Ikawalong kabinata: Ang Simula

100 10 1
                                    

Phil's POV:

Maglilimang buwan na akong nagsisilbi bilang alipin ni Cyrus. Oo Cyrus nalang talaga tawag ko sa kanya, utos rin naman niya iyon ano pa bang magagawa ko? Sanagdaang mga buwan maraming nagbago, isa na doon ang paggaling ni tatay. Matapos ng ilang mga buwan nagpapagga-gamot ay nagkaroon na ng bisa ang gamot na pina-inom sa kanya ng doktor. Si Prinsesa Putri naman ay nagpatuloy sa pagpapalakas ng sandatahang-lakas. Oo tama kayo, si Prinsesa Putri na mismo ang humawak sa mga kawal kahit hindi man lang iyon sinang-ayunan ni Cyrus nung mga nakaraang buwan. Si Prinsipe Cynfael naman ay nagpatuloy sa pagpapalakas ng pakikipagkalakalan sa ibang karatig imperyo. Ang dating Reyna Victorina naman ay naging pinuno ng agrikultura. Si dating Haring George naman ay naging katuwang ni Prinsesa Putri sa pagpapalakas ng sandatahang-lakas. Habang si Cyrus? Eto parin, walang pinagbago. Hari parin naman siya.

"Phil anong mga kailangan kong gawin ngayon araw?" tanong ni Cyrus na kasalukuyang umiinom ng dinala kong kape. 

"May pagpupulong po kayo kasama ang Emperyong Chivadian sa darating na tanghali"

"Tungkol saan naman ang pagpupulong iyon?"

"Kung hindi po ako nagkakamali ay tungkol po iyon sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng dalawang emperyo" sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ito gawain. Kadalasan ay mga matataas na ranggo ang nagpapaalam nito sa hari. 

Tumango lamang ito chaka bumalik sa kanyang ginagawa.

"Mauna na po muna ako Cyrus, kailangan ko pang tignan si Nanay Ada sa kalagayan niya ngayon" pagpapaalam ko rito na binigyan niya naman ng isang tango. Lumabas narin ako dahil kailangan ko pangang puntahan si Nanay Ada sa kanyang silid.

Si Nay Ada kasi ay biglang inatake sa puso nuong nakaraang araw. Hindi nga namin inaasahan ang nangyari sa kanya, hindi rin kasi halata sa katawan nito na may iniinda itong mga karamdaman. Kaya nung araw na inatake siya sa puso ay bigla nalamang nataranta ang lahat ng tao sa palasyo, maski ang pamilya nina Cyrus ay nabigla rin.

Nakarating narin ako sa silid ni Nanay Ada. Papasok nasana ako rito ng maabutan kong nag-uusap sina Nanay Ada at ang isang lalaking gumagamot rito, si Kuya Junio. Siya rin yung gumamot sa akin nung muntik ng mapatay si Cyrus. Ay oo nga pala, si Kuya Junio na ang naging ulo ng mga manggagamot, siya narin ang nagiging guro sa medisina. 

"Oh basta Nay Ada, lagi niyo pong iinomin ang gamot na binigay ko sa inyo. Galing pa po iyan sa kanlurang bahagi ng mundo kaya't medjo mataas ang presyohan niyan sa merkado. Sana'y 'wag niyong sayangin ang mga ito" punong-puno ng sinseridad na sabi ni Kuya Junio.

"Ano ka ba Junio alam ko naman iyon, tsaka hindi pa ako pupuwedeng mamatay. Baka masamang damo ata ito" sabay tawa namin ni Nay Ada pero kasunod nito ang paghawak niya sa kanyang dibdib. Magsasalita na sana si Kuya Junio ng nagsalita na siya agad, "Junio, huwag ka ng maga-alala pa sa akin. Matanda na ako, kung kunin man ako ng diyos ngayon ay magpapakuha rin agad ako" napayuko nalang si Kuya Junio sa sinabi nito na siyang naging dahilan upang tumahimik ang buong silid. Dahil doon nagdesisyon na akong pumasok ng silid.

"Kamusta na po kayo Nay Ada?" lintanya ko na nagpatingin sa nilang dalawa

"Ayos na ako Phil, hindi ako basta-basta napapaluhod ng karamdaman lamang" sabi ni Nay Ada saka siya ngumiti. 

Nilapitan ko ito saka binigyan ng isang yakap at halik sa kanyang noo. Sa totoo lang ay kita mo na ang pagsisimula ng paghina ng katawan nito. Hindi narin ito masiyado makatayo dahil nanghihina narin ang mga paa nito, ayon iyon kay Kuya Junio. Nagkaroon pa kami ng pag-uusap, kasama rin si Kuya Junio. Binalikan namin iyong mga panahon na kung saan inalagaan ni Nanay Ada si Kuya Junio. Dati rin palang nagawi si Kuya Junio dito sa emperyo, hindi bilang isang alipin o kawal. Bilang isang normal na tao lamang.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon