Yukizia Veronica.
Oo nakarating na ako sa bahay, actually kakarating ko pa lang ngayon, kakapasok ko pa lang sa gate at nakita kong masaya ang guard namin na makita ako.
Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay dahil gusto ko ng makita ang mga anak ko isang araw ko na silang hindi na kikita at miss na miss ko na sila ng sobra, paniguradong nag-aalala na sa akin si Mommy. Sana naman ay magaling na siya ngayon. At isa pa gusto ko na rin magpahingga ng maayos dahil sa sobrang pagod dahil kung saang lugar ako napunta.
Nagabihan ako dahil sa wala akong dalang pera naghanap pa ako na pwedeng mapagsanglaan ng suot kong alahas buti na lang at hindi nawala ang mga hikaw ko kaya ibininta ko na para lang may ipamasahe ako sa bus papuntang Manila, laking pasasalamat ko na pang sa Jeepney driver na hindi na ako siningil ng pamasahe ibinibigay ko sa kaniya ang kwentas ko pero ayaw niyang tanggapin dahil sobra naman 'yon.
"Hindi ba sinabi ko na hanapin niyo siya? Find my Zia! Ano ng balita ah?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni Mommy sa mga lalaking nakaupo sa kaharap niyang sofa.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay boses kaagad ni Mommy ang narinig ko at halatang nag-aalala siya sa akin.
"Ma'am we we're doing our best to find Ma'am Zi—" Naputol ang sasabihin ng lalaking kausap ni Mommy ng biglang sumigaw si Paula ng pangalan ko na para bang ilang taon kaming hindi nagkita.
"Ziaa!!!" Inilapag ni Paula ang tray na may lamang gatas at tumakbo papalapit sa akin at walang sabi-sabing niyakap ako.
"Ano ka ba Zia! Saan ka ba nagpunta? Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba nila? Nakikilala mo ang may gawa nito? Ah? Ano—ayos ka lang?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Paula habang kinakapa ang katawan ko na para bang sinusuri niya ako.
"Paula, relax." Sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang magkabilaan niyang balikat para pakalmahin siya.
"Isa-isa lang okay? Ayos lang ako. Kaya wag ka ng mag-alala," Dagdag ko pa at nakita ko namang humingga siya ng malalim bago ako niyakap ulit, I hug her back.
"Zia!! Hoy bruha ka saan ka ba nagpunta? Alam mo bang mamatay na kami sa kakaalala sayo?" Napakalas ako sa yakap ni Paula ng marinig ko ang boses ni Venus na parang galit sa akin pero ng makalapit siya sa akin niyakap niya ako ng mahigpit.
"Masaya ako nakabalik ka na," Nakangiting sabi ni Venus ng pakawalan niya ako ng yakap at hinawakan ang magkabilaan kung kamay. Hindi ko akalain na ganito sila sa akin nag-aalala.
"Z-zia? Zia..." Napatingin ako sa gawi ni Mommy ng marinig ko ang boses niyang tinatawag ako. Nginitian ko siya at naglakad ako papalapit sa kaniya.
"Mommy..." Tawag ko sa kaniya at sinalubong niya ako ng yakap at niyakap ko rin siya ng mahigpit.
"Oh my god, Zia I'm so thankful that you are safe sweetie." Sabi ni Mommy habang nakayakap sa akin na para bang ayaw niya na akong pakawalan.
"Sobra akong nag-aalala sayo, sana hindi na lang kita pinayagan na sumama rito sa Pilipinas kong may mangyayari lang na hindi maganda sayo, sana hindi kita hinayaan na ikaw na ang dumalo sa meeting. Sana hindi ka napaham—"
"I'm fine Mommy, don't blame yourself. I'm sorry I make you worried but I'm fine. I'm really fine." I cut mommy off on what she's saying she's blaming herself even thought she doesn't have a fault on what happened to me.
"Are you sure? Are you okay? P-paanong nakaligtas ka sa dumukot sayo can you explain it to me? Zia who's the man who kidnapped you? What did he do to you?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Mommy.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay, gusto kong sabihin ang totoo sa kaniya pero kapag sinabi ko ang buong kwento magtatanong siya sa akin kung bakit ako tutulongan ni Tristan kapag nangyari 'yon malalaman niya na kung ano ako sa buhay ni Tristan kapag nagkataon makikilala na siya ng mga anak ko.
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]
Romansa𝐒𝐀𝐍𝐃𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 1: 𝚃𝚁𝙸𝚂𝚃𝙰𝙽 𝙲𝙷𝙰𝚁𝙻𝙴𝚂 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙾𝚅𝙰𝙻