Once There was a Sea
Theme: fantasy, love, bxb
Drowning
Page 16"Aries?"
Para akong bato sa kinauupuan ko nang makita kong nag palit anyo si Tatang bilang si Aries. Nagdadalawang isip akong maniwala sa nasaksihan ko. Nasa daigdig ako ng hiwaga kaya madali akong napaniwala sa aking nakita. Lalo na nang inilahad pa ni Aries ang dahilan kung bakit nag kakaganun siya.
Walang salita na lumabas sa akin sa pagkabigla at gulat. Hinayaan ko lang si Aries na ikuwento sa akin ang lahat ng dapat kong malaman. Naroon lang ako nakikinog at nasa state pa din nang pag ka shock. Matagal bago na absurb ng sarili ko na si Tatang at ang taong minahal ko ay iisa.
"Gaya nang nasabi ko, naging higit pa sa suod na magkaibigan kami ni Neru. Iba ang pakahulugan nito sa pagiging mabait ko sa kanya." Pag sisimula ulit ni Aries.
"Bilang kalahating tao at kataw, nangulila ako sa buhay sa lupa. Kaya madalas tumatakas ako para umahon at pumermi sa lupa. Ang Dapdap ang naging pangalawang tahanan ko. Dito nakakahalubilo ko ang mga tao. At bilang tao hindi maiiwasan marami ang nagkakagusto sa aking anyo at tindig. Bagay na ikinagagalit ni Neru. Na lingid sa kaalaman ko.
At bilang prinsepe ng Idalum, hinimok ni Neru ang mga kataw na umaklas laban sa mga tao. Pinakalat nito sa lahat ang banta ng mga Taga lupa sa mga taga dagat.
Nang dahil sa lihim na pagkakagusto ni Neru sa akin, namatay ang Dapdap, nawala ang dati nitong sigla. Kasabay nito ang pag sibol ng galit ko sa kanya. Lumayo ako sa kanya at dumistansiya. Kahit na kauri ko ang mga kataw nasa katauhan ko parin Ang pagiging isang tao. At hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Neru.
Ang pagkakaiba namin ni Neru ang lalong nagpatindi ng lamat sa aming pagkakaibigan.
"Hindi kana bahagi ng daigdig nila, dito ka nararapat" ang madalas na issue ni Neru sa akin.
"Mag ka iba tayo, hindi ako sinilang na isang kataw katulad niyo. Naranasan ko maging isang tao bago ako naging ganito. Kaya hindi mo maalis sa akin ang mag damdam sa kanila." Ang prinsipyo ko.
"Akin ka lang , dito ka lang, hindi sila ang haharang sa akin sa iyo." Ang pagtatapat ni Neru.
Hindi ko inisip na umabot sa ganun ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Hindi ko iyon sineryuso. Patuloy akong umiiwas sa kanya .
Sa kakaiwas ko kay Neru , napadpad ako sa lugar kung saan kita unang nakita.
Nang una kitang makita, hindi ko alam kung bakit naging iteresado ako iyo. Lalo na kapag naroon ka sa malapit na batuhan at sinimulan nang patugtugin ang dala mo laging gitara.
Malapit sa puso ko ang musika, kasi naalala ko ang aking Ina. May pina tugtug kang kanta. Kanta minsan ko nang narinig sa buhay ko. Ang madalas kinakanta sa akin ng aking Ina.
Mula noon, madalas ko na inaabangan ang mga pagtutugtog mo. Ang palagian mong pag punta sa dagat ang unti unting nag papalapit sa iyo sa puso ko na hindi ko na mamalayan.
Para wala naman sa akin iyon dati, ngunit kinagigiliwan ko na Ang makarinig ng mga kanta mo. Damang dama ko ang puso mo sa bawat pag tugtog mo at pag kanta. Na para bang kinakausap mo ako.
Hanggang isang araw hindi kana nabalik doon. Sinubukan kong alamin ang dahilan. At kahit labag sa aming mga kataw ang tumawid sa lupa kapag hindi pa Oras ng pagtawid.
Ginawa ko. Hinanap kita sa lugar na iyon. Araw araw sa anyong tao,. At natagpuan kita sa piling ng isang babae , kay Adreane.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon ng makita ko kayo na masayang magkasama. Nakaramdam ako nang kirot. Wala akong ka alam alam na nasasaktan na pala ako.
BINABASA MO ANG
There was a sea(M2M)[completed]
FantasyAng storyang ito ay umiikot sa dalwang magkasalungat mundo at lahi isang tao at isang kataw(sereno) -A fabled marine creature with the head and upper body of a man and the tail of a fish. Na nahulog ang loob sa isat isa, the main character are: Arie...