Yukizia Veronica.
"HINDI natuloy ang kasal ninyo paanong kasal siya sayo? Nagpapatawa ka ba ah? Ganiyan ka ba desperado para makuha ang trono ko?" Inis na tanong ni Lolo kay Tristan anong trono ang pinagsasabi ni Lolo?
Hindi ko siya maintindihan, naguguluhan ako sa kanila. Hindi pa nga ako naka-move on sa pagkagulat na si Tristan at Jade ay magkapatid tapos ngayon ano naman ang sasabihin nila? Ano ang tungkol sa trono? Throne of what?
Tumingin ako kay Tristan, nagiwas siya ng tingin sa akin nakita ko namang nakatitig lang si Lolo kay Tristan na para bang sinusuri niya si Tristan. Hindi ko rin maintindihan si Lolo, bigla niya na lang kaninang sinuntok si Tristan si Jade ganu'n din, bakit galit na galit sila kay Tristan?
"Trono ba kamo? Wala na akong pakialam sa tronong 'yan! Di 'ba 'yon ang gusto mo?" Tinuro ni Tristan si Jade at sumulyap siya kay Lolo.
"Ide ibigay mo sa kaniya, siya na ang bago mong pinagkakatiwalaan hindi ba?! Tsk. Wala na akong pakialam doon sa tronong 'yon pero ang bunos? Hindi mo makukuha dahil sa akin lang siya. Kung inaasam-asam ko ang tronong 'yon noon pwes nagbago na ako ang gusto ko ngayon. Tama nga sila people changed and it's the biggest change of my mind." Ngumisi si Tristan na siya namang ikinagulat ni Lolo at ni Jade. Bumaling sa akin si Tristan na may ngiti sa labi napakunot naman ang noo ko sa kaniya.
"At ano naman ang dahilan na nagpabago sa isip mo na hindi na kunin ang trono?" Tanong ni Jade kay Tristan.
"Hindi ako papayag na mapunta sayo ang bunos na ibibigay ko sa magmamana ng tronong pinaka-iingatan ko! Bigyan mo ako ng rason kung bakit hindi mo na sa akin ibabalik ang apo ko?" Inis naman na tanong ni Lolo at naupo sa pang-isahang sofa. Bonus? Anong bonus ang pinag-uusapan nila? Kanina lang ay trono ngayon naman ay bonus? Ako ba ang bunos na tinutukoy nila?
"Hindi pa ba sapat na dahil na kasal sa akin ang apo mo?" Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi ni Tristan, ako nga! Bakit ako? Anong klaseng bonus ba ako? Mukha ba ang laruan? Ah?
"Kasal? Kailan pa nakasal sayo ang apo ko? Kung totoo ang sinasabi mo ilabas mo ang married certificate," Pang-hahamon na sabi ni Lolo, nakita ko namang napalunok si Tristan. Ano ba kasing pinagsasabi niyang kasal? Hindi naman ako kasal sa kaniya para sabihin niya 'yan! Ngunit papaano kung totoo sinabi niya?
"Married Certificate ba kamo ang hanap mo? Baka ito ng hawak ko ang gusto mong makita, Mr. Alcan, the Mafia Boss..." Napatingin ako sa lalaking papalapit kay Lolo na may dala-dalang brown envelope, it's Tahn.
Mafia boss? Anong Mafia boss? Bakit tinawag niya ng ganu'n ang Lolo ko? Is he involved in the illegal things? Oh my god! Ang pagiging Mafia boss ba nag pinag-uusapan nilang trono? Iyon ba ang sinasabi nila? Is that's means... Tristan is a Gangster? A Mafia? Of a future Mafia boss? Oh my god!
"Kahit madalas loloko-loko ka, minsan may silbi ka rin pala." Ngumisi si Tristan kay Tahn habang nakangiti naman si Tahn sa kaniya, nag-shakehands pa sila.
"Of course, hindi naman nakakagwapo ang pagiging loko-loko lang, minsan kailangan rin nito," Sagot ni Tahn habang tinuturo pa ang utak niya, anong ibig niyang sabihin?
"Ano ito, Tahnzer Sandoval?" Tanong ni Lolo ng iaabot ni Tahn ang Envelope. Binuksan ni Lolo ang envelope ng sumenyas si Tahn na buksan niya ito?
"Married certificate..." Nanlaki ang mata ko ng basahin ni Lolo ang hawak niyang papel.
Napatingin siya sa akin at kay Tristan anong ibig niyang sabihin? Hindi maari! Pumirma ako ng divorce paper five years ago kaya hindi pwedeng kasal pa rin kami ni Tristan. Tumingin ako kay Tristan bago ako naglakad papalapit kay Lolo at kinuha ko sa kaniya ang papel na hawak niya. Ito ba ang ibig sabihin ng sinabi niya sa akin kanina na sa kaniya pa rin ako?
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]
Romance𝐒𝐀𝐍𝐃𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 1: 𝚃𝚁𝙸𝚂𝚃𝙰𝙽 𝙲𝙷𝙰𝚁𝙻𝙴𝚂 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙾𝚅𝙰𝙻