Third person pov
Matapos maimeeting nila ang kanilang kaniya-kaniyang department ay napag kasunduan nilang mag meeting nalamang kinabukasan upang pag isahin ang kanilang mga ideya.
Pababa na sila Kale and Liezel nang makasalubong pa nila si Ben at Van.
"Oh! Lie, pababa na kayo?" Tanong ni Ben habang nakatingin kay Liezel, tumango sa kaniya si Liezel habang sina Kale at Van ay nakatingin lamang sa dalawa.
"Kung gano'n sabay na tayo umuwi," saad ni Ben, mag sasalita n asana si Liezel kaso biglang nag salita si Kale.
"Hindi pa kami didiretsyo pauwi," singit ni Kale, napatingin sa kaniya si Liezel na halatang nagulat, lahat ng atensyon nila'y nakay Kale na.
"May meeting pa kaming pupuntahan 'di ba Ms. Alvarez," seryosong saad ni Kale, napakunot naman ang noo ni Liezel at dali-daling hinanap ang kaniyang notebook upang tingnan pa kung may meeting pa silang pupuntahan.
"Hindi yan naka tala jan kasi urgent 'yon," sambit pa ni Kale, napatingin namang silang lahat kay Kale habang si Kale ay umiwas ng tingin.
"Tara na baka ma late pa tayo." Nag lakad si Kale palayo.
"Pasensya na ah! Kita nalang tayo sa bahay," nakangiting saad ni Liezel at nag medaling habulin si Kale, tinanaw lamang sila ng tingin ni Ben habang sabay na nag lalakad habang si Van naman ay nakatingin kay Ben na para bang may iniisip siyang malalim.
"Ikaw, uuwi kanaba?" Biglang tanong ni Ben sabay baling ng tingin kay Van ngayon ay nakatingin na sila sa isa't-isa.
"Huh?" Tanong ni Van na para bang nabingi at nawala sa ulirat habang nakatingin kay Ben, dagli siyang umiwas ng tingin at tumingin kila Kale at Liezel na papasok na sa elevator habang si Ben ay nakatitig lamang sa kaniya.
"Tinatanong ko kung uuwi kanaba?" Ulit niya, lumingon si Van sa kaniya.
"Oo! Ikaw?" Balik naman ni Van sa kaniya.
"Sabay na tayo sa parking lot," saad ni Ben, nauna na siyang mag lakad ngunit mabagal lamang upang makasabay parin sakaniya si Van, hindi siya lumilingon ngunit tinitingnan niya sa sahig kung may anino bang sumusunod sa kaniya.
Habang nasa elevator sila Kale at Liezel ay hindi sila nag papansinan, paminsan-minsan ay pasimple silang sumusulyap sa isa't-isa at minsan nama'y nahuhuli nila ang isa't-isa na tumutingin sa isa.
"So saan yung meeting na pupuntahan natin?" Tanong ni Liezel, dahilan din upang mabasag ang katahimikan at nabubuong tension sa loob ng elevator.
"Wala tayong meeting na pupuntahan," maikling sagot ni Kale, napalingon naman sa pag kakagulo si Liezel.
"Pero sabi mo kanina," naguguluhang saad ni Liezel.
"Sinabi ko lang 'yon para ako ang mag hatid sa'yo," sambit ni Kale, bahagya siyang lumingon kay Liezel at tumitig, bigla namang namula ang mga pisnge ni Liezel kaya dali-dali siyang umiwas ng tingin, she cleared her throat.
Inalis ni Kale ang tingin niya kay Liezel at bahagyang tumungo then smirk, he also cleared his throat, saktong pag bukas ng elevator, dali-daling lumabas si Liezel ngunit hinawakan ni Kale yung bag niya.
"Where are you going?" Tanong ni Kale, nasa labas na sila ng elevator at nakaharap si Liezel sa kanang bahagi ng parking lot.
"S-Sa kotse mo," nahihiyang sagot ni Liezel, pinipilit niyang agawin ang bag niya ngunit hindi ito binibitawan ni Kale.
"But my car is over here," saad ni Kale sabay turo sa kaliwang bahagi ng parking lot, dahan-dahang tumingin si Liezel at binitawan naman agad ni Kale ang bag niya.
YOU ARE READING
WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)
RomanceSEASON SERIES #1 Liezel Aritza Alvarez, 20 years old girl, she suffers bullying because of her obesity, she's insecure in her body but in the other side she's friendly and always willing to help no matter what. She always treasure little things, she...