024
YOU CAN DO IT!
IRINA
"FINE THEN, HINDI na ako magqu-quit."
"Talaga? Yes! Ang galing naming magpabago ng isip 'no?"
"Ayaw ko lang hindi tuparin 'yong wish ni Pa."
'Yon ang rasong sinabi ni Icarus sa amin, pero alam kong isa rin naman kami sa dahilan kung bakit nagbago ang isip niya. Ang lakas lang namin sa kaniya 'no! Hindi niya lang alam 'yon.
Kaya pagdating ng 4th grading, hindi na namin siya masyadong inistorobo para sa club para marami siyang oras na makapag-aral. Wala pa rin namang ginagawa bukod sa paglilinis, at isa na lang ang natitirang event para malaman kung sino ang mananalo.
Foundation day.
"As you know, ka-tie na nating 10 ang Science club dahil naka-two points sila noong JS. Which means that the club who will get 15 points for foundation day will be the winner. Last na natin 'to, last chance to win. Let's win, we should."
"O'right, mananalo tayo! Sure ako diyan!"
"Tama, tama, panalo na 'yan!"
"Kaya natin 'to, go, go, go English club!"
Booth pa rin ang labanan para sa foundation. Ang labanan, pagandahan at paramihan ng mga pumupunta, pati boto na rin.
"Kung shake na lang kaya ulit ang ibenta natin 'tsaka 'yong mga pagkain na binenta natin no'n? Kasi 'di ba ang daming bumili no'ng JS," sabi ni Julia.
"True. 'Yon ngang iba nagpapa-booth lang para makabili ng pagkain eh," si Klea.
"Pero lagyan pa rin po natin ng twist!" si Theo.
"Parang gusto nila 'yong theme natin dati na magic-magic eh. Aliw na aliw sila sa mga lumulutang na bulaklak, pumapasok nga lang yata 'yong iba para magpa-picture."
"Ay true 'yan!" sabi ko. "Pagkatapos ng JS pare-pareho 'yong lugar sa mga DP nila."
"So, i-retain na lang natin ang fantasy theme?"
"Palitan natin ng konti. Dati Alice in Wonderland, iba naman ngayon," sabi ko.
"Shokoy kaya?"
Napaharap lahat kami kay Joaquin.
"Shokoy?"
Natawa siya. "Sirena pala. Nakatingin kasi ako kay Shun kaya shokoy nasabi ko."
"Gago," bulong ni Shun sa kaniya.
"Hindi sa sarili mo, pare?" si Julia.
"'De ah, pogi kong 'to."
At nag-uumpisa na naman sila.
"Pero pwede nga po 'yon. Mga mermaids po, fish, corals, underwater naman po tayo ngayon!"
"True, pwede nga, gawin na lang nating sirena si Joaquin!" sabi ni Klea.
Tinawanan lang siya ni Joaquin 'tsaka tumingin kay Shun at may binulong.
"Alright. Mermaid," sabi ni President at sinulat 'yon sa blackboard. "That's the theme. For the food, katulad pa rin ng dati? Any suggestion?"
Nagtaas ako ng kamay. "Dagdagan kaya natin ng juice na mas mura? Para sa mga walang pera."
"Grabe ka naman sa walang pera," singit ni Shun. "Sakit mo naman magsalita."
"Che, palagi kayong may comment 'no?"
"Gano'n talaga para masaya, Vice."
"Sa mga task, Irina, Julia, cook. Klea, counter. Shun, and me, server. Theo and Joaquin, kayo ang tagakuha ng mga customer."
BINABASA MO ANG
All The Magic We Made
Teen FictionNon-existant ang salitang 'responsibility' kay Irina Gomez, mas gugustuhin niya pang mag-happy happy kaysa ma-stress. Kaya naman halos maloka siya nang biglang maging vice president- worst, nang English club. Isama pa si Icarus Carlos na 'sing lamig...