CHAPTER 45

1.5K 42 1
                                    

Delaney

Gabi na at wala pa rin akong kaalam-alam kung bakit isinugod sa ospital si Tine. Nababaliw na ako kakaisip kung ano ba talagang nangyari sa kaniya. Hindi rin ako nakapag-tanong ulit dahil umuwi muna ang magkapatid para kumuha ng damit nila. Si Miss Natalia naman ang nag-presentang kukuha na rin ng mga gamit ko. Kaya mag-isa akong nagbabantay dito.

Kanina pa ako dasal ng dasal. Natataranta pa rin ako. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko. Parang gusto ng sumabog nitong ulo ko kakaisip ng kung ano-ano. Napakadaming tubo ang nakakabit sa buong katawan niya.

Hawak-hawak ko ngayon ang mga kamay niya. Gently squeezing it at hinahalik-halikan. Feeling ko namamaga na rin ang mata ko dahil kanina pa ako iyak ng iyak.

Hindi ko rin nagugustuhan ang mga pumapasok sa isipan ko. Please God, don't take away this woman from me. Hindi ko kakayanin. Kung may kukunin man kayo, pwedeng ako na lang.

Bukas daw ay uuwi na dito sa Pilipinas ang parents niya. Kinakabahan akong ewan. Nakakausap ko rin naman sila through skype, and they're nice naman. Kaso ewan, basta kinakabahan ako.

Tanggap din ng parents niya ang relationship namin and alam niyo? Her parents me are calling me 'anak'. And that melts my heart.

"Mahal, let's fight ha? I know you are strong. Don't leave me hanging here, hindi ko kakayanin. Kung hindi din lang naman ikaw ay huwag na lang. I'll be waiting for you, mahal. I love you 8-times-day. Because just like water, you're that important for me to live."

Nagulat ako when her fingers move. Natuwa naman ako.

"Mahal, move your fingers again if you will not leave me, please." Naiiyak na saad ko. And for the second time, she moved her fingers. Nakangiting hinalikan ko ito sa noo at may bumagsak pa doong luha na pinahiran ko kaagad.

Pero ganun na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng mag-flatline ito. Kumaripas ako ng takbo upang tumawag ng doktor. Buti ay agad akong narinig nila at dali-dali kaming bumalik sa kwarto ni Tine.

I had no choice but to leave kanina. May makarinig ba sa akin kung magsisisigaw lang ako mula sa loob.

Nire-revive siya ngayon ng doktor ay parang hihiwalay na ang kaluluwa ko dahil sa kaba at takot. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at agad na tinawagan si Miss Khea. T*ngina nanginginig na ako. Buti ay naitawid ko ang pagtawag sa kaniya.

[Hello, Zielle? We're on our way. Kamusta s---]

"N-nire-r-revive p-po siya n-nga-ayon, Miss. C-come quic-ck, p-pleas-se..." Nahihirapang sambit ko at agad na ibinaba ang tawag. Mahigpit ang pagkakakit ko sa phone ko na parang doon nakasalalay ang buhay ko. Iyak ng iyak lang akong nakatayo dito sa gilid habang pinapanood ang babaeng mahal ko na nag-aagaw buhay.

"Please Lord, owe me t-this one." Naiiyak na bulong ko. "F-fight, mahal. P-please..." Parang kinakapusan na ako ng hangin. Parang anytime matutumba na lang ako sa sobrang iyak.

I felt my toes getting weak. Na parang matutumba na lang ako dahil sa sobrang nerbyos. My sight is starting to get blurry. Sapo-sapo ngayon ang aking ulo sapagkat parang may pumipitik doon, at ang sakit.

Minutes had passed, nire-revive pa rin si Tine. I can her the doctor and nurses talking pero hindi na malinaw sa aking pandinig. Nilinga-linga ko ang aking mata ay pilit pinapakalma ang sarili. Pigil na pigil 'wag mawalan ng malay dahil baka pagbukas ko ng aking mata wala na ang mahal ko.

Hindi pwede iyon! Hindi maaari! Hindi ako papayag!

Ngunit hindi nakiayon sa akin ang aking katawan. I felt my toes getting weaker and weaker. At siya ring pagbigat ng ulo't talukip ng aking mga mata. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang aking katawang pabagsak.

Ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay naramdaman ko pa ang mainit na mga bisig na sumalo sa akin---ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito. Basta ang sigurado ako, I felt safe and secured.

𝑭𝒐𝒓𝒃𝒊𝒅𝒅𝒆𝒏 𝑳𝒐𝒗𝒆 (𝙷𝚒𝚕𝚕𝚝𝚘𝚗 𝚄𝚗𝚒𝚟𝚎𝚛𝚜𝚒𝚝𝚢 #𝟷) Where stories live. Discover now