Page I

603 20 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

The Old Story

Dati pa man,tampulan na ako ng tukso dahil sa pagiging werdo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dati pa man,tampulan na ako ng tukso dahil sa pagiging werdo ko. Umabot ako nang highschool na wala man lang akong matawag na kaibigan. Dahil sa pagiging mailalap ko lahat palagi akong nag iisa. Takot silang lumapit sa akin. Anak daw ako ng baliw. Iyon ang madalas ko naririnig noon.

Lumaki ako sa aking Lolo at Lola na hindi ko man lang nasilayan ang mga mukha nang aking mga magulang. Kapag nagtatanong naman ako tungkol sa kanila. Ang sabi kinuha daw sila ng dagat.

Simula noon, madalas na ako nakatambay sa dagat malapit sa paaralan namin, dala dala ang mga pang guhit ko at sketch pad. Mahilig ako gumuhit ng lahat nga bagay na nakikita ko sa aking paligid at imahinasyon. At ang lapis at papel ang naging kaibigan ko sa aking paglaki.

Nang namatay ang Lolo at Lola, napunta ako sa isang bahay ampunan. At naging tagasilbi ng isang pari. Inampon ako ng pari at pinag aral hanggang sa natapos ko ang elementarya. At ang hilig ko sa pagpipinta at pag guhit ang nagpalapit sa akin kay Mariella. Tulad ko mahilig din siya mag pinta.

Nagkaroon ng exhibit sa museum sa pangunguna ng simbahan. Napansin ng paring umampon sa akin ang aking talento sa pag pinta. At isinali sa exhibit ang aking mga likha. Katorse pa lang ako noon at nag aaral bilang second year highschool.

Sa unang pagkakataon ibinida ng simbahan ang aking mga gawa. Kadalasan kalikasan at pamilya ang tema ng aking mga pinta. Sa mga likha ko nilalabas ang pananabik ko na magkaroon ng perpektong pamilya.

Sinama ako ni Father Alvin sa mismong museum para makita ko ang aking likha kasama ng mga tanyag at kilalang mga artist sa buong region.

Maging ako sa sarili ko ay namangha sa aking mga likha. Na sa wakas hindi lang sa apat na sulok ng aking kuwarto lang naka display ang aking mga ubra. At tanging mga daga at ipis lang ang nakakakita.

"Napaka detalyado ng kanyang pag pinta. Parang buhay, pero malungkot ang kuwento. Tingin mo ano kayang iniisip ng gumuhit niyan.?" Napatingin ako bigla sa aking gilid nang may nag salita at nag tanong sa akin.

Agad ako nabighani sa kanyang mukha, napaka amo. Parang anghel.

"Ako ba ang kina kausap mo? Miss?" Pautal kong tanong.

"Tayo lang naman ang nandito diba?"sagot nito sa akin. Maganda nga, pilosopo naman.

"Ano nga iyong tinatanong mo sa akin kanina?" Tanong ko.

"Sa tingin mo ano kaya ang iniisip ng nag pinta nito? Ang lungkot kasi ng kulay." Nagulat ako sa kanyang reaksiyon. Paano niya nalaman ang emosyon sa likod ng painting.

"Paano mo nalaman na malungkot ito?"

"Kaya ng mga artist na linlangin ang paningin ng mga taong puro magaganda lang ang perspective sa isang ubra. Pero hindi sa mga katulad nilang artist. Kayang isalin ng mga artist ang kanilang emosyon o sarili sa kanilang mga likha at nakikita ko iyon sa uri ng kulay na kaniyang ginamit at sa tema ng kanyang likha. At sa painting na ito mukhang malungkot siya at may hinahanap." Paliwanag pa niya. Na aliw ako sa kanyang interpretasyon.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon