Delaney
Nasa cafeteria ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Si Hailee na lang ang wala pa. May napapansin ako sa babaitang iyan, hindi na siya masyadong nakakasabay sa amin. Minsan kapag nagyayaya ang grupo mag-e-excuse siya dahil may importante daw siyang aasikasuhin. Napaka-invalid na kasi inuulit-ulit niya lang iyang rason palagi.
"Ano kayang pinagkakaabalahan ni Hailee nung vacation? Hindi na siya sumasama masyado sa atin ah?" Pat asked. Parehas pala kami ng iniisip.
"Oo nga." Gatong ni Reiz. "Cash?" Sila kasi ang mas malapit.
"I don't know either. Baka in love na ang kaibigan natin." Natatawang sambit nito. "I saw her last time kasi, she's with someone. Kumakain sila sa isang restaurant. She's smiling widely, kaso hindi ko maaninag ang babae e kasi agad akong hinila ni Cat."
"Babae?!" Sigaw ko na nakakuha ng atensiyon ng iba dito sa cafeteria. Nag-peace sign naman ako. Hihi, medj OA lang.
"So, she's gay like us?" Pat asked. Inamin na rin ng g*ga. Paano ba't patay na patay kay Miss Yvonne. Lol.
Dalawang taon na lang siya na ang mamamahala sa mga businesses nila abroad. I promised her na ako ang magbabantay kay Miss Yvonne. Pero hindi naman na talaga kailangan na bantayan iyang si Miss Yvonne dahil kahit maloko lang iyan minsan, patay na patay rin iyan kay Pat. Makapagdamot kasi minsan wagas e.
"Ewan. I am still not sure. Baka kasi kakilala lang niya yun. Baka lola niya yun e, mga baliw. Nakita ko kasi yung palda nakasayad pa sa sahig tas naka bun yung hair niya." Natatawang pahayag ni Cash.
"Tarantado! Pinagloloko mo kami e!" It was Reiz.
"Bobo, totoo. Ganun talaga yung nakita ko." Natatawa pa rin siya kaya hindi siya pinaniniwalaan e. Lol.
"Baka new found tita-friend niya." Natatawang sabi ni Reiz.
"O baka naman sugar mommy." We burst out laughing because of what Pat has said.
"Sinong sugar mommy?" Natigilan kaming apat when Hailee popped up from nowhere.
"Ikaw, may sugar mommy!" Malakas na sambit ni Pat na ikinalaki ng mga mata namin kaya binatukan namin siya isa-isa. Napadaing naman siya sa sakit.
"Bunganga mo walang filter." Mahinang saad ni Reiz na nasa tabi niya at kinurot pa siya sa legs.
"Mga ulol kayo. Ako pala pulutan niyo." Natatawang umupo ito sa tabi ni Cash. Nasa gitna kasi ako. Buti hindi siya nagalit? Pikonin kasi ang isang ito kaya nakakatakot asarin. Lol.
"Saan ka ba kasi nagsusuhot nung vacation at hindi ka sumasama sa lakad namin?" Tanong ni Reiz.
"Madami nga akong inaasikaso." Hailee defended.
"Like what?" I asked.
Sure akong may tinatago ito sa amin e. Napaka-mysterious ba naman ng taong 'to. Matagong tao kasi. Ta's ayaw niyang magkwento-kwento ng mga bagay-bagay.
"Restaurant ni Mommy. Ate's abroad kasi at dun siya magpapatayo ng restaurant niya kaya ako ang nag-aasikaso nung restaurant na siya dapat ang namamahala." She even rolled her eyes when she said yung sa last sentence.
Napatango-tango naman kami. O siya sige, naniniwala na kami. Valid naman pala. Hindi niya kasi sinasabi kung ano, syempre magtataka lang talaga kami.
Ilang minuto rin kaming nagkatuwaan dun. Hanggang sa mag-ring ang bell na hudyat ng unang klase ay nagsipuntahan na kami sa kaniya-kaniyang classrooms. Magka-block pa rin kami nina Cash at Hailee. Hindi na nga lang ni Pat.
Umupo kami sa bandang harap. Ako lang talaga sa aming lahat ay kayang humarap sa prof's namin kasi palagi akong nasa harap ng teacher's table na upuan umuupo.
I took off my phone dahil wala pa naman ang prof namin. I scrolled on my social media accounts and as usual, isang katirbang friend requests, messages, and notifications. I didn't mind it, wala naman akong makukuha dun, tsaka tinatamad akong i-check.
I was about to put my phone on my bag when I heard a familiar sound that's always making my heart beats rapidly. The familiar feelings in my body that only one person can do.
Rinig na rinig ko ang pag-slow mo ng tunog ng takong ng kung sino man iyan. Nagdadalawang-isip ako kung haharap ba ako?
Napakapabida-bida ko talaga, sana hindi na lang ako umupi dito sa harap. T*ngina!