Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Kiss
Ilang araw ding nanatili doon sa akin si Aries, ilang araw lang ngunit parang ang tagal tagal na. Naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Naging mas nakakagana nang gumising sa umaga. Pinanabikan ko ang bawat umagang binabati niya ako ng good morning. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Masaya ako kapag nakikita ko si Aries. Ni hindi ko na iniisip o hinahanap si Adreane.
Wala na akong paki alam kung tatawagan pa ba ako o hindi ng girlfriend ko. Ang sa akin lang Masaya ako at magaan ang Mundo ko kasama si Aries.
"Breakfast is serve, pag pasensiyahan mo na ito pare, ito lang ang kinaya ng talento ko sa pag luto."
"Ang laki namang isda ito pare, saan ito galing? At ano kaba hindi mo na kailangan pang gawin ito. Nakakahiya naman sa iyo. Ako dapat nag aasikaso sa iyo kasi bisita kita dito." Sabi ko. Nang araw na iyon nagulat ako at pinaghandaan ako ni Aries ng almusal. Isang inihaw na isdang Pampano na pinalamanan ng ginayat na kamatis, bawang ,sibuyas at lemon grass sa loob. Sinangag na may maraming bawang at mainit na tsokolate.
"May dumaan dito kanina,tauhan mo raw, may mga dalang isda at hinahanap ka. Kaso tulog kapa. Kinuha ko na lang. At naisipan kong ipagluto kita. Kahit dito man lang makapag pasalamat ako sa iyo sa palibre mong upa sa akin dito ng ilang araw." Sabi ni Aries habang inaayos ang mesa. Nakangiti lang ako habang pinag mamasdan si Aries.
"Kahit magtagal ka pa dito nang ilang linggo pa , o kung gusto mo mag stay ka muna dito hanggat gusto. Walang kaso sa akin pare. Ito parin naman ang dating Kubo ni tatang na minsan na nating naging tahanan. Medyo mas pinalaki ko lang at inayos ng konti. Welcome ka lagi dito pare." Tugon ko.
"Gugustuhin ko mang mas magtagal dito, mukhang malabong mangyari iyon pare, may mga bagay din akong naiwan sa akin. Hayaan mo, kapag free time ko dadalasan ko na lang ang pag punta dito."
"Saan nga ba ang sa inyo pare? Nang madalaw naman kita sa inyo. Saan kaba dito sa Cebuclod?" Tanong ko.
Batid Kong ayaw talaga ipaalam ni Aries kung Taga saan ito. Pautal utal itong sumagot at nililihis ang aking tanong. Doon na ako nagka interes pa nang husto sa pagkatao ni Aries, ang kanyang pagiging misteryuso ang nag udyok sa akin para sundan ito at manmanan.
Gabi noon at kabilugan na naman ng buwan. Huling araw ni Aries sa pag stay doon.
"Hindi ba makatulog pare? Pang ilang tagay na iyan ah." Pansin ni Aries , habang papalapit sa akin. Ang gandang lalake talaga ni Aries. Hindi nakakasawang titigan. Maging ako sa sarili ko kinokwestiyon ko na Ang pagiging lalake ko, dahil sa pagkamangha sa kanya. Ramdam ko na Ang init ng iniinum Kong alak sa aking katawan.
"Inum tayo pare, pampainit lang, masyadong malamig Ang Gabi ngayon. " Pag Alok ko.
"Salamat na lang pare, hindi kasi ako umi-inum ng alak. Sasamahan na lang kita."
"Nagkaka girlfriend ka na rin ba pare?" Deretsahan kong tanong.
Napailing lang ito at napangiti sabay sagot ng "hindi".
"Boyfriend?" Tanong ko muli.
Ngunit tulad ng pauna nitong tugon, ngumiti lang ito sa akin. Nahiya naman ako sa huli kong tanong sa kanya."pasensiya na pare, na curious lang talaga ako sa iyo. Ang perfect mo, pero wala ka pang love life."
"Minsan ko nang naramdaman ang mag Mahal pare, pero mahirap makipag talo sa tadhana kung magkabilang Mundo ang aming ginagalawan. At tingin ko naman Masaya siya sa piling ng kanyang Mahal." Naka ngiti parin ito ngunit bakas ang lungkot sa kanyang binibitawang salita.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...