MY LAST LOVE

5 1 0
                                    

May forever nga ba? Oo, wala, iwan. Hindi ko alam, pero base sa karanasan ko? Hindi na siguro ako maniniwala sa forever na 'yan.

Naranasan mo na bang makalapit sa forever pero pag lingon mo nawala nalang ng parang bula?

Sakin kasi, Oo. Yes, naranasan ko na yan yung tipong yakap yakap mo na yung forever at isang hakbang nalang kaso... hindi ako nasama sa kanyang hangganan.

Hindi nya ako forever, kasi meron na syang bagong forever at ako dito nag hihintay kung may pagasa pa bang makapunta ako doon.

Kung tatanongin nyong nasaan ang forever ko? Wala sya, he cheated. Alam kong pareho kaming may pag kukulang sa isa't isa pero hindi ko inaasahan na hahantong sa ganitong hiwalayan.

Sa mga panahong yun lugmok na lugmok ako at hindi ko alam kong saan ako mag o-open up.

Wala akong naging karamay, dahil ang kaisa-isang taong nandito palagi sa tabi ko ay iniwan naman ako. Sya nalang ang meron ako pero nag laho nalang ng parang bula.

Simula ng mag luko sya hindi na sya nag papakita sakin, walang closure o ano.

Tanggap ko naman sana kong sa kanya nang galing mismo na nag luko sya at makipag break pero sa kanyang kabit ko pa nalaman. Worst? Best friend ko, tibay ano?

Best friend ko na inahas ang Boyfriend ko. Nakakatawa lang isipin na ang sweet sweet nyo sa harap ng kaibigan mo pero pag talikod mo pala sila naman.

Totoo nga pala ang sinasabi nila na;not every story has a happy ending.

Palagi kong dinadasal na sana meron ring forever para saming nasasaktan ng damdamin!

Pano nila nagawa na saktan kami e samantalang nag mamahal lang naman kami! Hindi ba nila kayang suklian yun? Ito ba talaga yung tadhana na nalalaan para samin? Pero bakit naman ito pa? napapaisip rin ako na hindi naman pala kami masasaktan kong walang mananakit.

Sila yung problema e! Mananakit ng damdamin, palibhasa laruan kalang para sa kanila. Hindi marunong mag seryuso sa buhay.

Well, sila naman kawawa sa huli hindi lang kami. Dahil dadating at dadating ang karma.

Kung ano ang ginawa nila samin yun din ang babalik sa kanila at doble pa.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY LAST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon