Chapter 53

1.9K 58 1
                                    

Tristan Charles.

LUMABAS ako sa kwarto na may malawak na ngiti sa labi, finally. They are now in my place, living together with me. Inuwi ko sila sa penthouse ko kasama si Yujizu ayaw nga ni Tita na pumayag pero anong magagawa niya eh mag-iina ko naman 'to! Tsk, mas okay na muna sa penthouse dahil ito ang pinaka-malapit na matutuluyan mula sa bahay ni Tita.

Tsk! Nakapagpaliwanag na ako kay Tita kaya wala na naman siyang dapat na ikagalit sa akin na kinuha ko ang mag-iina ko but I am freaking thankfull to her, kung hindi dahil sa kaniya hindi naranasan ng mag-iina ko ang magandang buhay sa Italy.

Bababa na sana ako sa kitchen para uminom ng tubig ng mahagip ng mata ko na may nakatayo sa terrace, ng tingnan ko ko kung sino, si Yukizia lang pala. Tsk! Tulog na ang mga bata, siguro naman pwede na kaming mag-usap ng sarilinan.

Aaminin ko nakaramdam ako ng galit sa kaniya ng ilayo niya sa akin ang mga anak ko at mas lalo pa akong nagalit sa kaniya ng ipamukha niya sa akin na wala akong nagawa para sa mga anak namin ng ipinagbubuntis niya pa lang sila hangang sa maipanganak niya, galit ako sa kaniya dahil inilayo niya sa akin ang mga anak ko, kung hindi niya ako iniwan ide sana nakita ko ang paglaki ng mga anak ko, ide sana nagawa ko ang responsibilidad ko bilang ama nila, ide sana walang nasayang na panahon na hindi kami magkakasama.

Ilang taon ang nasayang ng hindi ko sila nakasama, at kasalanan iyon ni Yukizia. Kung ako ang masusunod hindi ko siya gugustuhin na tumira kasama namin, gusto ko ring maramdaman niya ang sakit at panghihinayang na naramdaman ko ng ilang taon pero hindi! Hindi ko magagawa dahil ayaw kong magalit sa akin ang mga anak ko at malayo ang loob nila sa akin. Gusto kong bumawi sa kanila sa mga panahong hindi ko sila kasama at kasama na doon si Yukizia.

"Can't sleep? Baka naman gusto mo ring patulugin kita katulad ng ginawa ko sa mga anak natin pero sa ibang pamamaraan nga lang," Baling ko sa kaniya ng tabihan ko siya na nakatayo habang nakatingin sa kalawakan, dahil nasa tuktok ang bahay ko rito sa building kaya tanaw na tanaw ang lahat ng mga ilaw.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Inis niyang tanong sa akin at inirapan ako, psh! Pakipot pa eh gusto lang niya naman akong makatabi sa kama. Tsk! Panahon na ba para rito Tristan? Tsk.

"Hindi, pero seryoso bakit gising ka pa?" Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa hamba ng terrace at pinagmasdan ko siya habang umiinom ng Coffee, medyo malamig na rito pero dito pa rin siya tumatambay.

"Tulog na ang mga bata, hindi mo na dapat sila iniwan sa kwarto bumalik ka na roon at mag pahingga total ito naman ang gusto mo ang makasabay sila sa lahat,"  Pag-iiwas niya sa tanong ko. Hindi lang sa gusto ko alam ko namang gusto niya rin 'to tsk! Gusto ko lang alagaan ang mga anak ko, Gawin ang responsibilidad ko bilang ama kailangan kong malaman kung ano ang gusto at ayaw nila, kung pare-pareho ba ang ugali na meron sila o iba-iba, gusto kong malaman ang lahat ng ako mismo ang nakakikita .

"Gusto kitang makausap kaya wag mo akong uutusan ng dapat kong gawin, tell me something about our sons. Simulan mo kung bakit inilayo at itinago mo sila sa akin." Seryoso kong tanong sa kaniya, nakita kong inilapag niya ang tasa ng coffee sa platyope na nakapatong sa hamba ng terrace.

"Gusto mo talagang malaman?" Paninigurado niya sa akin habang may masaklap na ngiti sa mukha niya, I nodded sino ba namang hindi gusto ang malaman ang lahat? I want to know everything and I want to hear it come out from her mouth.

"Five years ago, last night of our vacation you shutted at me that you don't want to have a kids, you hate kids. But you know what it is the hurt the most? 'yong sinabi mong ayaw mong magkaanak sa akin dahil hindi ako ang babaeng pinapangarap mo na maging ina ng anak mo, sinabi mo pang kung magkakaanak tayo dapat kong ipalaglag, dahil kung hindi ko gagawin ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mawala ang bata sa sinapupunan ko, iniisip ko pa lang 'yong sinabi mo sa akin ng gabing 'yon nasasaktan na ako kaya thankful ako dahil alam kung hindi ako buntis," She smiled and look at me.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon