Chapter 3
Nandito na naman ako sa harap ng bahay nila Thea. Mejo inaantok pa nga ko kasi hectic yung sched kahapon, 5 subjects in 1 day? nakaka Stress! with capital S!
Pabagsak kong sinara ang kotse namin at dali daling lumabas. May dala akong kutsilyo ngayon, para pag di pa rin papasok si Thea eh sasaksakin ko na lang sya.
JOKE! hindi naman ako mamamatay tao noh! Mabait kaya ko. >:D
So, pinindot ko ang doorbell sa labas ng gate nila. After 1234567890 years, may nagbukas na rin.
"Good Morning Ms. Dennise!" bungad sakin ng isa sa mga katulong nila.
Naks! Tinawag ba naman akong Ms. Dennise. Char lang ha!
"Nanjan pa ba si Thea?" tanong ko.
"Ah kanina pa po umalis!" sabi niya.
Nge! Iniwan na naman nya ak---
O___O
Really? Pumasok na sya? P-p-pano?
"Talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong. It's a miracle, salamat naman at okay na ang bespren ko. Yaaaay!
Hindi ko na hinintay ang sagot ng katulong nila at deretso nakong pumara ng taxi. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko na pinaalis yung driver namin.
Sumakay nako sa taxing huminto sa harap ko.
"WU!" sabi ko. Tumango naman ang driver.
Minsan talaga kinakabahan ako kapag nagtataxi, hindi talaga kasi ako sanay. Ayoko namang maglakad ulit, Hah! Malapit nakong masagasaan kahapon baka ngayon tirahin na, ayoko pang madedo noh! Pano na lang ang pyutur boypren ko, tatanda syang magisa dba? Kaya no no na ang walking!
Ok! Enough of that.
Nakarating ulit ako sa school ng ligtas. Naglakad ako papasok ng campus, naka chin up ako kahit magisa lang. Independent naman talaga ako eh, pero iba pa rin talaga kapag kasama ko si Thea. Bestfriend ko yung babaeng yun ah kahit ganun yun.
So, dumeretso ulit ako sa locker hallway. Locker hallway ang tawag kasi nakalinya sa hallway ang mga locker, malaki at maluwag naman yung hallway kaya di siksikan kahit pa may dumadaan.
Napansin ko na maraming estudyante kaya mejo bumaba yung chin up ko kanina. They are all staring at me! Nailang ako sa mga tingin nila kaya napayuko nako! Wth? Anong mga problema nila?
"She's the flirt's bestfriend!"
"She's Dennise Enriquez!"
"Oh! Maybe she doesn't know yet!"
Tinignan ko yung mga estudyanteng nagbubulungang rinig na rinig ko naman.
Inirapan ko sila at kinuha ko na ang libro ko.
Nang makuha ko na ang libro ko eh tumalikod nako at nagsimulang maglakad. I can feel their sharp stare behind my back. Para akong tinutusok ng mga ito. Napangiwi ako, anong problema nila.
Hindi pako nakakalayo ng may biglang humila ng buhok ko.
WTH? Masakit yun ah! Grrr..
Hinarap ko yung humila ng buhok ko at masamang tinignan. No one dares to do that to me, etong babaeng 'to lang, kahit si Thea nga hindi pa nahihila ang buhok ko, tapos sya? Basta basta na lang. Hah! hindi ako makakapayag ng ganun.
Tinulak ko yung kaliwang balikat niya.
"Anong problema mo ha?" tanong ko. Parang gangster lang eh.
"You don't know? I have so many problems at isa na dun ang bestfriend mo." deretso niyang sabi habang nakangiti. Yung ngiting pang demonya. Sana pala nagenglish din ako. Grr.. Ang sarap ikiskis sa semento yang pagmumukha niya, nakakainis! Ano bang problema nya kay Thea?
"Anong pakelam ko sa problema mo?" irita kong tanong sa kanya.
"Wala. But i want to tell this to you, kindly tell to your beloved bestfriend to stay away from our Prince. She really is a slut, flirt, and a total manwhore, Oh! i forgot she's the all time playgirl right?. May bago na naman syang bibiktimahin? Hindi kami makakapayag. Not with Zyron!" maarte at tuloy tuloy niyang sabi sabay walk out.
Naestatwa ako at hindi masyadong nagsink in sa utak ko yung pinagsasasabi niya. Ano daw? Si Thea slut? flirt? Manwhore? Ano daw? ANO DAW?
Wala silang alam kay Thea! Ako ang nakakakilala sa kanya pero hindi siya ganun. Mga lalaki mismo ang lumalapit sa kanya, hindi siya. And there's a reason kung bakit siya naging ganun.
Tinignan ko yung babaeng papalayo kasama ng mga alipin niya.
Agh! Hindi ko man lang napatanggol si Thea sa babaeng yun. Ano na lang iisipin ng mga nakarinig. Ops! Speaking of mga nakarinig! Ang dami nilang nakikinig dito, putek, kailangan ko ng umalis.
Dali dali akong umalis at dumeretso na sa classroom.
Matanong nga yung babaeng yun, simula nung nangyari sa kanilang dalawa ni Patrick wala nakong masyadong balita sa kanya. I really miss her, i miss my bestfriend really.
Nakarating ako sa classroom at nakaramdam ako ng excitement. Sa wakas ay makakasama ko ulit si Thea, yaaay!
Nakita ko syang nakaupo sa may gilid at nagiisa. Napansin ko namang may nagbago sa kanya, wala na yung mga light make ups sa makinis niyang mukha dati, naging mas simple siya ngayon. Parang huminhin din ang kilos niya. Tumingin siya sa gawi ko at ngumiti, ngumiti din ako.
Papasok na sana ako sa pintuan ng may bumangga sa kanang balikat ko. Mas nauna tuloy syang pumasok, aba bastos 'to ah!
Tumahimik naman ang buong classroom ng pumasok yung lalaki.
At mas nagulat pako ng lumapit yung lalaki kay Thea. Mas lumaki yung mga ngiti ni Thea ng makalapit na yung lalaki sa kanya. Teka, hindi naman namin classmate yung lalaking yun ah!
Lumapit ako sa kanila para makumpirma. Maybe he's the transferee. Siguro!
"Dennise!" nakangiting tawag sakin ni Thea ng makita niya ko, so hindi niya pala ako napansin sa pintuan kanina?
Ngumiti din ako sa kanya at lumapit pa.
O___O
Nagulat na naman ako ng humarap yung lalaking lumapit sa kanya kanina. Hanggang kelan ba ko magugulat? Nakakailan na ha! Siya yung... siya yung muntik nakong patayin. Choss! Sagasaan pala..
Kumunot ang noo ko at pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. So, eto nga. She's dating this new stufftoy este guy. Tinignan ko yung lalaki mula ulo hanggang paa.
"Ah!" tumayo si Thea sa pagitan namin nung bakla. "Dennise, this is Zyron, and Zyron, this is Dennise." pakilala ni Thea.
Ngumiti yung Zyron at mabilis din namang nawala. Ngumiti din ako at mabilis ding nawala. So, hindi uso sa kanya ang makipagkamayan? Payn! Wateber!
Pumasok na ang professor namin. Inirapan ko sa likod si Zyron at umupo na sa tabi ni Thea.
May naalala tuloy ako.
Kamukhang kamukha niya yung taong nakasilip dun sa 6th floor ng Engg. Bldg.
Possible kayang sya yun? Kung si Zyron yun? Anong ginagawa nya dun?
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.