Chapter five

11 4 0
                                    

5.

Vyrl's Point of View

Nakaupo sa sa sahig, habang di alam ang gagawin. Bigla nalang akong napahiga kasabay ng isang buntong hininga. May kung anong kalabog sa baba kaya nag madali akong tingnan kong ano yun. Binuksan ko ang bintana at isang lalalking naka mask at leather jacket. Papalabas na sya sa kalsada, tatawagin ko sana pero agad ding sumakay sa motor nya at kumaripas ng takbo.

Nagmadali akong bumaba, "Sino kaya ang hinahanap nila! Parang sya din yung lalaking nanggaling dito kahapon!" Napalabas ako sa kalsada at nakatingin sa magkabilang dulo habang nilalasap ang magandang hangin habang umaga pa.

Wala akong ibang magawa at ilang oras pa para makabalik ako sa totoong bahay ko.

Naglakad lakad muna ako papuntang seaside para pamatay oras. Naglakad lakad lang ako sa harap ng dagat, hinahayaang mabasa ang paa ko ng tubig papalapit sakin. Kung anong magandang shell na makita ko agad kong pinupulot at nilalagay sa bulsa ko.

"Saan ko kaya pwedeng makita si Irene sa mga oras na'to?" Ilang minuto ng paglalakad bumalik din agad ako,

Sa harap ng bahay, "Iho!" Paglingon ko isang medyo may katandaang babae papunta sa'kin. "Bakit po?" Hinawakan nya ang kamay ko,

"May nagahahanap sayo sa bayan pinapakita ang picture mo, tinuro ko sya dito naabotan mo ba? Parang importante ata kahapon pa yun paikot ikot dito at sa baya!" Sambit nya

"Yun po ba yung lalaking nakamotor, nakamask na itim at leather jacket?"

Sabay tango nya at agad pumunta sa kaharap na bahay, ngumiti pa sya pag pasok nya sa gate.

Nagmadali naman akong pumunta sa garahe at kinuha ang bike ko, nag road trip ako papuntang bayan at nagpatingin nagbabakasakaling makita yung lalaking yun.

Pero papapunta ako sa centro ng madaanan ko si Irene na naglalakad pabalik sa direksyon kung saan ako galing. "Hatid na kita?" Tanong ko sa umikot.

"Tara!" Sabay umangakas sya sa likod,

Nagng makalayo kaunti saka ko naalala na di ko pala alam kung asan ang bahay nila, "Palpak naman!" Habang itinuloy nalang ang pag mamaneho. "Anong pinamili mo?" Nang mapansing tahimik sya at parang wala sa mood.

"Dali lang! Bumaba ka muna!" Nang mapadaan kami sa bahay at dinala ang bike pabalik sa garahe, maglalakad nalang kami papunta sa kanila para di ako mahalata. "Okay lang ba kung maglakad nalang tayo? Para mas matagal tayong makarayong sa inyo?" Sambit, ko pero tumango lang sya ngumiti ng pilit.

"Ba't parang tahimik ka at wala sa mood?" Tanong ko habang naglalakad.

"Gusto mo mag bike nalang tayo?" Akmang babalik sana, "Wag na! May iniisip lang ako!" Sambit at saka tumuloy sa paglalakad.

"Ano bang iniisip mo?" Nang mapansin ang katahimikan nya,

"Wala family problem lang!" Diretso parin sya sa paglalakad. "If ever gusto mo ng kausap willing akong making parati magsabi ka lang!" Sabay abot ko ng kamay nya at sabay kaming naglakad habang magka holding hands.

Ikalawang kanto mula sa bahay pa kanans tas diretso, nasa harap kami ng bahay nina Irene. "Next time nalang ulit medyo magulo lang ang bahay ngayon!" Sabay pasok nya sa gate at pumasok sa loob pagkasara nya sa gate.  Naiwan ako mag isa salabas nakatayo, habang iniisip saan naman ako pupunta.

Saka ako bumalik sa kung saan kami dumaan, napalingon pako sa bahay nya at Nakita ko pa sa itaas sa bintana si Irene nakatingin sakin habang kumakaway. Tumango lang ako at saka naglakad papalayo.

11.11 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon