in each other's arms

1.1K 28 5
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER THIRTY
in each other's arms
━━━━━━━━━━━━━━━━

I never expected that a time like this will come. A time where I'm vulnerable, where I'm nonchalant about what might happen to me because he's here, and a time where I followed what my heart yearned for more than what my mind yells. This is the first time that I felt carefree and flying in bliss, kulang na lang ay matunaw ako.

"You know what?" Gazer sighed in relief while caressing my waist, "I really thought I will never have the chance to laugh like this with you just like the old times."

Hindi ko maiwasang hindi matigilan lalo na't nandoon sa tono niya ang halo-halong emosyon. He just spoke what my thoughts refrained to say. How ironic.

Ngumiti ako, "Would you care to explain yourself then? About why you did those to me four years ago? Because I know you. Alam kong may rason ka. Alam kong may tinatago ka. At alam na alam ko 'yun dahil hindi ka makatingin sa'kin 'nung araw na dahan-dahang nawala sa'kin ang lahat. Ginagawa mo lang 'yun kung nagsisinungaling ka sa'kin o may hindi ka gustong sabihin, Gaze."

Sa gulat ko ay ngumiti lang siya at iniyakap ang braso sa'kin.

"Four years ago, I told you about the girl I really liked. Remember when I told you about it? About the girl who's just so out of my league I decided not to approach her at all? And about how you told me that I should take the risk?" Tanong niya.

Tumango ako. Sariwa pa sa alaala ko ang selos na naramdaman ko nu'n.

"You're so conservative. Wala ka bang may nagustuhan mula noon?" Tanong ko. I tried to remain nonchalant in between my words na parang wala lang sa'kin 'yung tanong pero big deal talaga 'yun.

"Mayroon naman po 'nung College ako."

Nalaglag ang ngiti ko, "Anong nangyari?"

He shrugged, "Wala lang po akong pag-asa sakanya kasi sobrang ganda at sobrang talino niya rin. Siya 'yung pinakanagustuhan ko pero hindi ko sinubukang lapitan man lang kasi narinig ko ring wala siyang may kahit na isang pinauunlakan sa lahat ng manliligaw niya. Ano na lang kaya ako na walang may maibibigay sakanya?" Kwento niya. May kumirot naman sa dibdib ko nang makita ko kung paano kumislap at nalungkot ang mata niya.

Ayoko mang aminin pero nagselos ako saglit. Saglit lang naman kasi noon pa naman 'yun pero if there are odds then...

"Gusto mo pa rin ba siya ngayon?" I tried to ask, hopeful that he won't nod or say something that will make me silent.

Saglit siyang nanahimik pero kapagkuwan ay unti-unti siyang tumango. Bumuntong-hininga siya and his expression turned dreamy. May kung anong pumisil sa loob ko dahil sa reaksyon niya. Nangingislap ang mata niya, pinipigilan niyang ngumiti at halatang ang saya niya habang inaalala kung ano man ang inaalala niya.

"Gustong-gusto ko pa rin siya pero alam na alam kong wala talaga akong pag-asa. Hindi po talaga siya naalis sa utak ko o kahit saan man sa paligid ko kasi nasa mga billboard siya, nasa TV commercials siya, nasa interviews sa TV, nasa libro o magazine. Kahit saan ako mapunta ay nandoon siya." Napatingin siya sa'kin, saglit na kumislap ang mata niya, "Walang-wala ako kumpara sakanya kaya hindi na ako nag-abalang sabihin pa sakanya. Mas maganda na sigurong nakatingin lang ako sa malayo tapos papanoorin ko lang kung gaano siya kasaya."

Nalaglag ang puso ko sa sinabi niya. That's how martyr he is for her? That he'll sacrifice the odds and just watch her all happy? Does that make him happy then? Of course, it does. Ang tanga ko naman.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon