Chapter 1

10 6 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
     CHAPTER 1     
╚════════════. .✯ .  ╝

"Nandito si France, Elise"

Tumitingin naman ako sa tinuturo ni ina at nakita ko doon si France na papalapit dito sa pwesto namin. Medyo kinakabahan ako dahil siguradong alam na niya na ipapakasal siya sakin

Bahagyang naka kunot ang kanyang mga kilay na normal na sa kanya. Kung si duke Thomas ay seryoso lagi na mas lalong ikinakatakot ng iba dahil sa masama nitong ugali

Si France naman ay parang laging galit sa buhay, pero mas lalo naman niya iyong ikina-gwapo. Tama, may pag tingin ako sa kanya kahit matanda na siya

Baka nga bago kami ikasal ay patay na siya at habang buhay na niya ako iiwan. Sasama nalang ako sa kanya kung ganon, nag sumpaan kayo sa isa't-isa na hanggang kamatayan ang pag mamahal niyo. Kaya sumunod ka sa kanya kung 'di ay nag taksil ka

"Magandang hapon, mahal na reyna" Yumuko naman siya para mag bigay galang kay ina habang ako ay pinapanood ang bawat kilos niya

Umangat naman ang ulo niya at doon niya lang ako tinignan. Halos lumabas ang puso ko sa sobrang tibok nito, ang sabi nila ay love daw ito. Totoo ba yun? Pero sampong taong gulang palang ako

"At sa iyo rin munting prinsesa" Tumango naman ako at humawak sa kasuotan ni ina. Naka ramdam ako ng hiya sa harap niya

"Ano ang kailangan mo France? Bakit ka napa bisita?" Tumitig naman ako ng sobra sa kanya. Gusto ko ding malaman kung bakit siya napa rito, kakausapin niya ba ako? Tama na ang pag pipiling Elise

"Gusto ko lang po makita ang prinsipe Xaeious" Si kuya ang hinahanap niya? Bakit? Ano ang kailangan niya kay kuya? Gusto ko malaman ang gusto niyang gawin o nasa isip. Ganito ko naba siya kagusto?

"Ang alam ko ay nasa pag sasanay sila pwede mo siya puntahan" Sagot naman ni ina kaya tumango si France. Bakit hindi ka tumitingin sakin? Ayaw mo ba ako masilayan?

Mag sasalita naman na dapat siya ngunit may narinig kaming iyak ng batang babae. Agad ko naman iyon napimilyaran kay Haley iyon galing

Nakita naman namin si Kard na buhat buhat ang sanggol na si Haley. Kasunod niya naman si Taylor na masama ang tingin kay Kard, ang mga pasaway kong kapatid

"Ano ang nangyare? Kard diba sinabi ko sayo ay bawal mo buhatin si Haley at baka mahulog" Lumakad naman si ina palapit sa kanila at binuhat ang umiiyak na si Haley

"Ngunit ina ayuko na po mag bantay" Naka ngusong sabi ni Kard, siya kasi ang pina bantay sa crib ni Haley. Wala si ama dahil umalis sila ni duke Thomas at pumunta sa Pespa

"Sige pwede na kayo mag laro basta ay mag ingat kayo. Wag kayo masyadong makulit" Pangarap sa kanila ni ina at nag tanguan sila

Lumingon naman ako kay France at agad na naba hala nang mag lakad ito patalikod. Hindi ako papayag na hindi kami mag usap ayuko pa siyang umalis

"Masama tumalikod hangga't hindi nag papaalam sa reyna. Bastos ang tawag doon" Tumigil naman siya sa pag lalakad nang marinig ang sinabi ko

Lumingon naman siya sakin na matalim ang tingin. Naka ramdama ako ng takot pero hindi ko nalang iyon pinansin, alam kong hindi niya ako sasaktan. Sana nga

"Pero may ginagawa ang mahal na reyna mas nakaka bastos iyon. Kaya pwede nako umalis" Matigas nitong sabi at nag lakad na ulit paalis. Hindi naman ako sumagot at sumunod nalang sa kanya

Masyado siyang mabilis mag lakad dahil sa mahahaba niyang binti. Mas dinoblehan ko din ang bilis ko kahit na hindi mahaba ang binti ko

Ayos lang na nahuhuli ako basta ay hindi siya mawawala sa paningin ko. Gusto ko siyang makita kahit na hindi na sa malayo sapat na iyon sakin

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon