"Oy teh kamusta ka naman jan?" Tanung sa akin ni Ahlmia close friend ko dito sa school
"Ok lang naman teh" Sagot ko
"Ganyan na pala ang lagay ng Taong Okay ngaun.. wala ka emosyon- emosyon" Sabi sa akin ni Ahlmia na bakat na bakat sa tono ng boses nya na hindi nya gustuhan yung sinabi ko
Bigla akong Humarap sa kanya at todong ngiti at binati ko ulit sya..
"Tss.. Pangit mo Monica"
"Di ikaw na ang maganda" Sagot ko sa kanya
"Talaga!!" Tss itong babaeng ito hindi talaga nag papatalo kahit kanino
Bigla na lang sya lumapit sa akin at niyugyog ako..
"AHLMMMMIIIAAAAAAAA masakit sa Ulooooooo" Bigla nya na lang ako inalog na parang alakansyan na hindi makuha yung nag huhuling coins sa luob nito.
"Anu ba ang problema mo?" Tanung sa akin ni Ahlmia
Isa lang naman ang problema ko..
****
"Class paki sulat na ang pangalan nyo kung sino ang sasama sa Ilocos Tour "
****
Nakaka inis kasi bakit ngaun buwan na ito ang Ilocos Tour namin sabay sa bayaran ng Kung anu ano dito sa School. Naka usap ko na sila mama at papa at hindi sila pumayag dahil wala daw kaming sapat na pera. At may tour din kasi yung nakakabata kung kapatid.
"Ahlmia gusto kung sumama" TT___TT
"Ah eh! Monica hindi kita kayang ilibre pero gagawa tayo ng paraan para makasama ka. Alam ko naman ang dahilan mo kaya gusto mo makasama sa Ilocos dahil kay Miguel nuh" Sabi sa akin ni Ahlmia
Actually ganito kasi yun.. Ahmm.. anu kasi.. Ah.. Oo nga Dahil kay Miguel kaya gusto ko sumama sa Ilocos Tour..
"Ahlmia tulungan mo ako gusto mo talagang sumama. alam mo na para mabantayan ko si Miguel sa mga hitad" Sabay tingin ko dun sa gawaing kanan kung nasan ang mga hitad na kasulukuyang nilalandi ang aking Miguel.
"Oo sa abot ng kakayanin ko" Sabi ni Ahlmia at sabay ngiti.
"Salamat ha"
****
Ilang araw ng nakakalipas pero mukhang wala na ata kong pag asang makasama sa Iloco Tour at ito nasa harapan namin yung prof namin at hawak hawak ang listahan ng mga estudyante na kasama sa Ilocos Tour.
"Okay Everybody hawak ko na yung list ng mga student ng sasama sa Tour at sasabihin ko na rin sino ang magiging kasama nyo sa Room sa Hotel na pag stayan natin sa Ilocos.."