CHAPTER 32

1.9K 50 3
                                    

Delaney

"Gagi, ba't hindi ka pumasok kanina sa pangalawang klase natin?" Cash curiously asked na nasa tabi ko na pala.

'Di ko man lang napansin dahil sa lalim ng iniisip ko. Iniisip ko kung tama bang sinabi ko iyon kay Natalia? Kakarating niya lang binara ko na naman. Nagi-guilty tuloy ako. Pero mabuti na rin iyon, atleat she's already aware sa nararamdaman ko.

"Zielle, are you okay?" Hailee asked worriedly. Nasa tapat namin siya nakaupo.

"Yeah." Walang emosyon kong sagot.

"Laki ata ng problema natin ah? Nag-away ba kayo ni Miss Tine?" Suddenly, Pat popped up from the picture.

Umiling lang ako habang ang paningin ay nasa baba pa rin. I wanna rest my mind. I'm emotionally tired. Gusto ko munang mag-time freeze sa iniisip ko pero hindi ko naman magawa.

"Then why do you look like pinagsakluban ng langit at lupa?" Reiz asked.

Kumpleto na naman pala ang barkada. Kanina pa ako nakatambay dito sa cafeteria after nung nangyari sa room kanina ay dito agad ako dumiretso. Ewan ko kung bakit nila nalaman na nandito ako. Gusto ko sana sa library tumambay pero walang bakante sa loob. I have no choice, kaya dito na lang ako nag-emote. Ayaw ko rin naman sa office ni Tine, baka tanungin lang ako kung bakit. Hindi pa naman ako tatantanan nun hangga't walang may nakukuhang sagot.

Nagpapakalasing na lang muna ako sa softdrinks ngayon. Tine don't let me drink kasi e. Pinapagalitan niya ako. Okay na rin, hindi rin naman siya umiinom kaya fair.

"You know we always got your back Zielle, right?" Pat said sincerely. I can feel it.

Iniangat ko naman ang ulo ko sabay ngiti sa kanila ng matamis. Ayaw kong umiyak sa public places pero ngayon hindi ko na mapipigilan e. They're pittying me. Sinong hindi tuluyang maiiyak nito?

They let me cry on their shoulders. Ewan ko basta ang bigat ng loob ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naninibago ako sa emosyong nararamdaman ko ngayon.

Tuluyan na akong nawala sa mood hanggang sa natapos ang classes ko this morning. Hindi naman nakakapagod dahil wala naman kaming ginawa masyado. As usual, introduce yourselves lang naman ganun. Yung iba naman naming professors ay nag-chika pa ng ganap sa life niya, kung ano yung ginawa nila nung vacation, at bakit nila napiling magturo bilang propesor.

Lunch break na and as usual, papunta ako sa office ni Tine. She already texted me na sabay na kaming mag-lunch at nakabili na siya ng pagkain. Kakain sana kami sa labas kaso madami daw siyang tatapusin kaya doon na lang kami kakain sa office niya.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad without greeting anyone back na nakakasalubong ako. Talagang wala lang ako sa mood ko. Pagpasensyahan niyo na. Menopausal na e, charot!

Nang makarating ako sa office niya ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin bagkus nakatutok lang ito sa laptop niya. Pumunta naman ako sa likod para tumingin sa ginagawa niya, madami nga. Mga reports ata na kailangan niyang ipasa kaagad kay Miss Bea. Urgent daw.

Ako na ang naghain ng pagkain namin. Huminto rin naman siya sa ginagawa niya ng matapos akong maghain. We had little chitchats at ngayon balik trabaho naman siya. Kawawa naman ang mahal ko, first day na first day lubog agad sa trabaho.

Lumapit ako sa kaniya and hugged her from her back. Ramdam kong ngumiti siya at hinaplos ang kamay kong nakahawak sa waist niya while my chin are on her shoulders.

"Stay like that, mahal." Malambing na sabi niya na ikinangiti ko.

"As you wish, my lady." Pumikit ako habang nakaganun pa rin ang posisyon namin. Dinadama ang pagkakahawak niya ng kamay ko at inaaamoy ang mabango niyang amoy.

Inilapit ko ang ilong ko sa leeg niya at sininghot-singhot iyon. Shemay talaga! Nakakaadik ang amoy niya, parang gusto ko tuloy sipsipin iyon. Kaya inilapit ko ang ilong ko ng may panggigigil.

"Hey," natatawang tawag niya sa akin. "That tickles." And she giggles that I find it so cute.

Hinalik-halikan ko nalang iyon hanggang sa nag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang unang klase sa hapon. Agad naman akong nagpaalam siya kaniya and kissed her on her forehead, down to her nose, and to her lips---it was just a peck.

Ngiting-ngiti akong bumaba ng elevator at tinahak ang classroom namin. Siya lang talaga ang gamot ko para maging okay ulit. Siya lang.

Even by just her presence, it gives me comfort.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now