A/N: First one shot story ko to. Hope you'll enjoy reading guys. I listened to Nadine Lustre's song Mr. Antipatiko kaya nagawa ko to. Sana magustuhan niyo. Try checking out my other stories.
*-*-*-*
New place. New environment. New people.
Bagong lipat ako sa nirerentahan kong apartment na medyo malapit sa papasukan kong college. Mas pinili ng parents kong mag apartment ako kaysa mag dorm. Mas convenient raw kasi yun.
Kakatapos ko lang mag ayos ng mga gamit ko. Naisipan kong mag grocery, para may supply ako ng food lalo na pag nagugutom ako tuwing gabi.
Paglabas ko, may naabutan akong bagong dating na lalaki. Matangkad ito, maputi, may dark circles sa paligid ng mata just like a panda bear at may kapayatan. Maangas ang dating nito, which i find it cool.
Mukhang magiging masaya ang stay ko rito ah. May crush na agad ako eh.
"Hi. Ako nga pala si Rose. Bagong lipat lang ako." Pagpapakilala ako. Friendly kasi ako tsaka may pagka feeling close. Kaso inisnob niya lang ang beauty ko at pinagpagtuloy ang pagbukas ng pinto niya.
Tiningnan niya ako ng malamig bago isinara ang pinto. "Suplado si kuya. Hmpf."
Umalis na ako para mag grocery. Pagbalik ko, naabutan kong nakaupo si Panda sa may tapat ng pinto niya. Naka headphones habang kinakalikot ang cellphone niya.
Sinulyapan ko ang ginagawa niya sa phone niya at nakita kong naglalaro siya ng Clash of Clans.
"Uy, naglalaro ka rin pala ng COC. Pasali naman sa clan niyo. Username Mh1sxz_Mu4Ldh1t4H101. " Sabi ko. Kaso dinedma lang ako. Di niya siguro ako naririnig kaya tinanggal ko yung headphones niya.
"What the fuck do you want?" Iritado niyang sabi. Ang scary niya. Di ako nakasagot kasi nagulantang ako sa kanya. "Tss. Damn girl."
Grabe minura niya ako. Di nga ako minumura ng parents ko tapos siya mumurahin lang ako? Ang bad.
"Grabe! Suplado mo ah! Sama ng ugali mo. Nakikipagkaibigan lang eh, ang sungit mo na." Sabi ko na inis na inis. Crush ko pa man din siya, kaso ang bad niya.
"Di ko naman sinabing kaibiganin mo ako ah. Dinedma na nga kita kanina, meaning di ako interesado sayo. Tanga." Grabe na talaga siya. Di naman ako tanga eh, di pa naman kasi ako umiibig kaya paano magiging tanga?
"Napaka antipatiko mo!" Sigaw ko sa kanya bago padabog na pumasok sa loob ng apartment ko. Nakakainis siya. Feeling niya ang gwapo niya! Well, di naman siya feeling kasi gwapo talaga siya. Kaso ang sama lang ng ugali.
Padabog akong pumasok sa apartment ko, panira siya ng araw. Ok, kakasabi ko lang na padabog ako pumasok, gusto kong ulitin para damang dama niyo ang pagdadabog ko. Ano bang problema niya at parang galit siya sa mundo?
Lumipas ang mga araw, di ko alam kung bakit napapadalas ang away namin ni Patrick a.k.a. Panda Bear.
Panda bear kasi mukha siyang panda dahil sa mga dark circles niya sa mata. Kahit yung nickname na yun, pinag aawayan namin dahil ayaw niyang tinatawag ko siyang ganun.
"Hoy Panda bear!" Pang aasar na tawag ko. Agad ko naman nakita ang reaksyon niyang paborito ko. Ang iritado niyang mukha. He looks hot when he's mad.
"Ano na naman ba yun, Piglet." Syempre may pang asar din siya sa akin. Hindi naman ako mataba ah. Slight lang yung chubbyness ko. Kahit papano may shape pa rin ako.
Nagsimula na naman ang bangayan namin, di na kami nagkaroon ng matinong usapan. Halos idimenda na kami ng mga kapitbahay namin dahil sa araw araw naming pag-aaway.