Carmella Pov
Pagmulat palang ng mata ko ay isang malambot na unan agad ang sumalubong sa mukha ko, ang sakit na nga ng ulo ko tapos hahampasin pa?? Yung utak ko baka maalog!! Pero btw lumipas na yung days kaya yes okay na ako, matibay ako noh
"Arian tama na yan sabi eh!" rinig kong sigaw ni Kuya Sevy
"Kasalanan nya yan, nakipag away sya tapos idagdag mo pa yung sa bible" inis na sabi ni Kuya Arian
"Ang daming nangyari tapos ayan pa rin iniisip mo? mag tino ka nga Arian" Naaasar na sabi ni Kuya Sevy
"Matino pa nga ako kaysa dyan kay Ella eh" depensa naman ng magaling kong kuya tsk, tama naman sya na parehas kaming hindi matino kaya yung iba nag tataka kung kaming dalawa yung ampon o si Kuya Sevy
"Ano nga ulit yung nangyari??" maang maangan kong tanong kaya tiningnan ako ng masama ni Kuya Arian
"Tanga mo talaga kahit kailan noh? alam mo yon?" Bakat ang inis sa boses ni Kuya Arian
"Nagtatanong ng maayos yung tao ehh" Bulong ko na mukhang narinig nya
"Tao ka pala? akala ko kasi hayop ka na" inosenteng tanong ni Kuya Arian, hindi pa man ako nakakapag salita ng sumigaw si Kuya Sevy
"Tama na nga yan! kayong dalawa mag layo nga muna kayo" Pasigaw na sabi sa amin ni Kuya Sevy kaya naman tinarayan ko nalang si Kuya Arian bago pumasok sa isip ko ang mga section c
"Ano nga pala nangyari sa secyion c?" takang tanong ko
"Ahh pumasok na sila" Sagot naman ni Kuya Arian, oh diba ang bilis namin magbago ng mood
"Ganon ba" bulong ko bago umayos ng higa
Nagtagal pa kami sa hospital dahil sa kadaldalan namin ni Kuya Arian kaya naman si Kuya Sevy na nag volunteered na mag drive pabalik sa bahay kasi daw nagmamadali kay mag pupuntahan kaya ang ending pag dating namin sa bahay ay nag order nalang kami ni Kuya Arian ng makakain namin
Ang gaan na ng pakiramdam ko pero syempre medyo kumikirot pa din yung balikat at binti ko pero hindi ko nalang sinasabi sa kanila dahil alam kong busy sila Kuya lalo na si Kuya Sevy
"Pagtapos mo dyan mag pahinga ka na at palasok na tayo bukas" Sabi sa akin ni Kuya Arian
"Wait ano nga pala yung ginawang excuse ni Kuya Sevy??" Tanong ko sa kanya
"Car accident" Sagot ni Kuya Arian kaya naman napatango ako bago ipagpatuloy ang pagkain at pagkatapos ko kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para matulog
Kinabukasan ay nagmamadali ako sa pag bihus dahil ma lalate na daw kami
"Dalian mo dyan!" naaasar na sabi ni Kuya Arian na naghihintay sa labas ng kwarto ko
"Ahh sige kuya una ka na matatagalan pa ako" sabi ko
"Ayoko nga, last time nag cutting class ka at ako yung napagalitan ni Kuya Sevy" pagtanggi nya naman kaya napatawa ako, naalala ko tuloy
"Hindi na ako mag cu-cutting promise ko yan" Natatawang sabi ko
"Mark your words Ella, sige alis na ako" Sabi nya bago ako makarinig ng yabag paalis sa tapat ng kwarto ko
Well hindi uuwi si Kuya Sevy kasi daw may family gathering daw at kailangan si Kuya doon even though ayaw nyang pumunta plus pa na patungkol ito sa magmamana ng business ni Lolo tsaka gusto din ni Lolo makita si Kuya Sevy noh.
Time check 8 am kahit 6:30 yung pasukan hahaha okay lang yan, wala naman daw teacher eh.
Bago ako umalis sa bahay ay pinatay ko na muna yung mga dapat patayin bago ako umalis sa bahay ay napag disisyunan ko na din mag lakad para ma exercise mo na din yung mga buto ko
Dumaan ako sa mga shortcut na alam ko, may nasalubong akong away pero lumayo ako kasi ayoko pa makipag away lalo na sa lagay kong toh plus pa na hindi ako tanga para sumali doon
Nakarating ako sa school ng maayos habang yung Guard naman ay takang tumingin sa akin kung bakit pa ako pumasok pero hindi ko nalang sya pinansin at pumasok na at pumunta sa building kung saan nakalagay ang classroom ng section c
Pero pag pasok ko sa room ay........ PUSANG INA WRONG TIMING!! Lahat sila nakatopless at mukhang nag bibihis pa talaga!!
"Manyak!!"
"Gago ka Carl!!"
"Sexual harassment!!!"
Isa isa nilang sigaw. MGA GAGO!! Hindi ko naman sinasadya!! Tumingin ako sa paligid at dahil doon nagtamaan yung tingin namin ni Lucas pero napatingin ako sa gilid nya na si Ace........ SHEMAYYYY!! Ang hot nilang lahat pero mas hot sya
"Like what you see?" Naka ngise na tanong ni Ace na ikina pula ko
"GAGO!! Sa payat mong yan mag eenjoy ba ako?? HAHAHAHA patawa ka ata" Sabi ko bago isara ang pinto, alam kong hahabulin ako ni Ace sa sinabi ko dahil bakas sa mukha nya yung inis, pumasok muna ako sa girl's bathroom pero ramdam ko pa din ang pamumula ng mukha ko
"Bakit ba kasi walang nag sabi sa akin na may PE!!" Impit na sigaw ko, mga hayop talaga sila pero sa kalagitnaan ng inis ko ay pumasok nanaman sa utak ko si Ace na naka--- NO CARMELLA!! DONT THINK OF THAT!!
BINABASA MO ANG
The only girl in Section C
Teen FictionA girl name CARMELLA, sounds innocent right? Is she look Innocent too? YES SHE IS but who know what she can do..... Isang babae na hindi tinanggap ng iba't ibang klaseng paaralan. Pero dahil sa connection na meron siya ay nakapasok sa isang magaran...