KABANATA 15

17 4 0
                                    

Allana

Maaga akong umalis sa bahay ni Calyx. Mahimbing ang tulog nito kaya tahimik at patago akong umalis.

Nakarating ako ng bahay at rinig ko ang mahinang pagtatalo nina Mama at Tito Lloyd.

"Ano iyong sinasabi ni Allana?" Mahinang tanong ni mama kay tito.

Napataas ang sulok ng labi ko. Men are so hideous. Full of lies.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Allana!" Mahinang depensa ni Tito.

"Hindi ko kayang masaktan ang anak ko ngunit nagawa ko ang bagay na iyon dahil mahal kita. Masakit sa aking damdamin na napagbuhatan ko ng kamay ang aking anak!" Ramdam ko ang sakit sa tono ni mama. Nasaktan ako dahil sa kauna-unahang nagawa iyon ni mama sa akin. Nabigla lang talaga si mama kaya nagkaganoon ang pangyayari.

Papasok na sana ako nang makakita ako ng pamilyar na rebulto.

"Tita, wala pong ibang babae si dad bukod sa inyong dalawa ni Allana." Pangungumbinsi ng isang dalagang babae na kasing-edad ko.

Ito ang nakita kong kasama ni tito. Dahil sa kuryusidad, tinuloy ko ang pagpasok sa bahay.

"Alam ko. May tiwala naman ako sa daddy mo pero mas naniniwala ako sa anak--"

"Ma." Ani ko na ikinalingon nilang tatlo.

Nakita ko ang mukha ng dalaga. Daig pa ng kaputi-an nito ang maputi kong stuff toy. Namumula pula ang matangos nitong ilong, mahahaba ang pilikmata nito, namumula mula rin ang mga sulok na parte ng katawan nito. Bagsak ang mahabang blonde na buhok nito. In short, maganda at hot.

Nagtama ang tingin namin ng babaeng ito.

"A-anak..?" Nanginginig na sambit ni mama at nilapitan ako.

Mapait akong ngumiti at mapungay kong pinantayan ang titig ni Tito Lloyd.

"Allana.." Mahinang pagkasambit ni Tito sa aking pangalan."Mabuti't ligtas ka." May pagkabuhay na saad nito.

Umupo kami nila mama upang makapag usap tungkol sa nasabi ko noong isang gabi. Sinundan ko ng tingin ang babae.

"Anak, nag alala ako sayo kasi baka napaano ka." May pangangamba sa tono nito.

Tumikhim ako at lumapit kay mama at sabay hinawakan ang magkabilang palapulsuhan nito.

Ba't ako magagalit kay mama kung simula palang ako talaga ang may atraso dito dahil akala ko nagloko si tito. "I'm okay, ma. Wala naman akong tinanim na galit sa inyo." Malumanay kong saad.

"Salamat, anak." Sambit ni mama tsaka ako niyakap.

Nakikiramdam lang si tito at ang anak nito sa bawat galaw namin ni mama. Kumalas ako ng yakap at bumaling kina tito at sa katabi nito.





"What?! Anak niyo po yan, Tito?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tito sabay ng pamula ng aking pisngi.

Nakaramdam ako ng kahihiyan nang mapagtanto ko ang aking ginawa dahil sa mailing akala. Narinig ko ang walang hinto nilang tawa na kinapula ng aking pisngi.

Natawa nalang ako.

"This is Stella, my daughter." Paliwanag ni Tito Lloyd.

Nagkatitigan kami ni Stella at nag ngitian.

"I'm Stella." Saad nito ng nakangiti.

Nakipag shake hands ito sa akin.

"I'm Alla Montenegro." Ani ko.

Narinig ko ang kumpol na halikhik ni Tito at mama.

Bigla ako nakaramdam ng pagtatampo. "Mama naman-"

"Allana!"

Napalingon kaming lahat sa sumigaw ng aking pangalan. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na sina Marco, Catherine, at Elle iyon.

Dali dali silang lumapit at niyakap ako.

"I thought may nangyari ng masama sayo dahil tita said you make layas layas!" Naiiyak na Saad ni Ellaine.

Dali dali namang kumalas si Catherine. "You're so stupid!" Naluluhang saad nito.

Mahinang natawa si Marco. "Napaka overthinker mo naman pala, Allana. Sobra sobra kaming nag aalala sayo. Hindi ka man lang namin ma contact." May halong inis at pangamba sa tono ni Marco.

"Lowbat kasi yung cellphone ko..." Mahinang sambit ko sabay kamot sa batok.

Nagtawanan ang mga ito ngunit nawala rin ang tawanang iyon noong nag iba ang timpla ng mukha ng mga ito.

Nakatitig sila sa isang direksiyon na ikinakunot ng aking noo at sinundan iyon. Stella.

Nakita ko ang munting paglunok ni Stella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Starting Over Again #DelMoCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon