"wag sa mahal, hindi ako kasing yaman mo"
Bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Dlane dahil sa sinabi ko. Mabuti na yung malinaw kasi baka maubusan ako ng pera.
"I know some place, it's just that you might not like it" nasa daan ang atensyon niya habang nagmamaneho dahil baka mabangga kami.
"saan? Mura lang?" sinulyapan niya ako saglit at tumango. "doon tayo"
"it's in my house, I can...cook for you" tumikhim pa siya na parang nahihiya.
"marunong ka magluto?" mangha ko siyang hinarap dahil kung titignan mo siya, parang wala siyang ibang alam gawin.
"a bit" nagiwas ulit siya ng tingin at namula yung tenga.
"doon tayo, ikaw naman magluluto eh" isinandal ko sa bintana ang ulo ko at sinulyapan siya.
The whole ride wasn't quite. Nakiconnect kasi ako sa bluetooth ng sasakyan niya at nagpatugtog ng kung anong kanta. Hindi naman siya nagreklamo kahit ang ingay ko kakasabay sa kanta.
Nung malapit na kami sa bahay niya ay nagdisconnect nako. Nauna pa siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.
"what do you want to eat?" papasok pa kami ng bahay niya pero nagtanong na siya kung anong gusto ko.
"chicken curry" tumango siya sakin at bahagyang ngumiti.
Dumiritso kami sa kusina at umupo lang ako habang pinapanood siya. Nagsuot siya ng apron bago kunin yung mga ingredients.
Inuna niya pang kunin yung manok sa fridge niya at pinatunaw kase tumigas. Naghiwa narin ng mga sangkap habang nanonood lang ako. Parang live cooking show lang.
"sino nagturong magluto sayo?" nakapatong ang ulo ko sa palad ko habang nanonoid sa kanya maghiwa.
"Marcus, he's a restaurant owner and a chef" napa'oh' naman agad ako at tumango-tango.
"ikaw lang mag-isa dito? Yung parents mo?" nilibot ko pa yung pangingin ko sa buong bahay dahil sobrang tahimik. Sabagay magaala sais pa naman ng umaga.
"yeah, I separated myself from them when I was 25. I kust thought of living alone" tumango-tango ulit ako dahil wala nang masabi. At least napagsalita ko siya, yun na yun.
Nakatalikod na siya sakin ngayon at hinahalo na yung niluluto niya. Ngayon ko lang napansin pero ang ganda pala ng balikat niya.
Nakaputing hoodie pa siya at itim na slacks. Para siyang college student na nagsusuot ng hoodie tuwing umuulan. Para rin siyang batang masakitin at madaling lamigin.
"it's done, come and taste it" lumapit naman agad ako sa kanya at tinikman yung luto niya.
Mainit pa at umuusok a pero ang sarap. Nagthumbs up pako sa kanya at ngumiti naman siya bago kumuha ng bowl at trinansfer yung curry doon.
"kanin, gusto ko ng kanin" paupo na sana as iya sa harap ko pero nag request pako ng kanin.
"wait here" kagat ko pa yung kutsara habang naghihintay sa kanya makakuha ng kanin. "here" naglapag siya ng isang maliit ng bowl ng kanin sa harap ko na agad kong kinain.
First time ko lang ata kumain sa ibang bahay. Si Imye lang naman kasi ang kaibigan ko at hindi naman ako palagala.
Halos ako lang ata umubos ng isang bowl dahil pakunti-kunti lang yung kain niya. Tingin pa siya ng tingin sakin na parang labas sa louob niyang pinakain niya ko dito.
"you eat so well" nagpunas siya sa gilid ng labi niya habang nakangiti sakin.
"gutom ako eh" napupunas rin ako ng labi at nagkibit balikat. "almusal ko na yun"
Nagalok akong ako na maghuhugas pero ayaw niya. Kunti lang naman yung kaya nakipagaway ako, sa huli ay asko rin naman nanalo. Siya na nga yung nagluto, siya pa yung maghuhugas.
It's a no no!
"wanna go home now?" nakahalukipkip siya at nakasandal sa sa fridge habang nagpupunas ako ng kamay.
Tinignan ko yung relo ko at alas sais imedya na pala. "oum, wala pakong tulog eh"
Umayos siya ng tayo at hinintay akong makuha yung bag ko bago kami sabay na lumabas. Pinagbuksan niya pako ng sasakyan.
"seatbelt" sinulyapan ko siya bago kinabit yung seatbelt ko nang nakangiti.
"you can open the window if you want" sumulyap siya sakin saglit bago binalik yung tingin sa daan.
Inopen ko naman agad yung bintana at pinatong ulo ko doon. May mga estudyante pa kaming nadadaanan at mga taong papasok sa trabaho.
May mga bata din na naglalaro sa tabi ng kalsada. May iba namang kasama yung mama nila para ihatid sila sa school, bagay na kahit kailan hindi ko naranasan.
"ang swerte niyo" malungkot akong ngumiti at ngumuso.
Umayos lang ako ng upo nang malapit na kami sa apartment ko. May nadaanan pa kaming PLDT na nagko-connect ng internet.
"we're here" sumulyap ako sa labas at nandito na nga kami. Tinanggal ko na yung seatbekt at nilingon si Dlane para magpaalam.
"salamat sa kanina" ngumiti ako sa kanya na sinuklian niya rin ng ngiti.
"you're welcome" maliit siyang ngumiti sakin kaya kumaway nako at bababa nasana nang may maalala.
"yung trabahong inalok mo, wag mong babawiin yun ah?" unti-unti lumaki ang ngiti niya habang nakatitig sakin. "baka mag-apply ako"
Ngayon lang ata kumapal ang mukha ko...
AN: thank you po sa votes at sa pagbabasa! Sobrang thank you po!

YOU ARE READING
Mi Gustas
Romansa'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...