"ayusin mo yang suot mo Rina" tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap na si Raylie na nakatingin sa suot ko.
Lumapit siya sa akin at inayos ang damit na halos kita na buong kaluluwa ko dahil sa ikli. Tinanggal niya ang jacket na sinuot ko dahil sa lamig at umismid sakin.
"huhubarin rin naman yang suot mo ng mga lalaking costumer kaya wag kanang maarte, magkakapera ka naman" pinagmasdan niya muna ang ayos ko bago lumabas ng dressing room.
Bayarang babae.
Isa ako sa mga walang kinabukasang tao sa mundo kaya naging ganito. I don't have any choice, kailangan ko ng pera kaya bahala na.
"VIP yung pagsisilbihan niyong dalawa kaya umayos kayo" yumuko lang kami ni Imye at hindi kumibo. "pumunta na kayo sa mga customers niyo"
Lumabas na kaming dalawa ni Imye sa waiting room at dumiritso sa VIP area. Bago pa man kami pumasok ay nagkatinginan muna kami at malungkot na napangiti sa isa't-isa.
Tinapik niya ang balikat ko at naunang pumasok sa loob. Napabuntong hininga nalang ako at mariin na napapikit gaya ng palagi kong ginagawa bago harapin ang customer.
"they're here bro" tumayo kami sa likuran ng dalawang lalaki na nakaupo at nakaharap sa glass door habang nakatingin sa mga taong nagsasayawan sa baba.
"kami po yung babaeng inorder niyo" mahina ang boses ni Imye habang nakayuko lang ako.
The guy wearing the sky blue button down shirt, gave us a glance at ngumiti. Ang isa namang lalaki na kanina pa walang imik ay hindi man lang kami nilingon.
"let's go, bring them" sabay kaming nagkatinginan ulit ni Imye nang tumayo ang lalaking kanina pa tahimik at naunang naglakad.
"he wants the both you to come with us, let's go?" ngumiti sa amin ang lalaking kasama nung umalis.
Sa oras na iyon, just like the usual, another man will use my body like a toy just to pleasure themselves.
"uhm can I ask something? Who's Rina sa inyong dalawa?" nagkatinginan kami ni Imye na katabi kong nakaupo sa backseat nitong sasakyan.
"ako" bahagya kong tinaas ang kamay ko para ipakitang ako si Rina sa aming dalawa. Tumawa lang ang lalaki at sumipol-sipol pa.
After that, tahimik na ulit ang loob ng sasakyan. Magaalas onse na ata ng gabi at halata na sa mukha ni Imye ang pagod at antok kaya pinasandal ko nalang muna sa balikat ko para maipikit niya saglit ang mata niya.
Dahil sa sobrang tahimik ay isinandal ko nalang muna ang ulo ko sa bintana at nagtingin-tingin sa labas. Madilim na ang klasada pero may mga tao pa naman kaming nakikita.
Kunti nalang ang bukas na mga tindahan at kadalasan ay mga convenience store pa na 24 hours open.
"we're here" bahagya kong niyugyog ang balikat ni Imye nang malapit na kami sa pupuntahan. Gumising naman ito at nagkusot ng mata.
Pumasok ang sasakyan namin sa isang malaking gate. May mga katulong pang nagbukas ng pintuan para sa amin. Nakalinya pa sila at sabay na yumuko pagkalabas nung lalaking nagmaneho ng sasakyan.
"where's he?" tinanong nung lalaki ang isa sa mga katulong na nakayuko ngayon.
"nasa opisina niya ho ang señorito" tumango ang lalaki at nakangiting lumingon sa amin.
"kayo na bahala sa kanila, make sure to let them wear clothes that are comfortable to wear" ngumiti ulit sa amin ang lalaki bago naglakad paalis.
"teka" natigil ang lalaki sa paglalakad at nakangiting lumingon sakin. "akala ko ba gagamitin niyo kami? Puwedeng wag na nating patagalin? Gusto na kasi naming umuwi"
Ngumiti ang lalaki at kita ang pagkamangha sa mga mata niya. "I'm not the one who will decide on that, just change your clothes first"
Inis akong napabuntong hininga at sasagot na sana pero nagsalita bigla si Imye. "ayaw namin, ba't kasi ang dami niyong paligoy-ligoy"
Napakamot sa kilay ang lalaki at napabunting hininga. "okay then, follow me"
Sumunod kami ng lakad sa kanya at sa sobrang laki at ganda ng bahay ay hindi namin maiwasang ilibot ang tingin. Natigil lang kami sa pagkamangha nang tumapat kami sa isang pintuan na nasa ikalawang palapag ng bahay.
"Rina, you'll stay here" ngumiti sa akin ang lalaki at inilipat ang tingin kay Imye. "you, you'll come with me"
Tumingin si Imye sakin at ganoon rin ako. Maliit siyang ngumiti at yumakap sakin bago naglakad paalis. Papasok na sana ako sa kwarto nang biglang may nagsalita sa likod.
"Why didn't you change your clothes?" paglingon ko ay isang titig na nakakatakot ang sumalubong sa aking mata dahilan para mapakapit ako sa pintuan.
It was a dazzling eyes, but can surely make you shiver...
AN: stay tuned po and thank you po sa pagbabasa!

YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...