Delaney
Apat na araw na rin simula ng mangyari yung sa clinic. After that scene, hindi ko na nakita si Natalia. Hindi na rin siya pumapasok sa klase niya sa amin, at si Miss Celestine ang pumalit sa kaniya hanggang sa matapos ang buong first sem. After knowing it, nakaramdam ako na parang may tumusok na karayom sa puso ko. Masaya rin naman ako dahil araw-araw ko nang makikita si Miss Celestine pero may masakit rin sa akin e. Alam kong ako ang rason bakot nangyayari ito. Did I really hurt her that bad?
I tried to call her para kausapin sana siya tungkol sa pagpalit ng Prof namin. Pumunta din ako sa office niya nun pero naka-lock.
I asked Miss Yvonne about it and her answer broke me.
"She just moved to US for good daw. Nagulat nga kami dahil biglaan ang naging desisyon niyang iyon. We didn't ask na dahil wala rin naman kaming makukuhang sagot. Pero babalik din iyon. She needed space and time to breath for now."
Sumagi pa nga sa isip ko na sundan siya. Pero paano ko naman iyon gagawin e nag-aaral ako. At ang lawak-lawak ng US. Saang lupalop ko siya hahanapin. Even her friends don't know exactly where she is staying sa US.
Nasa library ako ngayon dahil gusto kong makapag-isip-isip. Dahil kapag sasama lang ako sa mga kaibigan ko, dadagdag lang sila sa kinakarga ko ngayon.
"Alone?" I heard a familiar voice asked. Iniangat ko ang tingin only to see Miss Celestine smiling widely. I nodded at ngumiti ng plain.
Hindi ko kayang ngumiti ng totoo knowing na may nasaktan akong tao.
"Can I join you?"
"Of course." She smiled.
"Too deep, huh. What are you thinking?" She asked that made me shook my head.
"I'm just reviewing for our upcoming midterms." Pagsisinungaling ko. Ewan ko ba, chance ko na 'to e. Wala nang hindrance sa pagkakagusto ko kay Miss Celestine and yet here I am, parang ayaw siyang makasama.
Ano ba talaga ang desisyon mo sa buhay, Delaney?!
"Oh, I see. Sipag naman natin. Keep it up!" She tapped my shoulder that made me smile again---plain. "And oh, you're the only one who got a perfect score on my long quiz yesterday. Congratulation, Delaney!" Imbes na matuwa sa sinabi niya ay kumunot ang noo ko at pabagsak na ibinaba ang librong hawak ko that caused noise.
"Quiet!" Sigaw ng librarian. I asked for apology.
"Hey, what's wrong? Did I said anything bad?" She sadly asked.
"No, Miss. I'm sorry. Just don't call Delaney, I hate it." I honestly said. Si Natalia lang pwedeng tumawag sa akin niyan.
"Oh. I'm sorry. Anyway, are you free this evening?"
"Yes, po. Why?"
"Let's have a dinner in my house. If it's okay with you?"
Nag-aalanganin man ay pumayag pa rin naman ako. Chance ko na 'to. 'Di ba gusto ko si Miss Celestine, kaya I'll grab this opportunity kaagad.
"That's great! I'll fetch you." She said and asked my condo address na ibinigay ko naman.