Chapter 19

720 41 0
                                    

Carmella Pov

Isang araw na ang lumipas simula nung nakidnap ako, nalaman ko na kamag anak ko lang ang may pakana nito at mukhang may clue na din sila Kuya kasi a few hours nung nandito ako ay dumagdag yung nagbabantay sa akin. Nangyari na toh ilang beses na din and pag nangyayari toh ay tinutulungan kami ni Lolo side ni Dad, mabait kasi si Lolo sa aming tatlong magkakapatid ang favorite apo nya kami even though na alam nyang bawal ang favoritism sa pamilyang ito

"Oi gising na dyan! Hindi ka prinsesa dito" narinig kong sambit ni Tito kaya naman napadilat ako at bumangon, sa isang araw ko na pag stay dito ay puro pambubugbog at masasakit na salita na ang itinapon nila sa akin ang dami ko na ding pasa sa mukha at likod.

"Kung binigay mo na kasi yung pirma mo edi sana kahapon ka pa nakauwi sa inyo" Malumanay na sabi ni Tita, ang kapal naman ng mukha nila? Mana lang ni Lolo at Papa ang iniisip nila, hindi man lang naawa sa pamangkin nila na nakaranas ng lahat ng toh!

"Hindi ako tanga para gawin ko iyon, plus hindi ako umaasta na maging isang prinsesa sa inyong tahanan sa kadahilanang hindi ko ginusto na nandito ako" Inis na sabi ko kaya naman nakatanggap ako ng sampal galing sa Tito ko

"Manang mana ka sa Nanay mo! walang galang buti nalang namatay sya" Galit na sabi sa akin ni Tito. DINAMAY PA TALAGA SI MOM!!

"Wala ka PONG karapatan na sabihan ng ganyan so Mom kasi PO hindi pa PO patay ang nanay ko at wala naman PONG evidence ng kanyang katawan" Galit na saad ko , totoo naman kasi ang sinasabi ko na hindi pa natatagpuan ang katawan ni Mom pero dahil gusto nya ng may galang edi nag po at opo na ako nakakahiya eh may galang pa naman na natitira sa puso ko. Napasilip ako kay Tita na umiiyak na dahil sa nangyayari dahil alam kong dinamay lang sya ni Tito, ang kapal talaga nandamay pa ng asawa hindi na naawa kay Tita

"Wala ka talagang galang ahh, eto ang sayo!" Galit na galit na sigaw ni Tito bago sya magsimula na hampasin ako ng papat ng paulit ulit, sa totoo lang ang sakit ng ginagawa nya at gusto ko umiyak pero hindi worth it ang pagiyak ko lalo na sa isang hayop na Tito na meron ako

"Hindi mo deserve ang mana!! Sa akin dapat yon kung hindi ka lang nabuhay sa mundong ito!!" Dagdag nya at mas nilakasan pa ang pagpapalo sa akin, pilit naman na pinipigilan ni Tita pero hindi nya magawa. Hindi ko ma protektahan ang sarili ko dahil sa pagkatali sa akin lalo na't wala akong sapat na lakas dahil wala akong kain

"Tama na yan, kawawa na ang bata" Rinig kong sabi ni Tita

"Manahimik ka dyan! Kailangan ko turuan ng leksyon yang batang yan!" Sigaw naman ni Tito

"Hindi ata naturuan ng magandang asal ng mga Kuya nya" Dagdag nya na nagpainis sa akin

"Para sabihin ko lang sa inyo, wala kayong karapatan na sabihan ng ganyan ang mga Kuya ko!! Hindi mo nakita ang paglaki ko at ang paraan nila para mapalaki ako!! At kung sino ang hindi naturuan ng magandang asal ay ikaw yon Tito. Kung gaano ka bait si Papa at Lolo ay ganon naman kayo ka demonyo at ka gago!!" Galit na sigaw ko, halos mapaos na ako at hihinga sana ng malalim pero napadaing ako ng may matigas na bagay ang tumama sa sikmura ko

"Gago pala ahh, ipapakita ko sayo kung sino ang gago sa ating dalawa--" Bago pa man matapos ni Tito ang kanyang sasabihin ay may biglang nag bukas ng pinto at may pumasok sa kwarto

"Sorry, late ako." Cold na sabi ng lalaki na may hawak na baseball bat at may dugo ito sa dulo

"A-ace?" Bulong ko, bakat ang gulat at pagtataka sa boses ko kaya naman napatingin sya sa akin bago humakbang palapit sa amin

"Sino ka-?!" pasigaw na tanong ni Tito at akmang susugudin na si Ace ay bigla namang hinampas ni Ace si Tito ng baseball bat sa ulo kaya naman napatili si Tita

"Bakit hindi mo hulaan?" Tanong ni Ace bago nya pa ulit hampasin si Tito sa ulo na nagpahina sa kanya, hindi malakas ang pag hampas ni Ace dahil alam kong kontrolado nya ang pag hampas kay Tito dahil nanghihina lang ito

"T-tama na yan hindi worth oras mo dyan" sabi ko naman kasi hindi naman talaga kasalanan ni Tito ang lahat kung bakit kailangan nya ng pera

"Sabi sa inyo mabait sya eh" Rinig kong sabi ni Liam--- wait anong ginagawa nya dito??

"Bobo kasi Lucas natalo kasi ako sa pustahan" Sino yan?? si Mike??

"Mga tarantado!!" Halata ang inis sa boses na sabi ni Cayden

"Sino ba kasi nag sabi na mag pustahan kayo?" Tanong naman sa kanila ni Lucas

Napalingon ako sa pintuan kung saan bukas pa sin ang pinto, naaninag ko ang Section C na nakikipag laban sa mga body gaurd nila Tito, mga basagulero talaga

"Ella!" napatingin naman ako sa gilid ng marinig ko ang sigaw nila Kuya Sevy at Kuya Arian na mukhang nag aalala

"Akala ko hindi kayo darating" Nanghihina kong sabi bago pa man sila makalapit sa akin, tinulungan na ni Kuya Arian si Kuya Sevy sa pag tanggal ng nakatali sa akin

"Sorry late kami" Narinig kong sabi ni Kuya Sevy bago ako mawalan ng malay

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon