[Adara]
"Hi, Adara. Nice to see you again."
"Lalo kang gumanda, Adara. Let's have a coffee soon."
Awkward ko silang nginitian lahat dahil sa kaliwa't kanang mga papuri nila. Napasalamin tuloy ako sa screen ng phone ko kung totoo bang gumanda ako. Mga bolero 'yon! Eh parang wala namang nagbago sa itsura ko maliban sa medyo umitim ako dahil sa halos araw-araw kong paglangoy sa dagat.
Ito ang unang araw ng sem namin ngayon 4th year. Kaunting kembot na lang talaga, ga-graduate na kami. Isang taon na lang ang kailangan kong bunuin at abot kamay ko na ang pangarap ko. Para na naman tuloy akong sira na nangingiti habang naglalakad papunta sa building namin sa College of Arts and Letters.
Lalong lumapad ang ngiti ko nang matanaw ko ang maganda kong best friend na papalapit. Kinulang na naman sa tela ang suot nitong damit kaya pala sunod na naman ang mata ng mga lalaki sa kanya.
"Adara!" malakas na sigaw nito na umagaw lalo ng atensyon mula sa ibang estudyante. Humahangos siyang huminto sa harapan ko at napatukod pa sa mga tuhod niya habang naghahabol ng hininga.
"Hindi mo naman kasi kailangang tumakbo," sabi ko at inabutan ko siya ng bottled water. Hinablot naman niya agad 'yon at inubos nang isang tunggaan.
"Sabi ko naman kasi sa'yo sabay na tayong pumasok e," sabi niya at saka ibinalik pa sa 'kin ng bruha 'yong bote. Tumalon talon siya para tingnan ang nasa likuran ko. "Buti walang mga asungot na nakabuntot sa 'yo?"
"Tinaboy ko na. Kung nakita mo lang kung pa'no ko sila pinagsisipa, naku, siguradong magiging proud ka sa 'kin," mayabang na litanya ko.
Nagtawanan kaming dalawa dahil aliw na aliw siya kapag nang-re-reject ng lalaki. Palibhasa gawain n'ya 'yon dahil sobrang ganda at sexy talaga ng best friend kong 'to.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka siya nag-baby face.
"Kung bakit kasi napakaganda ng kaibigan ko tapos napakabait pa. Ayan tuloy, masyadong maraming nababaliw na lalaki sa 'yo."
"Wow sa 'kin ba talaga, Portia Deanna? Baka ikaw?"
"Pareho na lang tayo, sige. Pareho naman tayong maganda." Ang taas talaga ng confidence! "Madami rin tuloy ang mga inggiterang frog na kunwaring mabait. Haaaaaay." Sabay tingin niya sa mala-anghel na babaeng kasalukuyang dumadaan sa gilid namin.
Si Elisse.
"Portia, ano ka ba," suway ko sa kanya.
"O bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Pakunwaring mabait pero demonyita naman talaga."
Naiiling na lang akong hinatak siya sa palayo. "Mabuti pa pag-usapan na lang natin 'yong network na pinagpasahan natin for internship."
"Ay shit, oo nga pala! Nag-email na sila sa 'kin. Sa 'yo rin ba?"
Napatigil tuloy ulit ako. "Hala, kailan? Nagche-check ako araw-araw ng emails wala naman akong napansin na galing sa PBN Network." Napanguso ako dahil baka hindi ako natanggap.
"Last week pa 'yon. Check mo nga baka namalikmata ka lang!" utos niya. "Imposibleng sa 'kin lang sila nag-email eh 'di hamak namang mas matalino ka sa 'kin!"
Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at nagbukas ng email. Tumabi kami saglit para mag-check dahil nasa gitna kami ng daan kanina.
Dahan-dahan akong nag-scroll ng email para siguradong wala akong malampasan kaso nakarating na 'ko sa petsa kung kailan natanggap ni Portia 'yong email, wala pa ring lumilitaw sa 'kin. Sinearch ko na rin sa spam messages dahil baka naligaw lang.
BINABASA MO ANG
STS #1: Dauntless [COMPLETED]
Romance[Smith Twins Series #1] Top secret agent Christian Klein Smith and aspiring journalist Adara Olivia Alejo are determined to expose and bring Governor Almendras down. But as they dig deeper into his corrupt and illegal ways, they find themselves tang...