Hindi ko alam kung ba't nangyayari ang lahat ng ito sakin,buong buhay ko hindi ako gumawa ng masama,pero bakit ganto?Anong kasalanan ko?Anong ginawa ko?.
Ang daming taong makasalanan pero bakit yung tulad ko?bakit yung tulad ko pang walang hinangad kundi ang kasiyahan,gusto ko lang mamuhay ng maayos,mamuhay kasama ang pamilya,makapag tapos,matupad ang pangarap..pero bakit ganito ang 'binigay sakin?binuhay lang ba ako para ipakita sakin kung gaano kalupit ang mga tao,na kahit sarili mong pamilya nagagawa kang saktan, pagtabuyan.
Ginawa ko lahat,kinaya ko lahat,pero ang lupit ng mundo sakin..ganito nalang ba palagi?
Gusto ko ng mawala,i don't wanna live like this.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa posisyon ko ngayon,ngunit unti-unti kong nararamdaman yung nararamdaman ni Papa nung matutukan sya ng baril,yung takot sa buong katawan,panginginig,maiisip na ganito naba talaga matatapos ang buhay ko?na hindi pa naranasan ang sumaya ng walang binabawi na lungkot.
"Ibigay mo nalang samin yan Miss.." Sambit ng isa,hindi ko alam ang gagawin ko nanatili lang akong tulala,habang ang mga luha ko ay unti-unting lumalandas sa muka ko.
H-hinihintay ako pa ako ni Tita Lira..
Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita,"K-kuya..hindi..pwede,ma..may pupuntahan papo ako..ka-kailangan papo ako ng Tita ko pleaseee po,i-iniintay papo..nya ako--,"Hindi na natapos ang sasabihin ko ng sampalin ako nung lalaking tumutok sakin ng baril,sa sobrang lakas nito ay napa-upo ako kasabay nun ang pagkuha nila sa bag ko..matapos nilang makuha ang nais nila ay dun na silang tuluyang umalis.
Nanatili parin akong nakaupo at pinipilit na ipasok sa isip kona,hindi totoo ang lahat ng nangyayari sakin ngayon,paulit-ulit akong umiling na parang konti nalang mababaliw na dahil sa nangyayari ngayon sakin.
Iyak lang ako ng iyak dito sa kalsada hanggang sa may tumunog sa kamay ko,napangiti naman ako ng mapait dahil hindi pala nila nadala ang phone ko..nang makita kong tumatawag si Mimina ay pinilit kong ngumiti at maging masaya habang kausap ko sya.
(Vien,nasan ka?narinig ko ang nangyari sa Company ng Fellowes,bwisit talaga na Stacy na yun!Kulang paba yung sampal ko sakanya?gusto ba nya mag-asawang sampal na may kasamang kabit.)
Agad naman akong napangiti dahil sobrang swerte ko sa kaibigan ko,na kahit busy nagagawa parin akong kamustahin.
"Pauwi na ako." Tipid na sambit ko,dahil pati ang lalamunan ko ngayon ay nanginginig at ayokong mahalata 'yon ni Mimina.
(Andito lang ako Vien okay?Dito lang ako sa tabi mo..pag kailangan moko andito lang ako,laban mo laban ko din.I love you always Vien.)
Matapos sabihin ni Jasmine yun ay panandaliang gumaan ang pakiramdam ko pero yung mga nasa isip ko ngayon ay unti-unti nila akong nilalamon.
"A-ate Vien.." Agad kong pinunsan ang mga luha ko dahil sa gulat na biglaang sulpot ni Cassy ngayon,ngumiti muna ako ng malapad bago ako humarap sa tumawag sakin.
"Ca..cassy!Anong ginagawa mo dito? Umuwi kana delekado dito,wag ng matigas ang ulo." Pagtataboy ko sakanya,palinga-linga lang ako sa paligid dahil baka bumalik ang mga snatcher na yun dito at baka mapahamak pa si Cassy.
"I'm... i'm sorryyy.." Sabay hagulgol nya sa harap ko,agad ko naman syang hinawakan sa kamay dahil sa pagtataka.
"Why?may nangyari ba?bakit ka nag s-sorry?Cassy.." Nag-aalala kong tanong,agad naman syang tumingin sakin,at pinunasan ang mga luha nya pero kahit anong pawi nito ay hindi parin ito tumitigil sa pag-agos.
"Bakit ba ganyan ka!Bakit kung kumilos ka parang walang nangyari!bakit ba ang bait-bait mo Ate Vien?!Alam mo ba dahil jan sa kabaitan mo inaabuso kana!hindi mo alam yung mga nasa paligid mo niloloko kana...a..ate Vien,niloloko kana nina Kuya Neil at Astrid!Narinig mo ba yun?!Niloloko ka nila!hindi mo yun alam dahil binubulag ka ng kapatid mo.." Sigaw na sambit ni Cassy,nanatili lang akong nakatingin kay Cassy na parang hindi parin pumapasok sa isip ko ang mga sinabi nya.
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
Roman d'amourThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...