in his glimpse

645 17 2
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FIFTEEN
in his glimpse
━━━━━━━━━━━━━━━━

I nearly trip my way to the restroom nang magising ako't una kong naramdaman ay ang matinding pag-ikot ng ulo ko.

Mabilis akong tumakbo sa banyo at sumuka nang sumuka, narinig ko pa ang pagbukas ng pinto at ang paghagod sa likod ko ng kung sino man. 

I groaned in irritation, pakiramdam ko'y parang halos hindi ko kayang tumayo ngayon pero sa pag-aalala kong may trabaho pa ako ay pinilit kong tumayo sa tulong ng tao sa likod ko.

Nakapikit pa ako nang mariin dahil sa sakit ng ulo ko kaya hindi ko lang alam kung si Solace, Paris, o Vienna ba nakaalalay sa'kin.

"Nagtimpla po pala ako ng kape para mawala po saglit 'yung hangover niyo." 

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses ni Gazer. Napamulat agad ako ng mata at nakatingin sa taong nakaalalay sa'kin papalabas ng banyo.

Nagtagpo pa ang mata namin at alam kong parang wala na kong hininga the moment he smiled sweetly at me. He stretched his neck slightly, still smiling, and that's where I noticed how close we were.

My hands moved to push him away as I looked around my surroundings. Nadama ko pa 'yung gulat niya pero parang nablangko utak ko. I'm in my condominium now and as far as I know, I never brought Gazer here or did I ever inform him where I'm living! How could he have possible known that I live here?

"What... what are you doing here? Why are you here? How did you find my house?" Paos ang boses kong tanong, hindi pa rin makapaniwala sa imahe niyang nasa harapan ko lang. 

Biglaan din akong na-conscious sa itsura ko. I bet a have a saliva stain, my hair's a mess, my makeup's smudge, I'm a wreckage, and the idea na nakita ni Gazer ang mukha ko ngayon ay hindi ko halos maatim maisip. I bet my breath stinks alcohol, too. Worse is tuluyang bumalik sa isip ko ang pagsuka ko sa likod niya kagabi!

I looked at him discreetly. Halos isang linggo rin kasi siyang wala sa tabi ko at  sa isang linggo na 'yun ay halatang parang lumaki siya pero imposible naman 'ata 'yun. At hindi 'yun importante pero 'yun pa talaga inuuna ko!

"Pasensya ka na po! Bumiyahe po ako pabalik dito kahapon tapos sabi ni Sir Ian ay magpahinga lang daw muna ako sa isa sa mga bahay ng Vuerrero. HIndi ko na nasabi kasi nasira po kasi cellphone ko 'nung nakaraang araw tapos binilhan lang ako ni Sir Ian ng bago." Napakamot siya ng ulo, "Napagdesisyunan din kasi ni Sir Ian na bisitahin kami kung may oras siya kaya gano'n."

Ah, nasira pala cellphone niya? Why didn't Avi inform me? I could've bought one in a snap. Isa pa, nagtataka na ko rito kay Ian Vuerrero at sa ginagawa niya pero dahil tito siya ni Gazer, wala naman sigurong mali.

Gazer then stretched his neck.

"Huli ko na po naalala 'yung sim card na gamit ko kaya tinawagan po kita kagabi 'nung makita ko 'yung halos tatlong-daan mong tawag. Tinawagan po kita pabalik, doon mo rin ako minura pero nag-alala ako bigla kasi halatang wala sa tamang estado 'yung boses niyo atsaka ang ingay kung nasaan po kayo." Huminga siya nang malalim, nandoon 'yung guilt sa boses niya at feeling ko lahat 'ata ng kalasingan ko nawala bigla. 

Oh, God. I do remember getting a call last night but I don't remember what in the world did I say and that's frightening me! What if nasabi kong... nasabi kong...

No, I didn't. I couldn't have possibly said anything.

"Tinanong ko na lang po nasaan kayo atsaka ako nanghiram ng kotse kay Sir Ian para sunduin ka. Hindi niyo nga lang po sinabi nasaan kayo pero rinig po kasi ng... isa kong kapatid 'yung music sa background at agad niya ring sinabi 'yung bar kung nasaan may ganyang klase ng pagsasaya. Agad din po kitang pinuntahan nu'n kasi malapit lang din pala 'yung bahay nila sa bar na 'yun." Dagdag niya.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon