Page 14

106 10 0
                                    

Once There was a Sea

Theme: fantasy, love, bxb

Aries x Aries
Page 14

Nang gabing ding iyon muli na namang naglaho sa paningin ko si Aries. Magdamag ako nag abang roon. Tinungo ko ang batuhan at doon nag hintay. Ano ba itong nangyayari? Tanong ko.

Tumaas bigla ang alon, at pag hupa nito ang pag litaw sa harapan ko ng nilalang na nakita noong una. Nakatitig ito sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.

May kung ano sa hangin na para bang binubulungan ako nito na lumapit sa nasabing nilalang. At hindi din naman ako nag dalawang isip. Lumapit ako, at kinausap siya.

"Sino ka? Ano ang kailangan mo? Maari mo ba akong tulungan na maibalik sa akin si Aries?" Katanungan ko.

Yumuko lang ito na tila nalungkot nang lubusan. At kapansin pansin ang tumutulong luha sa mabibilog nitong mga mata. Nakakatakot man ang kanyang anyo, nakaramdam ako nang awa na hindi ko maipaliwanag. Hinaplos ko ang kanyang mukha, at nagulat ako nang bigla nalang nitong hinawakan ang kamay ko na nasa mukha niya. Na para bang pinanabikan nito ang muling pag dampi ng palad ko sa kanya.

Hindi nag sasalita ang nilalang, tanging nakakalungkot na tunog lang ang nagagawa nito, na para bang sa mga dolphin. Hindi ko na malayang nahulog pala sa tubig ang kuwentas na mula sa bulsa ko.

Napansin ko lang ito nang muli na naman itong umilaw. Kinuha ko iyon sa tubig. At napansin na tila napa ngiti ang nilalang nang makitang lumiwanag itong muli habang nasa kamay ko.

Sa totoo lang hindi ko alam pero parang ramdam ko na Kilala ako ng nilalang na ito. At ako maging sa sarili ko parang may koneksiyon kaming dalawa.

"Alam mo ang kuwentas na ito?" Tanong ko nang mapansin ang galak sa mukha ng nilalang

Sumenyas ito na isuot ko sa kanya ang kuwentas. Nag alangan ako. Una dahil baka kasabwat ito ni Neru, pangalawa baka nililinlang lang nito ang damdamin ko. Ngunit nang muli na naman nitong inangat ang kanyang buntot. Si Aries ang nakikita ko. 

Nakikiusap ito na ilagay sa kanyang leeg ang kuwentas at ginawa ko naman.

Wala namang kakaibang nangyari matapos ko maisuot sa kanya ang kuwentas. Nag hintay pa ako nang biglang kumalat sa katawan ng nilalang ang liwanag na dulot ng kuwentas.

Napa atras ako sa aking kina tatayuan. At kita nang dalawa kong mata ang unti unti nitong pag papalit nang anyo. Unang nawala Ang mga makakapal na kaliskis nito sa katawan, at naglaho ang mga matutulis nitong palikpik , kuminis Ang balat niyo, at unti unting umayos ang kanyang mukha. Maging ang buntot nito ay napapalitan narin ng mga paa.

Gulat at pagka bigla ang bumungad sa akin nang tuluyan na itong nakapagpalit anyo. Si Aries ,naging si Aries ang nilalang na kaharap ko.

Walang inaksayang sandali si Aries at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Subrang higpit na tila sabik na sabik naahagkan ako muli.  Nawala Ang pagtataka at pag dududa ko na nararamdaman at niyakap din si Aries. At sa pagkakataong iyon mas ramdam ko ang mga yakap na iyon. Si Aries talaga ang kayakap ko.

"Matagal kong hinintay na mayakap kang muli Mahal at salamat hindi ka nag patalo sa iyong takot. Binalik mo ako sa iyo." Sabi ni Aries habang nakayakap parin sa akin, at ayaw pang bumitaw.

"Sa wakas na aalala mo na ako Mahal." Sagot ko.

"Kailan man hindi ka na wala sa puso at isipan ko Mahal." Sagot nito.

Doon ako napaisip, natigilan ako sa sagot ni Aries.

"Ipaliwanag mo sakin ano ba ang nangyayari? Kung Ikaw talaga si Aries , sino ang kasama ko?" Tanong ko na may pagaalinlangan. Napabitaw ako kay Aries.

There was a sea(M2M)[completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon