Hundred thousands, Millions, Billions of people sa mundong ito. Hindi talaga maitatanggi na mayroong isang tao na gagawin ang lahat-lahat para lang makuha ang taong minamahal at tinitibok ng puso niya.
Kagaya ko-- marami pala kami.
Ang tawag ng mga nakakarami sa amin, we are Martyr. Tanga! Pero ewan ko ba, sa lawak nga ba ng pagibig ay nakasama ako sa mga kupol ng mga tanga. Tangang handang masaktan para lang makita lang siyang masaya.
"George.. George? GEORGE!" Nagising ako sa pagde-daydream ng sinigawan ako ni Caymo.
"Hoy! Ikaw ha, kotang kota ka na sa pagde-daydream jan kay Yva." Sigaw niya ulit sa akin. Magkatabi nga lang kami, sinisigawan pa ako.
Nasa harap ko kasi si Yva my labs ko kaya ayun, nakikinig ako ng maigi sakaniya.
"Ikaw George ha! Mahamihami wave talaga kita!" Daldal niya sa tabi ko.
"MR. TERAPI! Listen to the discussion of your classmate!" Sigaw ni maam kaya ayun, natahimik bigla.
Opo, Caymo Terapi ang buong pangalan ng kaibigan ko. Astig diba! Japanese kasi ang lahi niya kaya ganiyan ang apelyido.
"So this Atom, can be found..." Pagdiscuss ni Yva sa buong klase with confident.
Pangiti ngiti lang akong tinititigan siya hanggang sa magtagpo ang paningin namin. Siyempre, nginitian ko siya ng napakalapad. Kaso, inirapan niya lang ako.
Sanay na ako.
Yung tipong, ako ay nakangiting tinititigan siya ngunit madali lang akong irapan para sakaniya.
"Congratulations Ms. Porada for the wonderful report. You may take your seat." Napuno nang palakpak ang buong silid. Isa na ako dun sa nagbigay ng malakas na simpatiya.
"Hoy! George. Tama na, kanina pa tapos ang reporting." Tinignan ko ang buong klase na nakatitig sa akin, napasobra ata ang pagpalakpak ko.
"Ang ganda kasi eh." Pagpalusot ko.
"You George Peñapelado, ikaw ang magrereport next week. So, tama ang lahat ng nireport ni Ms. Yva Porada ka...." Nakinig kaming lahat kay Maam ngunit alam kong lumilipad na naman ang isip ko kay Yva.
Matapos ang subject namin sa Teacher na yun ay biglang nagring ang bell kaya Snack na. Hinintay ko ang lahat na umalis at pinauna ko na rin si Caymo sa Canteen. Kaya ako nalang ang magisang naiwan sa classroom. Mabilis kong kinuha sa bag ko ang namumuladkad na pulang rosas. Inamoy ko yun at nilagay sa upuan ni Yva na nasa harapan. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa Canteen. Kumain kami ni Caymo, as usual. Ang ingay ingay niya at ang daldal. Matagal na kaming magkaibigan niyan, since 1st year pa lang kaya pinagkatiwalaan ko na yan.
"May ipapakilala ako sayo mamaya." Nakangiti niyang wika. Tinignan ko siya na mukhang inspired ang mukha.
"Ano? I mean sino?" Tanong ko habang umiinom ng softdrinks.
"Teka! Girlfriend mo?!" Naibuga ko ang softdrinks ko.
"Hoy. Boses mo!" Namumula pa ang mukha niya.
"Letse kang bata ka! Paano yung tuition mo? Yung grades mo! Alagaan mo!" Pangangaral ko sakaniya. Masyadong bata ang mga kabataan ngayon para sa ganiyan.
"Pero siyempre, biro lang. Masaya ako. Dapat maganda yan ha? Sexy."
Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya't mabilis ko itong tinignan upang malaman kung sino ang nagtext.
From: Myloves
Magkita tayo sa likod ng building.
Agad akong nagpaalam kay Caymo at nagmamadaling dumiretso sa likod ng building namin. At doon ay nadatnan ko siyang nakatayo.
BINABASA MO ANG
Tayo nalang, please?
Short StoryONE SHOT Ika nga ni Marcelo Santos iii "Mahal mo, mahal ka ba?" Pero gahit kaano man kasakit ang naiidulot ng pagibig, patuloy pa rin nating iniinda ang sakit. Para sa mga taong palaging umaasa.