09

90 16 1
                                    

"san ka galing?"



Nagbubukas ng pintuan si Imye nang madaanan ko. Hapon na at kakagising ko lang. Lumabas lang ako para bumili ng pads sa malapit na convenience store.



"ahh may lakad lang" binuksan niya agad ang pintuan ng apartment niya at agad pumasok.




"punta ka sakin pagkatapos mong magbihis, magluluto ako" tumango lang siya at ngumiti bago sinarado yung pintuan.





Pagpasok ko sa apartment ko ay nagbihis muna ako ng underwear, may dalaw ako eh. Uminom narin muna ako ng pain reliever para sa period cramps ko.





Nagsimula nakong magluto at naghiwa ng mga sangkap nung pumasok si Imye na bagong ligo at nakabalot pa ng tuwalya yung buhok.





"anong lulutuin mo?" tinignan ko yung suot niya at nakasweater siya at pajama, hindi naman malamig.





"sinigang na isda" naglalagay ako ng asin sa niluluto ko nang lumapit siya at may dalang kutsara. Tinikman niya yung sabaw at nagthumbs up. "ba't ganyan suot mo?"




Sinulyapan niya yung suot niya at tumingin sakin. "wala lang, nagiginaw ako eh"





Binalewala ko lang siya dahil baka nga nagiginawan siya, edi sana hindi siya naligo kung maginaw pala.





"mamaya pala..." kakaupo ko lang sa harap niya at susubo na sana ng kanin nang magsalita siya. "hindi ako sasabay sayo papuntang bar, may dadaanan pa kasi ako"





"saan?" sumubo ako ng isda at humigop narin ng sabaw habang nakatingin sa kanya.




"sa...kakilala ko lang" tumango nalang ako sa kanya at nagpatukoy sa pagkain.





Mas nauna akong natapos kumain kaya naligo muna ako. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Imye.





Nagbihis nalang ako ng damit at nagayos bago lumabas ng apartment. Kinatok ko pa muna ang pintuan ni Imye para magpaalam dahil baka nasa loob pa siya pero mukang mas nauna siyang umalis sakin.




"a glass of whiskey miss" ngumiti ako sa babaeng umupo sa counter at binigay agad ang order niya.





Magaalas otso na ata ng gabi pero hindi ko parin nakikita si Imye. Ala sais kasi yung pasok namin at dalawang oras na siyang late.





"nakita mo si Imye?" tinanong ko yung kasamahan namin na kakalabas ng dressing room.





"ay nasa VIP lounge, may customer na binigay si Raylie eh" napakunot agad ang noo ko sa sagot ng kasamahan ko pero ngumiti parin ako.





"ah okay, thank you" ngumiti din sakin ang babae bago naglakad palayo.





Imbes na hanapin si Imye ay bumalik nalang muna ako sa counter dahil tinawag ako ng bartender.





Halos tatalong oras akong walang tigil na nagtrabaho at tumulong. Serve dito serve doon, nakakapagod pero mas ayos nato kesa noon.




"dressing room muna ako" tumango lang sakin ang bartender kaya naglakad agad ako paalis.




Saktong pagpasok ko ng dressing room ay may kausap si Raylie na kaibigan niya. Sinulyapan niya pako pagkapasok ko.





"nasan si Imye?" kalmado yung boses ko pero halata sa mukha ko yung inis.





"oh nasa VIP lounge, tumanggap ng customer eh" ngumiti pa siya sakin na parang nangaasar.





"diba sabi namin na ayaw na namin?! Hindi kaba nakakatindi!" halos magtaas akonng boses sa kanya dahilan para mainis siya at tumayo.





"sino ka sa tingin mo para pagsalitaan ako ng ganyan? Yung kaibigan mo ang umoo!" pinanlakihan niya pako ng mata habang nakatayo sa harap ko.






"o baka pinilit mo? Sinilaw mo sa pera kasi ganun ka naman diba?" humakbang ako ng isang beses papalapit sa kanya at tinitigan siya sa mukha. "pabalikin mo si Imye dito kundi..."





"kundi ano? Magsusumbong ka? Eh sino bang maniniwala sa inyo eh nagtatrabaho kayo sa club not to mention na bayarang babae kayo!" sasampalin ko na sana siya ng pumasok bigka si Imye na sobrang ikli ng suot at pinigilan agad ako.





"tama na Rina" tumawa pa ang bakla para mas lalo akong mainis.





"mamaya niyo na ako angasan kapag kaya niyo na" inis kong binawi ang kamay ko kay Imye at diritsong lumabas ng bar.






Inis kong sinuklay ang buhok ko habang malalim ang paghinga. Pabalang ko ring pinunasan ang luha ko habang nakatingin sa malayo at pinapakalma ang sarili ko.





"crying alone won't help, you know?" lumingon agad ako sa gilid ko at nakita si Dlane na nakasandal sa sasakyan niya. "wanna unwind?"





Hindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng sasakyan niya pero bahala na. Nakasandal lang ako sa bintana at walang kibo buong byahe.





Mukang alam rin naman niyang wala ako sa mopd dahil hindi rin naman siya nagtanong. Basta nalang niya akong dinala sa tabing dagat.





"we're here" tinanggal ko agad ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan.





Inopen niya yung bandang likod ng sasakyan niya at naglatag ng mat doon para doon kami umupo. Tumabi lang siya sakin at walang kibo.




"you can rant, I'll listen" sinulyapan ko siya at maliit na ngumiti.




"may nagsabing, hindi lahat ng tao deserve ng respeto...at isa ako sa mga yun" sinubukan kong ngumiti sa kanya pero bumagsak bigla yung luha ko. "ang sakit nun"




Wala siyang ibang ginawa kundi makinig sakin habang umiiyak ako. Wala akong ibang sinabi bukod doon pero nakinig parin siya sa hagulhol ko.





"sometimes people like you deserves more respect than those people who passed the bar exams, graduated and has a carefree life" he slightly tap my back. "they didn't know but, people like you deserves more respect because even if how hard life is, you didn't give up"




Inangat ko yung ulo ko at pinunasan naman niya agad ang pisngi ko. "yung trabahong inaalok mo, magaapply ako"





And for the first time in my life, I saw someone proudly smile at me...





Mi GustasWhere stories live. Discover now