa laro na yan kase I'm a social media goddess. Yor knor what I'm sheying?

"Oh, ba't andito ka, ha?!" Tanong ko pa pagbukas ko ng pinto. Hindi alam ng magulang ko at ni James na bakla ako. Kaya ayon, sikretong petlamu ako ngayon. "Wala dito sila papa."

"Di naman ako pumunta dito dahil kay tito." Sagot niya pa at pumasok sa bahay. Hinubad niya ang kaniyang shirt at pumasok sa aking kwarto.

"Eh ano ginagawa mo dito?"

"Mag w-wifi." Pinunasan niya ang kaniyang katawan na may pawis. "Ang init pa sa loob ng bahay namin. Walang aircon di katulad ng sa inyo. Ang init kase ng electric fan."

"Edi bili ka ng aircon." Sarkastikong sabi ko pa.

"Bilhan mo ko." Sambit niya pa at tumawa. Ang gwapo niya pag tumatawa. Parang daks nga tong kaibigan ko eh.

Wait.. kaibigan pala siya ng papa ko. Hindi ko siya kaibigan. Nakaibigan lang dahil palagi siya pumupunta dito dahil close sila ni Papa. Lamang ng isang taon si James sakin. Nineteen siya, eighteen naman ako. Mag n-nineteen ako ngayong September.

"Ulol! Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Nasa pintuan ako at siya naman nakadapang nag ce-cellphone sa aking higaan.

"Nag ch-chill. Ang lambot pala ng higaan mo no. Sakin kase, pagkagising ko sa umaga, may stiff neck na ako." Tumawa na naman siya. Di ko na kita ang mukha dahil nasa likod niya ako.

Pinabayaa  ko nalang siyang humiga doon. Lumabas ako at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain.

Sana all naman talaga to. Baka magutom pa tong anak-anakan ni Papa at malagot pa ako.

Bumalik ako sa kwarto na may dalang juice. "Anong sayo?"

"Ikaw." Sabay kindat neto. Keneleg naman yung betlog ko. Gusto ko siyang hampasin ng dala kong pitsel ng matauhan ang animal.

"Gago. Ano nga?" Shuta! Mabulilyaso pa ako neto.

"Kahit ano nalang. Ikaw naman magdadala dito."

"K."

Nagdala ako ng tatlong slice ng cake at biscuit. Masarap ang biscuit nato kase iba-iba ang laman. May chocolate na flavor, may shapes pa na biscuit at madaling matunaw sa bibig, may matabang, at iba iba pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

James X Tam (Short Story)Where stories live. Discover now