━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER ELEVEN
within his smiles
━━━━━━━━━━━━━━━━I feel like it's already morning or maybe it's already four AM pero kahit anong pikit ko 'ata ng mata ko ay hindi ako makatulog not only because I got awkward sleeping with Gazer but because I'm not wearing any underwear underneath my sleeping clothes.
Not wearing undergarments is normal to me but it's nowhere near normal now that I'm sleeping with a man, with Gazer at that! Hindi man siya halata na wala akong panties because I'm wearing an oversized silky terno pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maawkward lalo na't muntikan na rin akong mahubaran kanina sa harap mismo ni Gazer.
Napapikit ako nang mariin nang dumaan nanaman sa memorya ko ang reaksyon niya at kung paano kaming dalawa nanahimik bigla habang nag-aayos ng tutulugan namin kanina. Halatang bigla siyang nahiya sa'kin at gano'n din ako sakanya pero knowing myself, hindi dapat ako naaabala ng ganitong mga bagay.
I clicked my tongue. It was only Gazer that made me bothered so much! Nagsisimula na akong mainis kasi hindi ko maintindihan bakit ako naaabala at bakit ang unfair na parang ako lang 'yung naaabala't hindi makatulog ngayon. Tulog na tulog 'ata si Gazer na nakatalikod lang sa'kin.
Napabuntong-hininga ako nang malalim bago na lang umayos ng higa sa higaan naming kawayan. Hindi nga ako sanay kasi ang tigas kaya dumapa na lang ako't pinagmasdan kung gaano kaliwanag ang langit mula sa bintana. Nasa ibabaw lang kasi ng kama namin 'yung bintana at do'n lumulusot 'yung konting liwanag.
I blinked at the sight of the stellars. The stars are clear and bright as they scattered around the dim firmaments, the breeze feels chilly as well but it feels good on my skin. It was as if I'm back in my hometown because the feeling I feel here is very similar to where I came from.
There, with the feeling of the waft gently weaving on my skin and the devastation of work from the day, I finally fell asleep and woke up surprised when I saw that it's already one in the afternoon.
"Shit." I groaned. Napasarap tulog ko kahit hindi ako sanay.
I got up from the sheets hastily at babangon na sana para lumabas nang biglang pumasok si Gazer na mukhang kakaligo lang. Natigilan ako sa pagbangon at napatanga sakanya na nagulat din 'nung makitang gising na ako. Nagkatitigan pa kami pero hindi rin 'yun nagtagal kasi kusang bumaba ang mata ko sa katawan niyang basa.
I swallowed, hard, before removing my gazes off of him. Siya ring paggalaw niya sa kinatatayuan at mabilis na paghablot ng damit niya sa cabinet niya. He also left without saying anything at nang makalabas siya ay doon lang pumasok sa'kin 'yung imahe ng katawan niya.
Well, he's not ripped. In fact, he's kind of slim but not that slim. He has the muscles and it was defined enough for me to notice that he has a perfect body underneath his clothes and thin figure whenever he's in work.
I blinked simultaneously. I've seen bodies like that before and I'm not as flustered as I am when it's Gazer. Hindi ko na tuloy maiwasang hindi tanungin sarili ko kung may sakit ba ako at bakit sobrang bothered ko ngayon sa presence niya.
Tumikhim ako bago tumayo at lumabas, siya ring saktong paglabas ni Gazer mula sa banyo. Nakabihis na siya at nang makita niya ako ay doon lang siya ngumiti.
"Pasensya na po pala kung hindi kita ginising. Mahimbing po kasi tulog niyo pero kung gutom na po kayo, may niluto po akong pagkain kanina bago ako naligo. Sabay na po tayo kumain." Aya niya, sobrang laki pa ng ngiti niya at parang wala lang talaga sakanya kung ano man 'yung muntikan niya na makita kagabi.
BINABASA MO ANG
Boulevard to Polaris (Virago Series #1)
Romance━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra told by many. Aster Ray Madrigal emboded that. She is forever an embodiment of perfection, like a star to gaze upon. Beauty, brains, sophist...