Post ko bago pumasok, matagal-tagal din akong hindi nakapag-OnLine kaya ngayon ko lang ito napost. I'm sarreh. Happy Valentines Day sa mga taken, samen, Happy Single-Awareness Day slash Happy Thursday. :DD
--
ÿþTHIS close but THAT far.
Written by KG
Copyright © 2013
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in
any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording,
or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the
author, except where permitted by law. Plagiarism is a crime!
--
Masayang maging inlove. Minsan nga kahit crush lang masaya na e. Kapag inlove ka, lahat ng bagay nagbabago. Kapag inlove ka, makita mo lang sya, nakangiti, nakatawa, lahat ng nang galit, pagod o kung ano pa mang nararamdaman mo ay bigla na lang mawawala.
Pero paano kung yung taong gustong gusto mo ay may girlfriend na pala? Will you just give up? Will you just stay in your room, crying? Cursing yourself for not being pretty? Or will you fight for the one you love?
(A/N: Relate lahat ng mga may crush na hanggang tinggin lang nuh?! XD Ako kasi oo e. :P He's too far for me to reach. :P And also, some part of this story was based on real life. Yung iba fiction na. :D)
***
Lunes nang umaga. May assembly nanaman bago magsimula ang klase. Mahigit limang minuto din nang panenermon ang natanggap naming lahat galing kay Mrs. Regino tungkol sa pagkakalat ng mga estudyante sa kung saan-saan kahit na may tamang basurahan naman. Sobrang mahaba ang Lunes na iyon dahil marami nanamang events ang hinanda ng school para mga kung anu-anong celebration. Buti sana kung sine-celebrate din namin ang ika-dalawamput-siyam na buwan mula nang magkagusto ako kay Luis Jackson. Oo, lagpas dalawang taon na akong umiibig sa isang lalaki. Ako'y 'loyal' kung magmahal. Ang totoo nga nyan, kami na! Pero hindi nya pa alam, baka kasi kapag nalaman nya ay magalit sya. Magbreak pa kami. Kayo quiet lang kayo dyan a?
Ako si Laarni Go. Isang mabuting estudyante na pinabubuti ang kanyang pag-aaral. Pwede nyong sabihin petiks lang ako sa madadaling subjects pero seryoso ako sa mga main subjects, specially math. Torture kaya yun! Kulang na lang magka-internal hemorage ako sa sobrang hirap intindihin ng Math subject namin. It's a total suicide! At dahil dyan kaya madalas akong magpatutor dito sa school. Lalo na kung wala naman kaming ginawa, kahit dito lang sa classroom okay na yun. Ipaintindi lang nila saakin okay na yun. Kaso wala talagang pumapasok sa utak ko e. Kapag pumasok na ang teacher, basa pa ang telang nasa ulo ko. Pero kapag lumabas na sya, daig pa ang halamang hindi nadiligan sa loob ng limang buwan.
Pero kahit ganun, magaling naman ako sa ibang subjects, like English and Science. Math is just a total suicide for me. Malas ko nga lang at wala akong katabing magaling sa subject na yun. But what can I do? Wala, hindi naman kami ang namimili ng seating arrrangements namin e.
Pero kahit na sabihan akong bobo sa Math, okay lang. Dahil kapag narinig ko na ang bell na naghuhudyat nang ending ng klase namin para sa araw na ito, sobrang saya ko nanaman! Mawawala lahat ng pagod, gutom at sakit na nararamdaman ko. Parang bagong gising lang.
BINABASA MO ANG
THIS close but THAT far.
Teen FictionBigo ka ba sa crush-life mo? Perfect 'to para sayo.