Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Ex sees
Ginising ako ni Aries sa aking manapakasamang panaginip. Buti na nga lang at panaginip ang lahat. Napayakap ako nang mahigpit kay Aries. Nagulat din ito sa ginawa ko.
"Oh bakit, masyado namang mahigpit ang pagkakayakap mo sa akin Mahal? Ano ba ang napanaginipan mo?"
"Akala ko, nawala kana sa akin Mahal. Akala ko binawi kana nila sa akin."
"Ngayong sa akin kana, at sa iyo na ako. Wala nang makakabawi pa sa atin sa isa't isa. Lalabanan natin sila Mahal." Sabay halik sa labi ko.
Hindi ko inaakalang aabot ako sa nararamdaman kong iyon sa pakikipag relasyon ko kay Aries. Naging buo ang buhay ko na kapiling siya. Kumpara noong kami pa ni Adreane.
"Bilisan mo na diyan Mahal, baka maiwan pa tayo ng bus. Naka bili na rin ako ng ticket sa barko. Mga 3 pm ang alis natin mamaya." Sabi ni Aries.
Agad din naman ako kumilos. Sa araw na iyon lilisanin namin ang Cebuclod at uuwi na sa amin sa Guimahol.
Nakasakay na kami ng bus ni Aries pa puntang pantalan nang may umakyat na matanda sa bus, gusgusin ito at isa isang nilalapitan ang mga pasahero. Nakakatakot ang mga nanlilisik nitong mga mata. Hanggang sa nakalapit narin ito sa upuan namin ni Aries.
Bigla na lang nito tinuro turo si Aries, at tila umiba ang boses nito na nagbabanta sa amin.
"Ikaw! Isa kang lamang dagat! Hindi ka nararapat dito sa lupa. Salot kayo, malas kamatayan ang hatid niyo sa aming mga tao! Lisanin mo ang Mundo namin at bumalik na sa mundo niyo! At ikaw, iwasan mo ang nilalang na ito kung ayaw mong madamay pa ang mga Mahal mo sa buhay. Hinding hindi kayo matatahimik. Hindi maaaring magsama ang halimaw at tao! Hindi!!!" Mga binibitawang pagbabanta ng matanda.
Buti na lang lumapit ang kondoktor ng bus at pinababa ang matanda.
"Pasensiya na mga boss, madalas dito iyon nang gugulo ng mga pasahero, pero mabait naman si tatang. Ayos lang ba kayo?" Tanong ng kondoktor sa amin.
"Ayos lang, medyo kinabahan lang kami sa kanya." Sabi ko.
Nang maka alis ang kondoktor, hinawakan ko ang kamay ni Aries at kinausap ito.
"Hindi kaya kalahi niyo rin iyon Mahal? Paano ka niya nakilala? At ang pag babanta niya." Sabi ko
"Hindi ko alam, maging ako nangamba sa pinagsasabi niya kanina. Paano kung malagay nga sa panganib ang buhay mo at ang buhay ng mga mahal mo sa buhay dahil sa akin?"
"Mahal napagusapan na natin ito diba, lalaban tayo na magkasama. Walang sino man ang malalagay sa panganib." May kaba at pag aalinlangan man sa loob ko, kailangan kong mag papakatatag. Hindi ko kayang mawala si Aries sa akin.
"Isa akong halimaw , at ganoon din ang aking kalahi at mas higit na mas halimaw ang mga iyon kaysa sa akin Mahal. Hindi natin alam kung ano ang kaya nilang gawin. Lalo pa at may nilabag tayong batas." Nakita ko ang pag dadalawang isip ni Aries. Ginambala ng matandang iyon Ang isipan ni Aries.
"Huwag ka mag alala Mahal kahit isang daang halimaw pa ang hahadlang sa atin hinding hindi Tayo papatalo. Sabay tayo Mahal. Haharapin natin sila." Ang sabi ko kay Aries.
Natuloy kami ni Aries. Nag sisimula nang maglayag ang barko na papuntang Guimahol. Maging sa barko hindi maalis sa aming dalawa ang pangamba Lalo na at nasa dagat na naman kami.
Hindi pa man nakakalayo ang barko, ramdam na ni Aries ang kakaiba sa galaw ng mga alon.
"Naaamoy ng dagat ang presensiya ko. Nararamdaman kong hindi maganda ang paglalayag natin pauwi sa inyo Mahal." Ayon pa kay Aries.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...