At after nung araw na yun eh madalas ko nang nakakasama si Gab kumain. Actually si Yexel ang nag-aaya sa akin at siya lang naman ang kausap ko. Ang weird ng mga kinikilos nina Adrienne, Jason at Gab pag kasama ko sila sa pagkain. Parang iba sila pag sila lang talaga ang kasama ko.
"Jason!" tawag ko kay Jason nung nakita ko siya. Nakaupo ako dito sa bench na nakaharap sa garden kung saan 'KAMI' madalas kumakain ng lunch.
Papalapit na si Jason sa akin so kumaway na ako at ngumiti pero nagulat ako nang daanan na lang niya ako.
"Huh?" yan na lang nasabi ko. Bastos yung si Jason ah. Di ako pinansin.
"Jason!" hinabol ko naman siya. I know. Ang kulit ko. Eh kung sa wala akong magawa eh. Hindi ko naman mahanap si Gab at si Juli naman eh busy sa investigatory project nila.
Dumiretso siya sa music room. Mukhang busy. Di alam kung ano ang gagawin.
"Jason! Ano bang problema mo diyan?" tanong ko. Napatingin lang siya sa akin sabay ayos ulit ng mga papel. Yung mga papel na yun ata eh mga chords ng mga kanta. Ewan ko lang.
Naku. Naawa na ako sa kaibigan kong ito. Nilapitan ko na at hinawakan yung braso. Pero tinanggal niya lang.
"Wait lang Vera ha" sabi niya pagkatapos eh balik ulit sa ginagawa niya.
"Ayun!" then kinuha niya yung isang music sheet at yung guitar niya.
Nagstrum siya, nagpluck. Parang inaaral pa lang niya yung kanta. Bukod sa na curious ako eh naaawa na talaga ako sa kaibigan ako. First time kong makita si Jason na kinakabahan na hindi alam ang gagawin.
Nilapitan ko siya at tiningnan yung kanta. Nagulat naman ako dahil hindi niya pa alam yun eh sikat yung kantang yun.
"Hindi mo alam yang kantang yan?" tanong ko habang nakaturo sa music sheet.
"Hindi eh. Ugh. Mali" sabi niya habang nagsstrum.
"Hayy" yan na lang nasabi ko. Kumuha pa ako ng isang guitar at nagsimulang magstrum.
It's been a long and winding journey, but I'm finally here tonight
Picking up the pieces, and walking back into the light
Into the sunset of your glory, where my heart and future lies
There's nothing like that feeling, when i look into your eyes...
Ito ang isa sa pinakagusto kong kanta. Nung time na hinalikan ako ni Gab. Though sa pisngi eh first kiss na ang turing ko dun. Ang bata ko pa kaya nun.
My dreams came true, when i found you
I found you, my miracle...
Ito yung kantang pinapatugtog sa classroom namin. Asar na asar pa nga ako sa kanya nung time na yun eh. Ang lakas ng apog. Ang yabang! Hinalikan pa ako. Pero yun na pala ang simula.
If you could see, what i see, that you're the answer to my prayers
And if you could feel, the tenderness i feel
You would know, it would be clear, that angels brought me here...
Ang simula na mamahalin ko siya ng ganito. At kahit na kinalimutan ko na ang pride ko para sa kanya. Sana subukan niya man lang akong pansinin. Subukan man lang niya akong tingnan. Baka sakali lang... Baka lang. Baka magkaroon ng pag-asa.
Standing here before you, feels like i've been born again
Every breath is your love, every heartbeat speaks your name...

BINABASA MO ANG
Pinakadakilang Tanga
RomancePag-ibig na handa kang magpakatanga kahit na ilang taon pa. Pero hanggang saan ang kayang tiisin ng pusong ilang beses ng sinugatan?