Isa lang akong babaeng takot sa liwanag. Liwanag na nanggagaling sa maganda't gwapong nilalang. Pag katapos ng nangyari noon, hindi ko na binalik mag ayos, mag paganda, tumingin sa salamin, at wala na sa utak ko ang salitang Love sa tagalog pag mamahal. Ang itsura ko, isang itim na buhok na hanggang bewang ko lang na may full bangs na lagpasan na sa mata ko. Ang pananamit ko, losyang. Kahit saan ako mag punta isang mahabang palda at lagi lang akong naka longsleeve. Isang malaking kulay itim lang ang buhay ko, simula nung nangyari noon. Biglang nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa, yung Auntie ko tumatawag. "Hello po, Auntie" kasalukuyan kasing lilipat ako sa mansyon niya malapit sa school na papasukan ko. Opo, mansyon. Nakapangasawa kasi siya ng taga ibang bansa, tapos ayan mayaman na siya. "Dadating na dyaan yung susundo sayo papuntang mansyon." Sabi ni Auntie na parang tuwang tuwa sa pag lipat ko doon, hindi ko rin alam kung bakit. "Ahh, sige po Auntie aantayin ko na lang po." May bumubusina na sa labas baka ayan na yung susundo sakin "Auntie nandito na po yung sinasabi mong susundo sakin, sige po bye."
Auntie POV
Hahahahahahah, sobrang saya ko ngayon. Ngayon na lilipat ang pinaka mamahal kong pamangkin sa aking mansyon kasama ang apat na nag gagwapuhang lalaki. Oo tama ang narinig niyo, lalaki ang makakasama niya. Hindi naman ako tanga, alam ko ang ginagawa ko hahahahahaha. Kasalukuyang nasa harapan ko sila ngayong apat, ilang linggo ko pa ang ginugol ko para makimpleto sila. "Dadating na pamangkin, siguraduhin niyo lang na magagawa niyo ang sinabi ko. Alang alang lang sa libreng renta dito sa mansyon ko, hahahaha or else alam niyo na ha." Pag babanta ko sa apat na papabols na yon. Sabay sabay nilang sagot "Yes. Auntie, makakaasa ka" sagot nilang nakangiti, nako kay gagwapo talaga.
--
Nagsulat note: Wala lang akong magawa kaya nagawa ko to. hahahaha, pero kung gusto niyo pang malaman yung susunod na mangyayari basa lang kayo.
Ano kaya yung ang tinutukoy ng babaeng madilim ang buhay?
BINABASA MO ANG
Love cause light
Teen FictionBabaeng walang ginawa kundi mag tago sa dilim. Dahil sa nangyari noon. Nasawi dahil sa isang dahilan. At mag kakaroon ng ilaw ang buhay dahil sa maraming dahilan.