Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Aries and his
Nang gabi na iyon nakilala ko sa Aries. Sa unang pagkakita ko sa kanya meron sa loob ko n nag sasabing nakita ko n siya. Pero hindi ko lang matandaan kung saan.
Napaka amo ng mukha ni Aries, magandang lalake at hulmado ang mga muscles niya sa katawan. Alam Kong lalake din ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na punahin ang pisikal niyang ganda. Natutulala ako sa bawat pagtitig niya sa akin na tila tumatagos sa kaluluwa ko. Nakakadala ang kanyang mga ngiti.
Niyaya ko siyang sumabay na kumain sa amin ni tatang ngunit tumanggi ito. Kasi busog pa daw siya. Na curious ako sa kanyang ayos. Naka pantalon lang ito na punit punit at walang pang itaas. Kaya naitanong ko.
"Taga dito ka rin ba sa lugar na ito?" Tanong ko.
"Malayo ang sa amin dito. Napaka layo actually. Ikaw pare, taga saan ka?" Tanong din nito sa akin.
"Malayo din. Hindi ko nga inaasahang mapunta ako dito. Anghel ko yata ang nag dala sa akin dito." Natawa Kong sagot sa kanya.
"Naniniwala ka sa mga anghel pare? Diba sa mga bata lang bumibenta ang mga ganyang?" Tugon pang tanong ni Aries sa akin.
"Dapat kasi wala na ako, pero heto at buhay, at kinakausap ka." Sagot ko.
"Bakit ano ba ang nagyari?" Napa kuwento na lang ako kay Aries. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Ang sarap kausap ni Aries. Nagiging hirit na lang na pabiro ang mga karanasan ko, habang kinikiwento ito sa kanya.
"Namukhaan mo ang taong sumagip sa iyo?" Agad niyang tanong.
"Nawawala na noon ang huwisyo ko. At malabo na ang paningin ko. Kaya hindi ko natatandaan ang mukha niya. At kung sino man siya. Salamat sa kanya at binigyan niya pa ako ng chance. Hindi ko pala kaya ang mamatay." Naikuwento ko pa.
Sa mga sandaling iyon kuwentuhan lang kaming dalawa. Malalim na ang gabi nang dalawin na ako ng antok. Nakatulog ako sa papag na hinanda ni tatang para sa akin.
Nang gabing ding iyon doon natulog si Aries.Nasa loob ako samantala sa labas naman ito.
Bandang hating gabi na nang gisingin ako nang aking pantog. Bumangon ako at lumabas ng kubo para umihi. Napatingin ako sa higaan ni Aries ngunit wala ito doon. Napansin ko rin na wala rin si tatang sa papag niya.
Walang ilaw sa kubo ni tatang tanging gasera lang at liwanag mula sa buwan ang nag bibigay liwanag sa loob.
Lumabas ako at tinuloy ang tawag ng kalikasan.
Napadako ang paningin ko sa mataas na bahagi ng batuhan. Naalala ko ang kuwento ni tatang. Inisip ko na baka iyon Ang tinutukoy niyang bato kung saan una nitong nakilala ang ama ng kanyang asawa.
Maliwanag ang buwan at tanaw ang buong paligid ng dalampasigan at ng dagat. Nang may naaninag akong anino ng tao sa may batuhan. Si Aries ang unang pumasok sa aking isipan.
Lumapit ako sa may batuhan upang mag usisa. Papalapit na ako nang may narinig akong malakas na hampas ng tubig. Hindi iyon ingay ng mga alon. Tunog iyon ng dila isang malaking bagay na nahulog sa dagat.
Dalidali akong lumapit doon para tingnan.
At nagulat ako sa aking nakita. Isang buntot ng malaking isda ang nakita kong umangat bago pa ito tuluyang naglaho sa tubig. Hindi ako nananaginip at lalong hindi ako lasing. Buntot talaga iyon ng isda, subrang laki ng kanyang buntot na parang isang dipa ang lapad nito. Napakalaking isda ang may ari nun. Ang sabi ko.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...