in his solace

661 20 2
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER SEVENTEEN
in his solace
━━━━━━━━━━━━━━━━

I don't understand what's happening to me. I acted rashly again without thinking and it kind of irked me now na naliwanagan ako sa ginawa ko kahapon. I got too emotional, it weigh tons that I had no choice but to let it out and burst. But now? Even though I wanted to know what "truth" are they talking about, I'm regretting what I did yesterday.

Leaving like that with my mind close is an irrational move. I should've stayed instead and let everything fall into its right place. I was driven mad by my emotions that I didn't really have much time to think.

A knock on the door disturbed me, but I didn't raise myself up from the bed. Parang wala pa rin akong gana tumayo o gumalaw man lang. I'm drained. I don't even have the energy for work even when my phone's constantly sending emails of documents I needed to finish.

"Ma'am, pasensya na po sa istorbo pero kailangan niyo na pong kumain. Wala pa po kayong kain mula kahapon." Rinig kong tawag ni Gazer sa kabilang dako ng pintuan. Do'n ko lang din naamoy ang halimuyak ng niluluto niya at talagang natakam ako nang malaman kong tuyo 'yun.

I then can't help but silently smile despite of the chaos inside my head. He really didn't leave me even when I kept quiet and didn't even tell him a spite of what happened yesterday. He stayed without me asking him to do so, and it made me happy. Kind of happy.

Napabuntong-hininga ako bago tumayo sa kama at lumabas. Bahagya pa akong nagulat sa itsura ni Gazer na suot-suot pa rin 'yung kasuotan niya kagabi. Halata ring wala siyang tulog pero kahit gano'n ay sobrang lapad pa rin ng ngiti nang makita niya ako. Sa gulat ko ay may hawak-hawak pa siyang pusang mataba pero halatang medyo ilang buwan pa lang ang tanda.

"Gazer..." Mahina kong bulong bago nalipat ang tingin ko sa pusa, "Saan mo siya nakuha?"

"Hinintay po kitang lumabas kagabi kasi hindi naman na tayo nakakain do'n sa hotel. Naghanda po ako ng pagkain pero hindi na po kayo lumabas. Nakatulog na lang din naman ako sa kusina tapos pagkagising ko, ubos na po 'yung pagkain. Kinain po 'ata nitong pusang nakita kong natutulog sa sofa niyo. Hindi po ba siya sainyo?" Kwento niya bago hinimas ang ulo ng pusang nasarapan naman 'ata sa ginawa niya kasi panay wisik ng buntot sa direksyon ko.

Umiling ako, "Hindi siya sa'kin kasi bumibisita minsan si Papa rito at nasa dugo na 'ata nila 'yung pagiging allergic sa pusa."

Nanlaki ang mata niya, "Baka allergic po kay-."

"Baliw, hindi. Tara na lang at kainin 'yung niluto mo. Atsaka..." Napakurap ako, "Salamat, Gazer."

Pansin kong bahagya siyang natigilan pero kapagkuwan ay ngumiti lang din nang malapad, "Kulang pa po 'to sa tulong niyo sa'kin. Atsaka mauna na po kayo, papaliguan ko lang 'tong pusa kasi ang baho niya rin. Ayos lang po ba na gamitin ko ang banyo?"

Tumango ako bago napatingin ulit sa kahel na balahibo ng matabang pusa, "You can use my soap and shampoo. Kukuha na lang ako ng extra tapos pwede rin namang magrocery mamaya ng kakailanganin niya. Gusto mo ba siyang alagaan?"

Magiliw siyang tumango, "Opo! Kung ayos lang po sainyo, pwede naman pong dalawa tayong mag-aalaga sakanya. Pinangalanan ko rin siyang 'Whiskey' kasi 'yun 'yung nilingunan niya 'nung pumipili ako ng pangalan niya kanina. Babae rin po siya. Maraming salamat po!"

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon