CHAPTER 23

2.1K 59 0
                                    

Delaney

It's been six month since the night I had dinner with Miss Celestine. And in that six month, wala pa ring ni anino ni Natalia. Kamusta na kaya siya? I hope she's doing well kung nasaan man siya ngayon.

Limang buwan ko na ring nililigawan si Miss Celestine. Worth it talaga yung panliligaw ko kasi we both have the same feelings. Dun na rin ako halos tumira sa bahay niya pero---walang nangyayari. I respect her. So much. Mabait naman ako kahit minsan masakit sa puson magpigil sa tuwing ang hot niya sa mga nighties na sinusuot niya.

She's literally a GODDESS!!!

Halos mapagkamalan na kaming kambal tukong dalawa dahil hindi kami mapaghiwalay. Madami na rin akong naririnig na chismis tungkol sa amin pero kinabukasan nawawala rin naman agad.

Napapaisip tuloy ako. Alam kong ginagawan agad ng paraan ni Tine pero hindi ko alam kung anong paraan ang ginagawa niya. Napaka-henyo ng mahal ko. Lol.

Madalas na din siyang nakakasama sa labas ng mga kaibigan ni Natalia. Syempre sinasama niya ako. Hindi nga kami mapaghiwalay 'di ba. Naging kaibigan na rin siya ng mga kaibigan ni Natalia. Syempre dahil yun kay Miss Khea. Kaya parati rin kaming damay ni Cash sa lakad nila.

Masaya rin ako dahil botong-boto sa akin ang mga kaibigan niya.

Nagkausap kami ni Miss Khea last time na tama daw itong ginawa ko, madaliin ko na daw na mapasagot si Tine. Ewan ko, pero parang may second meaning. Pero I didn't mind, nasosobrahan lang ata ako nun kaka-overthink.

Naglalakad-lakad na kami ngayon sa hallway, papuntang office niya. May solo office rin siya katulad ng mga kaibigan ni Natalia. Nalaman kong magpinsan pala sila ni Miss Khea. It makes sense.

Ganda talaga ng lahi nila parang gusto ko na rin tuloy magpalahi. Kayo ba?

Itong katabi ko walang imik simula pa kanina sa bahay niya. Kapag kinakausap ko siya tango lang at pilit na ngiti ang itutugon niya sa akin.

Feeling ko nagtatampo 'to, aalis kasi kami next week para sa Taekwondo League na gaganapin sa Celadon University. Isang linggo rin kami magsi-stay dun. Kaya matagal din kami hindi magkakasama.

Nakaupo na siya ngayon sa couch niya dito sa office niya. Mukhang malalim ang iniisip at wala man lang kaemo-emosiyon ang mukha niya.

Nakaka-bother 'pag ganito siya, yung walang imik at parang may pinagdedesisyunan na napakahirap.

"Mahal, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sabay upo sa tabi niya. Inilagay ko ang chin ko sa shoulders niya while hugging her on her waist.

"Yeah." It was plain na pagakakasabi niya.

"Mahal, are you going to reject my love for you?" I asked pouting.

I heard her gigled that made me smile.

She made me look at her, straight in her eyes. Madaming emosyon ang nasa mga mata niya ngayon, pero mas visible ang lungkot dito.

She cupped my cheeks and started speaking. I smiled

"Mahal, stop courting me na." My smile faded at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Naramdaman ko rin ang pag-init ng ilalim ng mga mata ko.

Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Gusto kong maiyak dahil ang sakit na ng mata ko kakapigil. Pero ng gusto ko namang kumawala ito hindi naman lumabas.

Gusto kong isigaw yung sakit kasi parang ginagapos ang dibdib ko ngayon na parang hinihigitan ako ng hininga.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now