Chapter 62

1.7K 53 0
                                    

Yukizia Veronica.

"Thyme bumalik na kaya tayo sa loob? Hindi ako mapakali, parang may mali. Hindi ko dapat iniwan si Tristan," Nag-aalalang sabi ko kay Thyme ng makapasok na kami sa loob ng Van si Travis ang nag nag mamaneho.

"Hindi pwede masyadong delikado sa loob, kailangan na nating makaalis rito. Trav, tara na!" Sabi naman ni Thyme at tinap ang balikat ni Travis.

Anong tara na? Kaya ako pumayag na lumabas na dahil sinabi ni Tristan na sasakyan ko na lang siya hintayin, tapos iiwan namin siya? Hindi! Baka magalit pa iyon sa akin, ayaw kong bawiin niya ang sinabi niyang mahal niya ako. Isa pa, hindi naman makatarungan na iwan namin siya.

Alam kong hindi ito ang oras para sa pagka-isip bata ko pero hindi ko iiwan si Tristan, nang sabihin niyang mahal niya ako, I was shocked. Kahit na gusto kong sabihin na mahal ko rin siya hindi ko magawa dahil parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko maipaliwag ang tuwang nararamdaman ko ng sabihin niya iyon sa akin, para akong nasa langit ngunit sa kabilang banda may nagsasabing hindi kami pwede. We're cousin.

"No! Travis! Itigil mo at baba ako hihinitayin ko si Tristan hindi pwedeng maiwan siya." Pagpupumiglas ko at akmamg bubuksan ko ma ang pinto ng Van ng pigilan ako ni Thyme.

"Hindi ka pwedeng magpa-iwan dahil bilin ni Charley na iuwi ka namin sa bahay niya kung na saan ang anak niyo, pasensiya ka na sinusunod lang namin ang utos ni Charley." Madiing sabi sa akin ni Thyme at kita ko sa mga mata niya ang Madiing titig ang seryoso sa sinabi niya.

"Ano? Hindi niya naman kailangan na magpa-iwan kasama ang Jade na iyon, wala akong tiwala sa kaniya baka anong gawin niya kay—"

*Boom*

Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang malakas na pagsabog mula sa bahay ni Jade na pakiramdam ko pati ang sinasakyan namin ay naalog ng lingonin ko ito para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong tunutupok ng apoy ang boong bahay at sunod-sunod pang sumabog ang parte ng bahay~

"Tristan!" Sigaw ko ng maalala kong nasa loob pa ng bahay si Tristan, parang may sumakal sa puso ko hindi ako makahingga. Si Tristan! Malakas na pagsabog na iyon impossible naman na makalabas siya ng buhay oh my god! Hindi!!! Para akong namamatay sa tuwing nakikita ko sa isip ko ang bahay na natutupok ng apoy. Nanghihinang nakayakap ako sa sarili ko at hindi ko maiwasang napahagulhol.

"Fuck!" May gulat sa boses ni Thyne habang nakatingin sa bahay ni Jade na masusunog nagkatinginan sila ni Tahn na para bang nag-uusap sa tingin at sabay na natahimik.

Paano na kami ngayon? Ang sabi niya mahal niya ako pero bakit iniwan niya pa rin ako?—Hindi! Hindi pa siya patay! Buhay ang asawa ko at magkikita pa rin kami, makikita siya ng mga anak ko sa birthday nila.

"T-tristan is alive right?" Kinakabahan kong tanong sa mga pinsan niya hinihintay ko ang sagot nila pero nagkatinginan lang sila at hindi umimik, nang tingnan ko si Thyme nagbaba siya sa akin ng tingin na para bang sinasabi niyang walang kwenta ang tanong ko sa kanila.

Hindi na ako muling umimik nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan habang hindi ko maiwasang umiyak ng tahimik. Ginawa niya ang lahat para mailigtas ako sa kamay ni Jade pero hindi niya nagawang iligtas ang sarili niya. Alam niya ba na mangyayari ito? Napatingin ako sa necklace na suot ko, hinawakan ko ito at pinakatitigan.

Binigay niya ito sa akin bago kami maghiwalay kanina sa loob ng bahay, ang saya ko ng sabihin niyang dapat ay matagal ma itong nasa akin, kanina lang ay umaapaw ang sayang nararamdaman ko pero ngayon sobrang sakit na ang nararamdaman ko.

Masakit para sa akin na malamang pinsan ko siya pero hindi na mababago ang tadhana, may mga anak na kami... Hindi ko naman akalain na magkakaganito, kung alam ko lang sana, sana hindi ko na lang siya minahal ng higit pa sa buong buhay ko. Pinagsisisihan ko na hindi ko siya kaagad nakilala ng mas maaga pero hindi ko pinagsisisihan na may anak na kami.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon